Chapter 14: Calm Down, Dive Deep, Take the Plunge

1 0 0
                                    

Dear Dumpling,

Kamusta ka? Kami dito, okay lang. Buhay pa, sa awa ng Diyos. Dati, pag kinakamusta ako, "How are you?", ang sinasagot ko, "Heto, buhay pa rin." Dati, laging sarcastic ang tono ng aking boses pag sinasabi ito. Pero, sa pagdaan ng panahon, nagpapasalamat ako at buhay pa rin ako. Hindi lahat ng tao binibigyan ng ganitong pagkakataon.

Nag-leave ang mga star player sa team ni Aki para magensayo sa national team. Malapit na naman ang SEA Games, at natuto na ang mga liga. Dapat mamayani ang ikabubuti ng bansa, at hindi ang pribadong interes.

Kaya – ayokong sabihing napilitan pero mukhang ganun na nga ang nangyari – sinabihan ng coach si Aki na isasalang na siya sa laro bukas. At ang kalaban ng team nila ay ang mortal nilang "kaaway", a la Ateneo-La Salle nung panahon natin.

Sobrang nag-aalala si Aki. Sa wakas, lalaro na siya sa hard court. Pero natatakot siya na baka sumablay siya. Sabi niya sa akin habang katabi ko siyang nakahiga kagabi, "Dad, I'm worried. What if I'm not good enough? What if I make a service error? What if my hit is too hard the ball goes outside?" Pabilis nang pabilis ang hininga ng aking anak.

Alam kong kayang-kaya ni Aki ang kakaharapin niya. Halos lahat ng pag-eensayo sinamahan ko siya, at nakita ko kung paano siya nag-improve. Paulit-ulit ko nang sinasabi yan sa kanya pero wala, kabado pa rin.

Kaya kwinento ko ulit sa kanya yung nangyari kay Burette sa Olympics noong nine years old siya – grabe, ganoon na pala katagal ang nagdaan. Parang kelan lang, nagsasayaw sa niyebe ang anak natin, ngayon, hay, sabihin na lang natin na she's exploring new horizons. Let her be, let her experience life, not just to be told about it.

Alam mo nang si Aki ang nanalo ng gold sa ice skating competition na yun, silver lang ang napanalunan ni Burette. Pero maraming nagsasabi na mas maganda ang naging performance ng ating anak at dapat siya ang nanalo.

Kabado rin si Burette bago siya pumasok sa skating rink. Pareho kasi sila ng kantang ginamit ni Aki. At nauna si Aki na mag-perform. At umupo sa audience si Aki para panoorin ang routine ng ating bunso.

Pinapump-up ng kanyang coach si Burette pero lalo lang siyang nag-breakdown. Kaya sumingit na ako para pakalmahin ang ating anak. My advice worked for Burette at that moment, but I may have destroyed her Olympic career because of my actions that night. I don't want to look back.

But the words I said to Burette then apply to Aki now, "Calm down, dive deep, take the plunge," sabi ko sa anak ko, "Don't be dissuaded. Continue. Develop. Improve."

"The same words that lead to Burette's stunning routine, huh? Dad, do you think she was better than me?" Nagtama ang aking pagod nang paningin at ang bughaw niyang mga mata.

Huminga ako nang malalim, "Aki, I'm not a skating expert. So I can never tell. And that's in the past. What matters is what's happening now. Aki, you and Burette are both my daughters. And if there's one thing I know about my children, it's that they always do their best. Kaya mo yan, 'nak."

Napangiti na ang anak ko, "Thanks, Dad. I'm calmer now. Ako naman tutulong sa inyo. Let me help you sleep."

Malumanay ang tinig ni Aki. Sakto pag kailangan mag-relaks. Mavivisualize mo sa iyong utak kung ano sabihin niya. She may not be a poet, but her words will bring you to a different place and a different time.

"Dad, close your eyes. Imagine you're with, um," natigilan si Aki, "may I call her mom please?" Sabay turo niya sa iyong picture, Dumpling, sa headboard ng kama. "I don't have her DNA, nor have I met her, but she seemed like a good person and an awesome mom."

Tumungo ako, "You may, 'nak."

Ngumiti siya, "Thanks, Dad. Sige po, close you eyes na."

Sumunod na ako.

"Imagine you're thirty years younger, and at school, um college. You and mom were together, walking while heading to her car. Mom says, 'Can I ride it?' She points to the brown stroller bag you were dragging behind you. You say, 'no', but she's playful and stubborn, she sits on it anyway. You're shocked, Dad. 'What are you waiting for? Roll it,' she says while giggling. You drag the bag the best you can, but it barely moves because of how heavy Mom was. You both fall on the ground, laughing."

Napangiti ako. Parang sinasariwa ko ang isang alaala. Isang pangyayaring alam kong hindi naman talaga ganoon ang naging takbo sa tunay na buhay.

Pero bakit iyon ang napiling ikwento sa akin ni Aki? Hmm. Good morning, Dumpling.

Missing you always,

Dad

---

Version 1.0, 30 March 2020

Dear Dumpling (Wala na, Finished na; Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon