Chapter (3rd to the last): Freedom

1 0 0
                                    

Dear Dumpling,

Masinsinan kaming nag-usap ni Crucy kanina. Naramdaman kong pareho kaming nakahinga nang maluwag pagkatapos, tila naalis ang isang tapal na tumatakip sa aming mga ilong. We both felt that a burden had finally been lifted from our chests.

Oddly, it was Crucy who approached me, "Dad, kwinento sa akin ni Pipette na nag-kwento siya sa inyo kahapon," seryoso ang kanyang tinig at tila nakasimangot ang kadalasan niyang maaliwalas na mukha.

Tahimik lang ako. 'Di ko inasahang ganito kabilis ang aming paghaharap.

"Please hear me out," pagsusumamo ng pangalawa nating anak sa akin.

"Crucy, please sit beside me. I'm listening." Tinanggal ko ang laman ng silya para makaupo ang ating anak.

Huminga nang malalim si Crucy, "Dad, tinutulungan ko si Pipette sa sinusulat niyang journal tungkol kay Mama," dahan-dahan siya sa pagsasalita, "At takang-taka ako bakit niyo siya minahal, heck, bakit kayo nain-love sa kanya."

Nakakunot ang noo ng ating pangalawang anak. Hinayaan ko siyang magpatuloy.

"Dad, you two are nothing alike. Mom was a jet-setter. You were not."

Gusto ko siyang kontrahin na pinili kong manatili dito sa Maynila, na wala kang kasalanan dito, dumpling. Gastos lang ang pagbabakasyon at magkakasakit lang ako. Tutal may Internet naman e. Nakapaglalakbay na tayo sa buong mundo sa isang pindot. Pero hinayaan ko siyang magpatuloy, ayokong maging katulad ng aking ama, na hindi ako binibigyan ng pagkakataong makapagsalita.

"She insisted on driving her car anywhere, calling it her convenient locker. She didn't even think of the hassle that people like her cause to commuters. 'Di niya man lang inisip na dahil ang daming katulad niya na ganoon ang opinyon, mabigat na trapiko tuloy ang kalalabasan. Isang problemang hanggang ngayon di natin masolusyonan kasi ayaw nating banggain ang mga makapangyarihan."

Tama ulit si Crucy. Personal kong philosopohy at advocacy ang gumamit ng public transport. Sinubukan ko pa nga ikaw hikayatin, dumpling, e. Sabi mo sususbukan mo. Lip service lang pala. Suko na ako. Kung wala akong makukumbinsi sa pananaw kong ito, sapat nang manatili akong totoo sa sarili ko. Huminga ako ng malalim, pero tila bumibigat lang lalo ang aking pakiramdam.

"Adik siya sa kape, Dad. At sa softdrinks. Lagi tuloy puyat. Hindi ko nga alam kung may masamang epekto sa amin naging lifestyle ni Mom."

Trivial pero totoo. Ayokong nagkakape kasi di ako makatulog pag gabi. Di na ako umiinom ng cola kasi may history ang pamilya ko ng diabetes. At mas gusto kong natutulog nang maaga. Early to bed, early to rise.

Napangiti ako sa sobrang maliit na bagay na yun. Pero sumimangot lang ang ating anak.

"She's not completely honest with you. Naalala niyo ba nung nagkwento kayo kay Mom ng sama ng loob niyo tungkol kay lolo. 'Di man lang siya nagsabi ng kanyang hinanakit tungkol sa kanyang sariling ama."

Dumpling, di ko ikaw pinilit na magkwento tungkol sa iyong pamilya. Gusto kong ikaw ang mismong magbukas ng iyong puso sa akin para malaman kong pinagkatiwalaan mo nga ako. Pero hindi ko ito inungkat kahit nung naging tayo na. Baka masyadong masakit. Ayokong pag-awayin pa natin ito.

"Naalala niyo ba yung lunch nung di pa kayo na ginawa kayong third wheel? 'Di man lang sinabi sa inyo ni Mom na nililigawan pala siya nung nakasama niyong kumain ng curry. Kung di lang siya nag-kwento kay Tita R at kung di nagkataong nandoon din kayo, hindi niyo nalaman yun. Ang saya pa nga ni Mom nung kinukwento yun kay tita eh. 'We'll see,' kinikilig at nakangiti niyang sabi."

Tangina, ang sakit nun. Pinili mo nga ako, pero laging sumasagi sa isip ko na baka naawa ka lang sa akin. Na siya pa rin ang tinitibok ng puso mo at hindi ako. I feel that way because I feel that I've compromised too little for you, stubbornly clinging to my principles. I never knew if you agreed with how I wanted to live my life, or just tolerated it.

"Dad, you deserve better."

No, Crucy, I deserved worse. I deserved to live alone. Pero hindi ko yun nasabi sa ating anak, Dumpling, dahil tumutulo na ang mga luha sa aking mga mata.

"Dad, I want to find Mom, and bring her back, to show you...." Inaasahan ko na ang susunod niyang sasabihin, "to show you that you deserve better."

Pero tumigil si Crucy. Nakita akong tumutulo na rin ang mga luha ng ating anak. Namumugto na ang kanyang maliliit na mga mata.

Lagi kong tinatanong ang ating mga anak kung pwede ko ba silang yakapin bago ko ito gawin. Pero 'di na ako nakapigil. Niyakap ko si Crucy, at niyakap din niya ako. Sabay kaming humagulgol.

"Dad, who am I kidding? You love Mom so much. I want to bring her back so you can be happy. So I can be happy. So we can be happy."

Hindi ako nakasagot agad. Hinayaan ko maubos ang aming mga luha, at matuyo ang aming mga mata.

Sa wakas, pinutol ko ang aming yakap. Nagtama ang mata namin ng pangalawa nating anak. Nagsalita ako, "Crucy, I am happy. When your mom left, she left a void in my heart that cannot be filled again. But my heart is full, Crucy. You and your sisters are more than enough for me."

Pinatahan ko muna ang pangalawa nating anak at ang aking sarili. Sabay kaming pumunta sa kusina, kumuha ng tubig, at umupo sa dining table. Nang pareho na kaming nahimasmasan, dinepensahan kita, Dumpling.

"Anak, hindi masamang tao si Mom. Pinili ka niya, ikaw at kayong magkakapatid, kesa sa sarili niya. You know how difficult her pregnancy was, right?" mabagal kong sabi sa ating anak.

Naalala ko tuloy yung usapan natin nung pauwi tayo galing sa OB-gyne. "It's alright, we can have children some other time. Right now, you're my family, and that's all that matters. I don't want to lose you, Dumpling."

Hindi ko malilimutan ang sinabi mo sa akin, "Hon, I have to be capable of something greater than myself. Our children will live."

Your self-sacrifice continues to amaze me, Dumpling. Before that moment, I had always been unfair to you. When we were just friends, I would spend much time thinking why you didn't want to spend time with me.

You taught me a very important lesson: to not be selfish, to not just think about myself. Beisdes, you had already given me hugs, a safe space, and commitment. Why would I ask for more?

Muling nagtama ang mata namin ni Crucy, "Namimiss ko na si Mom, anak. Kung maibabalik ko lang ang panahon, para makasama natin siya ulit." Scientist ang ating pangalawang anak, kaya di ka na magtataka sa susunod kong sinabi sa kanya, "Pero kahit magawa natin yun, dapat ba nating baguhin ang nakaraan, para sa ating pansariling interes? Dapat ba tayong gumawa ng time machine kung ganyan kadelikado? Science must never lose sight of ethics. Anak, tandaan mo, ginawa mo na ito dati. Kay Sam na best friend mo. Uulitin mo pa ba?"

Na-offtopic na ako, kaya huminga akong malalim. "Crucy, I miss your Mom. But I am contented with what we have now. You, Pipette, Burette, Akiane. The only way towards happiness is contentment."

Naalala ko tuloy yung birthday ko nung magkaibigan pa lang tayo, Dumpling. Magkaibigan pa lang tayo noon. At halos buong party, di tayo nagkausap, kasi nandoon mga kamag-anak natin, at maraming ganap. Pero masaya pa rin ako, kasi pumunta ka at niyakap natin ang isa't isa bago umalis.

Napansin ng anak natin na pilit kong pinipigil ang aking mga luha. "Dad, let it all out," sabay abot ng tissue.

I never cried since you left, Dumpling. I had to be strong for our family.

Bilib akong napanatili kong matatag ang sarili sa mahabang panahon. Pero ngayon, di na ako nagpigil pa. Humagulgol ako, habang yakap ang ating anak. Siya naman ang nagpatahan sa akin.

Mahal kita, Dumpling, ngayon at magpakailanman.

Dad

---

Version 1.0, 3 April 2020

Dear Dumpling (Wala na, Finished na; Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon