Chapter 15 : Dinner

712 19 0
                                    

BEVERLY'S POV

Lied.

Sa mundong maraming tinatagong hiwaga. Sa mundong maraming nagkukubli. Sa mundong maraming sekreto. Sa mundong binabalot ng kasinungalingan.

Ang mga salitang lumalabas sa ating bibig ay ang isang bagay na sobrang hirap paniwalaan.

Nakinig ako sa mga kwento ni TF. Hindi ko alam kung maniniwala ba ako o sadyang naguguluhan lang ako. Hindi ako mapakali dahil parang totoo ang lahat ng mga sinabi niya? Pero bakit? Bakit kailangan niyang sabihin iyon sa akin? Supposedly si Cal ang dapat na magsabi sa akin ng totoo?

Totoo? Bakit ganito ako mag-isip? Bakit ganito ako kumilos? Bakit humantong ako sa punto na gusto kong makilala ang aking asawa? Masaya naman ako pero bakit kinakain ako ng mga tanong na nasa isipan ko. Tanong na laging nagpapagulo sa akin.

Alin ang totoo? Alin sa mga sinabi ni TF at Cal ang totoo? Sino sa kanila ang nagsasabi ng totoo?

"Masarap!" Ang puri ni TF sa luto kong caldereta. "Kaya pala nahulog sayo ang kuya ko." Ang saad nito sabay tingin kay Cal.

Nasa hapag kainan na kami. Dumating na kasi si Cal at mukhang pagod. Mabuti na lamang ay nakapagluto na ako bago pa dumating ang asawa ko.

"Salamat." Ang nakangiti kong sabi.

Pansin ko ang pagiging tahimik ni Cal na para bang pinagmamasdan ang bawat galaw ng kanyang kapatid.

"Kanina ka pa ba nandito Steffany?" Ang seryusong tanong ni Cal sa kanya at sumubo ng pagkain. Sasagot na sana ako ng biglang magsalita si TF.

"Actually magkasunod lang tayo." Ang saad nito sabay tingin sa akin. She lied. Almost one hour na siyang nasa bahay bago dumating si Cal.

"Yes honey. Hindi mo man lang sinabi sa akin na ganito pala kaganda ang kapatid mo." Ang sabi ko sabay nguya ko ng pork.

"Thank you. I like you na." Ang maarteng sabi ni TF. Si Cal ay nanatiling seryuso. Hindi ko tuloy maiwasang mag-isip kung ano ang dahilan ng pagiging tahimik niya.

"After this dinner pwede ka ng umalis."

"Pero hon----"

"This is my house. And that's my order." Sabay tayo nito. "I need to rest. Wala akong gana." Ang walang gana nitong sabi.

"Honey what's wrong?" Ang saad ko.

"It's okay. Ganyan talaga si Kuya. Masanay ka na. Anyway in the third day of June, magkakaroon ng malaking event ang organization. I'm hoping na makapunta ka Beverly. To witness the event."

"She's not coming." Cal said.

"Bakit? Ayaw mo bang makilala ng lahat ang pinakamaganda mong asawa? Aside from that Calvien, hindi naman siguro masama na makilala ng asawa mo ang mga kaibigan mo? Don't worry andoon naman ako. I will take care Beverly."

"Event?" Ang usisa ko.

"Oh sorry. Mukhang may hindi pa nasasabi ang asawa mo."

"Steffany stop! Tumigil ka na." Ang inis na nitong sabi.

"Honey!" Ang saway ko.

Ganito ba talaga sila magturingan? Parang hindi sila magkapatid. Okay. Marahil hindi ko nga sila kilala. Masama ang ipinukol ni Cal sa akin saka naglakad paakyat sa taas. Naiwan akong nahihiya sa harap ni TF.

"Pag pasensyahan mo na ang kuya mo baka pagod lang sa work."

"It's okay. Sanay na ako Beverly kaya dapat masanay ka na. Alam mo ba kung bakit hindi ako nagpapakita sa kanya madalas? Kasi ganito lang din ang mangyayare." Paliwanag niya.

The STRANGER Series I : CALVIEN MONTENEGROTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon