Chapter 1 : The Stranger

3.5K 46 0
                                    

SIMULA ng magsama si Beverly at ang kanyang kasintahan na si Winston ay nakakaramdam siya ng kakaiba. Para bang may hinahanap siya na wala sa binata. She admit to herself na mahal niya ito. Alam niya sa kanyang sarili kung gaano niya ito kamahal. Pero everytime na nag-iisa siya ay nakakaramdam siya ng matinding kalungkotan.

'Masaya pa ba ako?' Ang lagi niyang nawiwika sa kanyang sarili. 'Hindi! We're happy together! Ayukong maghanap. Ayuko ng iba. Siya lang.'

Napapikit ang dalaga habang nakatingin sa harap ng salamin at naglalandas ang preskong tubig sa kanyang katawan na nagmumula sa shower. She took a deep breath at pilit na pinapakalma ang kanyang sarili. Nakatanaw siya sa kawalan habang malalim ang kanyang iniisip.

Winston is a good man. Walang sinong babae ang hindi siya gugustuhin. Mabait ang binata. Bukod sa angking kagwapohan nito ay talaga namang napaka responsible nito sa kanya. Kilala niya ito ng lubusan.

'Why I'm acting like this!?'

"Babe!"

Nagulat ang dalaga ng biglang bumukas ang pinto ng CR at iniluwa noon ang kanyang kasintahang si Winston.

"Matagal ka pa ba?" ang wika nito sa kanya na siyang ikinatitig naman niya sa binata. "Babe?"

"Patapos na ako babe." Ang natataranta niyang tugon at kunwaring nagbasa ng mukha sa shower upang hindi siya nito mahalata.

"You look sexy when you naked!" Halos mamula naman ang dalaga dahil sa tinuran ng binata. Mas lalo pang lumapad ang ngiti nito ng tumingin siya rito.

"Hey! Can you close the door please!" Ang saad niya at kasunod nito ang mahihinang tawa ng binata kaya tinapunan niya ito ng tubig gamit ang kamay niya. Tatawa tawa naman ang binata at kaysarap nitong titigan.

'Hindi ko yatang makitang masaktan ang lalaking ito!'

"Oh sorry. But before it's too late. Bilisan mo na diyan at sabay na tayong mag breakfast." Ang tugon ng binata habang nakaguhit ang matatamis nitong ngiti.

"Babe naman! Alam mo naman----"

"Come on! Bawal tumanggi kung ayaw mong pasukin kita diyan." Ang biro ng binata dahilan para mapatawa siya dahil sa nakakatuwang reaksyon nito.

"Fine! Bibilisan ko na."

"I love you babe!"

Walang pagsidlan ang tuwa sa kanyang mukha habang sinasabon niya ang kanyang katawan.

Naaalala niya ang mga panahon kung paano sila nagkakilala. Kung paano sila bumuo ng masayang mundo sa isa't-isa. Mga pangarap na hindi na niya alam kung matutupad pa. Gulong gulo ang isip ng dalaga dahil sa kakaibang nararamdaman niya.

NAKATAPIS ng tuwalya sa katawan ang dalaga ng lumabas ito ng banyo. Malayo pa lang ay naaamoy na niya ang masarap na almusal na niluto ng kanyang kasintahan.

"Wow! Kailan ka pa naging chef ng bahay na 'to Mr. Winston Serviento!?" Ang taas kilay niyang sabi habang nakatingin sa mga pagkaing nasa ibabaw ng table.

"Well," naglakad ang binata palapit sa kanya. Malagkit ang mga titig nito sa kanya habang nakaguhit pa rin ang mga ngiti sa mukha nito. "Hindi naman sigurong masama na ipagluto ko ang aking Reyna."

"Kikiligin na ba ako?" Ang nakangiting tugon niya. Mabilis siya nitong hinalikan sa kanyang labi at agad na inalalayang makaupo sa hapag-kainan.

Nakasunod naman ang tingin ng dalaga sa binata habang nilalagyan siya nito ng pagkain sa plate. Hindi niya maiwasang mapangiti dahil sa ginagawang pag-aasikaso nito sa kanya. Napaka-alaga ng binata. His a perfect human being on earth sa mga mata ng dalaga.

The STRANGER Series I : CALVIEN MONTENEGROTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon