Pasintabi kay Oasis at sa sumulat na si Noel Gallagher.
Dear Dumpling,
Mag-isa ako dito ngayon sa bahay. Alam mo naman, di na menor de edad mga anak natin. May kakayahan na silang gumawa ng sarili nilang mga desisyon. Hangga't di nila hinihingi ang abiso ko, hands off ako sa buhay nila. No unsolicited advice.
Sumagi na naman sa isip ko ang agam-agam kung pabaya akong ama.
Pero natutuwa akong di ako naging katulad ng ama ko.
Alam mo naman, di masamang tao ang ama ko. Pinagkait ng mana ng kanyang mga kamag-anak ang kanyang pamilya. Lumaki siyang walang ama na nagtrabaho sa ibang bansa, kaya siya na rin ang tumayong padre de familia. Hindi siya paborito ng kanyang ina. Ginamit ng kanyang kapatid ang perang pinadala niya para sana bumili ng pataba para sa pagpapatayo ng kanyang bahay (added 15 December 2019). Di siya naging boss sa kanyang trabaho kahit sampung taon ng buhay niya, nagtiis siya sa ibang bansa imbes na umuwi at tumulong sa aking ina sa pagpapalaki sa amin. He is a good provider, but he is not a good father.
Akala niya, nadadaan lahat sap era. Pero tinatraydor pa rin siya ng mga partner at empleyado niya. Kaya dinadaan niya ang kanyang sama ng loob sa aming pamilya. Sumbat nang sumbat. Sundin daw dapat namin siya kasi papunta pa lang kami pero siya pabalik na. Sinunod ko na siya sa malalaking desisyon ng buhay ko: pag-aaral, trabaho. Sinakripisyo ko na mga gusto kong gawin para sundin siya. Handa na nga akong isuko pati lovelife ko sa kanya, para lang wala nang gulo.
Pero napikon na ako na kahit maliit na bagay, pati paraan ng pagrelaks, gusto niyang pakialaman. Napuno na ako. Sabi ko, sige, huwag na lang magrelaks.
Aba, hinamon pa ako, "sige kunin mo yung susi, sabihin mo sa mama mo, umuwi na kayo". Napaka-childish, porket di ko siya sundin. Dinadaan lahat sa temper tantrum. Pero napuno na ako. Di ko siya pinagbigyan, "Bahala kayo sa buhay niyo," sumbat niya bago maglayas.
Grabe hagulgol ng mama ko. Ano pa ba daw gagawin niya para mabuo ang aming pamilya? Hindi na nga daw siya kinakausap. Panay cellphone lang lagi. Sinasakyan na lang daw mga trip ng ama ko. Ayaw niyang bitawan kasi baka mangabit ulit.
Sabi ko, "Ma, ginawa na natin ang lahat. Siya ang may pagkukulang, di tayo. Kung gusto niya makipagbati, nasa kanya na yun."
Simula noon ay hindi na kami nag-uusap. Sinusubukan ko, firm but respectful. Pero wala, sinisigawan ako. Temper tantrum.
At nilalayasan. Iniisip ko, ginawa ko ang lahat para di maging tulad ng ama ko.
Pero wala akong galit sa kanya. "Don't look back in anger," ayon sa kanya.
Sige dumpling, next time na ulit.
Dad
---
Version 1.0, 13 March 2020
BINABASA MO ANG
Dear Dumpling (Wala na, Finished na; Completed)
RomanceA young person's release from the frustrations of reality in the form of his dreams. That is the greatest tragedy. At least it also functions as a guidebook. Story in Filipino, with human-language English translation ongoing. --- Isang paraan para m...
