Chapter 4 : What's your Name?

1.1K 24 0
                                    

Bakit may mga taong hahayaang sirain ang kanilang relasyon dahil may nakitang mas deserve pa sa taong mahal nila. Sobrang unfair lang dahil hindi tayo nagiging kontento sa kung anong meron tayo. Masakit kapag alam mong wala kang makitang dahilan kung bakit ka pa rin iniwan?

Life is unfair. Napakagulo.

Gulong gulo ang isipan ng dalaga habang katabi niya ang kanyang kasintahan sa higaan. Tahimik itong natutulog habang nakatitig naman siya sa mukha nito. Hindi niya mapigilan ang malungkot.

'Itong lalaking 'to, ang naging buhay ko sa maraming taon. Ang taong hindi naghanap ng kakulangan ko. Ang taong minahal ako ng mas higit pa sa buhay niya.'

Hindi niya magawang ipikit ang kanyang mga mata dahil sa tuwing ipinipikit ni Beverly ang mga mata niya ay nakikita niya ang imahe ni Winston na nagsusumamo at umiiyak sa harapan niya.

Napabuntong hininga si Beverly habang malalim pa rin ang iniisip niya. Naramdaman niya ang pagyakap sa kanya ni Winston. Hinawi niya ang buhok nito at hinaplos ang mukha nito.

"Winston, patawarin mo ako." Ang wika niya sa kanyang sarili at niyakap ito.

GINAWANG busy ni Beverly ang kanyang sarili sa loob ng opisina upang hindi maisip ang estrangherong iyon hanggang ngayon ay naaalala niya pa rin ito.

"Beverly!" Ang tawag ni Nads na nasa harapan niya na pala. "Okay ka lang? Malalim na naman ang iniisip mo."

"W-wala. Okay lang ako. Ang dami ko kasing aayusin. " Ang saad niya at kinuha ang folder na hawak ni Nads.

"Alam mo pansin ko lang ha. This past few days lagi ka na lang wala sa sarili mo. Kahapon hindi ka pumasok? Hindi ka man lang nagpaalam. Saan ka ba pumunta kahapon?"

"Hah? " Napakurap ang dalaga ng matauhan. Naalala niyang hindi na nga siya bumalik after lunch dahil kasama na niya ang estranghero. "May pinuntahan lang ako. Emergency."

Nakipagtitigan si Beverly kay Nads na para bang hindi ito naniniwala sa kanyang sinabi.

"Sa nga pala, pumunta dito si Winston kahapon, hinahanap ka."

"Ha?"

"Dimo alam?" Ang kunot-noong tanong ni Nads sa kanya. "Alam mo masama ang kutob ko sayo. Umamin ka nga sa akin Beverly! Ayukong niluluko mo ang kaibigan ko."

"Nads kasi--" Hindi natapos ni Beverly ang sasabihin niya dahil dumating ang kanilang boss.

"Ms. Beverly, okay na ba ang report na pinagawa ko sayo?" Ang saad nito sa kanya.

Agad naman siyang tumango at kinuha ang mga files na nasa ibabaw ng kanyang table.

"Sir ito na po." Ang sabi niya sabay abot nito ng folder sa kanyang boss.

"Thank you." Ang saad nito sabay kuha ng folder sa kanya at lumabas na. Agad namang tumayo si Nads at nagmamadaling lumapit sa kanya at kinulit kulit siya nito.

Hindi niya alam kung paano niya uumpisahan ang lahat. Kung paano niya ikukwento sa kaibigan ang ginawa niyang kasalanan. Idagdag pa ang takot na nadarama niya dahil nagsinungaling siya kay Winston gayong pumunta ito kahapon sa kanyang opisina.

"Mamaya ko na lang ikukwento sayo. Sabay tayo mag lunch. " Ang pahayag ni Beverly sa kanyang kaibigan. "Marami pa akong kailangan gawin."

"Promise 'yan ha." Tumango na lamang si Beverly upang tumigil na si Nads. Alam niyang hindi ito matatahimik kapag hindi niya sinabi sa kaibigan ang totoo. Malaki ang tiwala niya kay Nads. Bago pa siya nito naging matalik na kaibigan ay kaibigan na ito ni Winston.

The STRANGER Series I : CALVIEN MONTENEGROTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon