Chapter 16 : Thoughts

664 15 0
                                    

BEVERLY'S POV

Thoughts.

Pinakamahirap daw na kalaban ay ang mga salitang nakabinbin sa ating isipan. Mga thoughts na nabubuo dahil sa ating sobrang pag-iisip lalo kapag alam mong may mali talaga.

Mga salitang nasasaktan ka ng palihim. Mga salitang maiiyak ka na lang sa sakit. Mga salitang ayaw mong ipaalam kasi alam mong maaaring hindi maganda o mabuti ang kalalabasan.

At heto ako ngayon, hindi makatulog dahil sa aking pag-iisip. Malalim na ang gabi ngunit gising pa rin ang aking diwa at patuloy na gumagawa ng mga kwentong sobrang nakakasakal. Bakit ako nagkakaganito? I'm getting paranoid. Para akong mababaliw sa kakaisip ng mga posibilidad at mga what ifs sa aking isipan. The heck!

Hindi ko alam kung anong gagawin. Bakit nakakaramdam ako ng takot at pangamba sa lalaking katabi ko ngayon, sa lalaking pinakasalan ko, sa lalaking minamahal ko. Bakit?

Ipinikit ko ang aking mga mata ng maramdaman ko ang paggalaw niya. Nagkunwari akong tulog at hinayaang bumangon siya. Gising ang lahat ng senses ko na para bang nakikita ko ang bawat galaw niya hanggang sa naramdaman ko ang pagbukas ng pinto at pagsara nito. I don't know pero bigla akong bumangon. Hindi ko siya sinundan instead mabilis kung hinalungkat ang bag niya. Nagbabasakali na may makita akong proof o kakaiba sa kanya. Para akong magnanakaw sa kilos. Mabilis ang mga galaw at hindi man lang ako nataranta hanggang sa nakapa ko ang mga susi na nasa bulsa ng bag niya. Kinuha ko iyon ng maalala ko na baka isa sa mga susi na ito ang susi sa kabilang kwarto at upang makita ko kung ano ang laman ng kwartong iyon at kung totoo ang sinasabi ni TF.

Ibinalik ko ng maayos ang lahat ng gamit niya na para bang wala akong kinuha. Malinis ang pagkakabalik ko at paniguradong hindi niya iyon mapapansin. Bumalik ako sa kama at nahiga. Inilagay ko naman ang susi sa ilalim ng unan ko at nagkunwaring tulog.

Hindi na ako makapag-antay na mabuksan iyon. Sana lang nandito ang susi sa pintong iyon.

Muli akong bumangon dahil nakaramdam ako ng uhaw. Lumabas ako ng kwarto at agad na hinanap si Cal.

"Hon?" Ang tawag ko ngunit walang sagot akong narinig mula sa kanya.

Napalingon ako sa kwarto na nasa right side mula sa kinaroroonan ko. Ewan ko ba pero humakbang ako patungo roon at pinihit ang door knob ngunit gaya ng dati ay nakaluck pa din ito. Hindi na ako nag-aksaya at agad na bumaba ng hagdan. Tinawag ko ulit si Cal ngunit hindi pa rin ito sumagot.

Tumungo ako sa kitchen at agad na kumuha ng tubig sa ref. Uminom ako saka ibinalik ang pitsel sa loob ng ref.

"Aaah!!" Nagulat ako ng paglingon ko ay nasa likuran ko na pala siya. "Hon naman ginulat mo ako. K-kanina ka pa ba diyan?" Ang tanong ko habang nakatingin sa kanya.

"Kung ano mang binabalak mo huwag mo ng ituloy." Napatigil ako sa pagtitig sa kanya. Nakakatakot ang mga tingin niya sa akin na para bang alam niya ang ginawa ko.

"Bakit gising ka pa?" Ang tanong ko. Hinayaan kong i-ignore ang sinabi niya. 

"May kinuha lang ako sa sasakyan. Next time hon, bawas bawasan mo ang pag-iinom ng kape nagiging magulatin ka na." Ang saad niya.

"Sorry hon. Kanina pa kasi kita tinatawag eh."

"Let's go." Saad niya at hinawakan ako sa bewang at sabay kaming umakyat sa taas.

Nakatulala lang ako habang nakahiga. Hindi na ako katulad ng dati. I don't know pakiramdam ko talaga may mali. I started to be cold. Nawawalan na ko ng gana hanggat hindi ko nalalaman ang totoo.

Pinilit kung ipikit ang aking mga mata kahit pa pakiramdam ko katabi ko ang pinakanakakatakot na nilalang sa buong mundo.

Lord ikaw na po ang bahala.

The STRANGER Series I : CALVIEN MONTENEGROTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon