Chapter 2 : Trust Me

1.7K 35 0
                                    

HINDI mawala ang isip ng dalaga sa estrangherong nakita niya kanina. Hindi niya magawang makapag-concentrate sa kanyang trabaho dahilan upang lagi siyang mapuna ng kanyang boss dahil tila ba ang lalim ng iniisip ng dalaga.

"Ms. Beverly do you have a problem?" Ang tanong sa kanya ng boss niya. Napailing naman ang dalaga na para bang bumalik sa realidad. "Kanina ko pa napapansin na para bang ang lalim ng iniisip mo. May problema ba?"

"Ah, Sir w-wala. Wala." Ang tanging sagot ng dalaga at umaktong dumadampot ng mga papeles sa table kahit ang totoo ay laman pa din ng kanyang isipan ang gwapong estrangherong iyon na kanyang nakasabay sa elevator.

Napailing-iling na lang ang kanyang boss at iniwan na ito. Agad namang lumapit ang kanyang matalik na kaibigan na si Nads.

"Alam mo buti na lang at mabait ngayon si Boss. Bat ba kasi para kang lutang diyan!? Umamin ka nga, gumagamit ka ba!?" Ang usisa nito sa kanya.

"Sira! Lutang lang ako pero never akong gumamit. Wag mo na nga lang akong pansinin." Saad niya sa kanyang kaibigan at naupo sa kanyang area at ginawang abala ang kanyang sarili sa harap ng computer.

"May hindi ka ba sinasabi sa akin friend?" Ang tanong ni Nads na nakadungaw sa boarder niya. Napabuntong hininga ang dalaga at tingnan niya ito ng malalim.

"Wala."

"Nag-away ba kayo?" Ang pangungulit pa nito.

"Hindi. Siguro kulang lang ako sa tulog." Ang saad niya. Nakahinga naman ng maluwag ang dalaga ng hindi na ito nangulit sa kanya. Sinulyapan niya ito ng tingin na abala sa harap ng computer.

ILANG oras na ang nagdaan at hanggang ngayon ay pilit pa ring ginugulo ang isipan ni Beverly. Para bang may pinapahiwatig itong gawin na hindi niya maintindihan. Hindi siya mapakali lalo na sa tuwing naaalala niya ang mga tingin ng estranghero sa kanya. Ilang oras ng okupado ang kanyang isipan dahil sa binatang iyon kaya naman ng dumating ang oras ng breaktime ay nagmamadali siyang kumilos para lumabas ng opisina.

"Friend!" Ang tawag sa kanya ni Nads ng papalabas na siya ng opisina. "Nagmamadali? Oh, bat dala mo 'yang bag mo? Hindi ka ba sasabay sa amin?" Ang tanong nito sa kanya.

"Naku Nads, sorry ha. May pupuntahan pa kasi ako." Ang saad niya rito.

"Akala ko pa naman sabay tayo ngayon. Pinagluto ka pa naman ni Mama ng ulam."

"Pasensya na talaga friend. Kailangan ko talagang umalis." Ang paliwanag niya mula rito. Nagiguilt naman ang dalaga dahil sa nakikita niyang expression ni Nads na para bang nalulungkot ito dahil hindi siya kasabay nitong kumain. "Iuuwi ko na lang mamaya ang niluto ni Tita."

"Sige na. Baka mahuli ka pa. Isang oras lang ang breaktime natin."

Niyakap niya ang kanyang kaibigan at humingi ng paumanhin. Dali dali naman siyang naglakad at agad na tinungo ang door ng elevator. Kakaiba ang kanyang nararamdaman. Masaya siya na excited na kinakabahan. Umaasa na sana naroon pa ang estrangherong iyon. Halos hindi mapakali si Beverly dahil paulit-ulit itong nakatitig sa harapan ng salamin.

Mabilis ang kanyang hakbang ng bumukas ang pinto ng elevator at agad na tinungo ang convenient store na pinasukan ng estranghero. Ramdam niya pa rin ang presensya nito at nalalanghap pa rin ang halimuyak ng pabango nito kahit pa ilang oras na ang lumipas.

Huminga siya ng malalim bago pumasok sa loob ng convenient store. Malawak ang kanyang tingin na para bang gusto na niya itong makita. Nagmamasid masid sa paligid na para bang isang stalker ang dating niya. Ramdam niya na narito pa rin ang binata dahil sa lakas ng tibok ng kanyang puso.

Out of nowhere ay bigla siyang napatingin sa di kalayuan kung saan naroon ang mga drinking bottles. Isang pamilyar na pigura ang nakita niya. Nakatalikod ito sa kanya kaya hindi niya makita ang mukha nito pero malakas ang hinala niya na ito nga ang estrangherong nakatitigan niya kanina.

The STRANGER Series I : CALVIEN MONTENEGROTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon