Epilogue

2K 28 37
                                    

CAL'S POV

Dahan dahan kong idinilat ang aking mga mata. Ramdam ko ang sakit sa aking katawan. Maraming nakatusok sa akin maging sa aking ilong ay may nakalagay na hose upang makahinga ako. Iniinda ko rin ang kirot sa aking gawing tagiliran. Alam ko na sa tagiliran ako tinamaan.

Inikot ko ang aking tingin sa loob ng kwarto. Wala akong makita na kahit na sino.

"Honey?" Ang tawag ko pa ngunit wala akong narinig na sagot mula sa kanya. Hindi ko rin mapigilan ang kabahan lalo na kapag naiisip ko ang pinag-usapan namin.

Wala akong plano na iwanan niya ako.

Pinilit kung bumangon ngunit hindi ko talaga kaya dahil sa kirot at pagkahilo.

"Nurse!!" Tawag ko pa.

Bumukas ang pinto at iniluwa nito sila Diego at Felix.

"Bro!" Tawag nila at agad na lumapit sa akin. May mga dala silang pagkain at kita ko sa mga mata nila ang labis labis na pag-aalala.

"Thanks God. Nagising ka din." Ang saad ni Diego na nasa gawing kanan.

"What happen? Ilang araw na akong hindi nagigising?" Ang tanong ko.

"3 days." Ang sagot ni Felix habang ngumunguya ng apple na hawak niya.

"3 days?" Ang pag-uulit ko. Hindi ako makapaniwala na ganon pala katagal bago ako nagkamalay.

Pinaliwanag sa akin ni Diego ang lahat. Mabuti na raw ang aking kalagayan at muntikan na akong mamatay, mabuti na lamang raw at mabilis akong nadala sa hospital. Pinaliwanag din nila sa akin kung ano ang mga bagay na pwede kung gawin at hindi pwede. Malalim raw ang tama ko sa aking tagiliran.

Nalaman ko rin na ang mahigpit naming kalaban ang nagpaputok ng baril. Marami raw ang nasawi at ganon din sa grupo namin.

Hindi ako makapaniwala na lulusubin nila ang naturang pagtitipon.

Sa pagkukwento ni Diego ay nalaman ko rin na umatras ang ilang negosyante na mag invest sa aming kumpanya at sa Mafia Syndicate.

"Si Beverly?" Ang tanong ko na siyang kinagulat nila. Napatitig pa ako at pinagmasdan ko sila. "Where's Beverly!? May nangyare ba sa kanya?"

Nagpalipat-lipat ang aming mga tingin sa isa't-isa na para bang may tinatago sila sa akin na hindi ko alam.

"Diego! Felix! Sabihin niyo, nasaan si Beverly?" Ang tanong ko at ramdam ko ang kaba sa aking puso.

"She's fine." Ang seryusong sabi ni Felix na parang hindi komportable.

"Where is she?" Ang tanong ko pa.

Napabuntong-hininga si Diego bago ito tumingin sa kanya.

"Hindi namin alam. Bigla na lang siyang nawala matapos ka niyang dalhin sa hospital. Wala na kaming balita." Ang malungkot na sagot ni Diego sa akin.

"No!! No!! Hindi!! Hindi pwede 'yon!" Ang galit kung sabi at nagpupumiglas na makatayo ngunit pinipigilan nila ako dahil masama raw sa kalagayan ko.

Pinaliwanag ko sa kanila kung anong balak ni Beverly sa akin, na iiwan ako nito at magpapakalayo.

"I'm sorry." Saad nila.

"Tawagan mo si General. Sabihan mo na maghigpit at magkaroon ng checkpoint sa bawat boundary, sa airport at maging sa mga pier at siguraduhing hindi makakalabas ng bansa si Beverly. Felix, i-check mo lahat ng CCTV. Alam ko magaling ka sa program. Hindi pwedeng makalayo si Beverly, mapapahamak siya."


•••


Sa paglipas ng mga araw ay mas lalo ko pang pinaigting ang paghahanap. Pinagalaw ko lahat ng mga tauhan ko upang hanapin si Beverly. Hindi ako titigil na mawala siya ng tuluyan sa akin. Gagamitin ko ang kapangyarehan ko upang mahanap siya.

Hindi ako papayag na mawala siya sa akin.

"Kahit saan ka tumungo Beverly, mahahanap at mahahanap pa rin kita."



VOTE!! VOTE!! VOTE!!

FINALLY NATAPOS NA DIN. MARAMING SALAMAT PO SA INYO. PLEASE FOLLOW NIYO PO AKO SA WATTY AS A RETURN PO NG PAGSUSULAT KO ♥️♥️♥️

I LOVE YOU GUYS. SEE YOU SA NEXT SERIES.

----

KUYA CHAD

DATE END --- JULY 19, 2020

The STRANGER Series I : CALVIEN MONTENEGROTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon