Chapter 27 : World of Mafia

708 15 1
                                    

BEVERLY'S POV








Mafia.

 -is a type of organized crime syndicate whose primary activities are protection racketeering, arbitrating disputes between criminals, and brokering and enforcing illegal agreements and transactions.

Tama si Nads. Tama ang lahat ng sinabi niya sa akin noon. Masyado akong nagpadala sa bugso ng aking damdamin at hindi man lang nag-isip ng maayos para hindi ako magsisi pero huli na dahil kinain ko ang lahat ng aking mga sinabi noon sa kanya.

Kung ginamit ko lang sana ang aking isip at hindi ang aking puso. Sana masaya pa rin kami ngayon ni Winston. Sana kasama ko pa rin siya hanggang ngayon.

Buong magdamag akong umiyak dahil hindi ko matanggap ang lahat. Puno ng pagsisisi ang aking sarili. Tama nga sila na nasa huli ang pagsisisi. Sa huli kung saan nasa maling direksyon ka na.

Sinubukan kong tumakas kagabi dahil umalis si Cal pero nabigo ako dahil nakaluck ang pinto. This time maraming kadena at kandado ang nakatali sa pintuan. Wala akong lakas upang makatakas.

Hanggang kailan ako magtitiis sa ganitong sitwasyon.

Hinintay ko ang pagbabalik ni Cal ngunit hindi siya umuwi. Buong magdamag siyang wala at hindi man lang ako inisip. Kung talagang mahal niya ako hindi niya ako hahayaang nag-iisa. Sa ginagawa niya sa akin ay mas lalo akong nagpupursige upang makatakas sa kanya. Alam ko na hindi ganon kadali ang lahat para makatakas ako kaya kailangan kong mag-isip ng paraan kung paano siya maiisahan.

Tirik na tirik na ang araw at hanggang ngayon ay hindi pa rin umuuwi si Cal. Marahil wala na siyang planong balikan ako. Hindi rin ako makatawag dahil nasa kanya ang phone ko at maging ang landline ay putol na rin ang connection. Kahit sumigaw ako ng sumigaw wala ring makakarinig sa akin dahil malalayo ang pagitan ng bawat bahay sa lugar na ito. Ang kailangan kong gawin ngayon ay mag-antay sa kanyang pagbabalik. Sa pagbabalik ng aking asawa.

Nagkulong ako sa kwarto hanggang sa bumukas ang pinto at iniluwa nito ang makisig na nilalang na si Cal. Kakaiba ang kanyang ayos base sa kanyang pananamit. Malayo ito sa simpleng Calvien na kilala ko. Wearing black tuxedo and a red necktie. Napakaformal ng kanyang ayos na parang may business trip siyang pupuntahan.

Hindi ko iniwas ang aking tingin ng magtama ang aming mga mata. Pinagmasdan niya ako ng maigi. Hindi ko alam kung ano ang tumatakbo sa utak niya pero ako takot ang naramdaman ko. Takot na baka saktan niya ako.

"Fix yourself. Isuot mo ito. Aalis tayo." Ang seryusong saad niya na wala man lang emosyong makikita sa kanya.

"Ayuko! Hindi ako sasama sayo." Ang pagmamatigas ko.

Inihagis niya sa akin ang dala niyang paper bag.

"Huwag mo kung artehan ng ganyan. My rule is my rule. Huwag mo kung subukan Beverly. Ayusin mo ang sarili mo at aalis tayo. I give you 20 minutes to fix yourself. Aantayin kita sa baba." Ang tugon niya.

"Saan tayo pupunta? Ilalayo mo ako? Itatago mo ako!?" Ang sunod sunod kung tanong sa kanya.

Huminga siya ng malalim at tumingin sa kanyang Rolex watch saka ibinalik ang tingin sa akin.

"You know me right?! Then I'll show you who am I. Maghihintay ako sa ibaba. Don't waste my time honey." He said in a sexy voice. Tiningnan niya ako ng malalim saka lumabas ng kwarto.

Naiwan akong tulala at hindi alam ang gagawin. Hawak hawak ko ang paper bag at kinuha ang laman nito. Isang red dress na sobrang ganda ng pagpapagawa. Isa ito sa pinakamahal na brand sa buong mundo. Tiningnan ko ito ng maigi. Alam niya talaga kung ano ang bagay sa akin.

The STRANGER Series I : CALVIEN MONTENEGROTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon