Chapter 22 : Grounded

632 16 0
                                    

BEVERLY'S POV

Grounded.

-means you are solid with who you are, you are sure of yourself, you have confidence in your decisions.

Gusto ko pag gising ko wala na ang sakit na dinadala ko, ang lungkot na nasa aking puso, ang pait na aking nararamdaman. Gusto kong makita ko naman ang totoong ako. Ako na nakangiti at masaya. Ako na malayang nagagawa ang lahat ng aking nais.

Gusto ko ng bumalik sa dati.

Nagising ako ng namumugto ang aking mga mata. Umiyak ako ng umiyak kagabi na para bang wala ng bukas. Wala ng bukas para sa aming dalawa. Nagising na naman ako ng wala na si Cal sa tabi ko. For almost one month na nagsama kami ay madalas akong nagigising ng wala na siya sa tabi ko. Wala man lang salitang naririnig mula sa kanya.

Nakakapanibago dahil wala man lang tawag o text na mula sa kanya na supposedly lagi niyang ginagawa sa akin. It's weird. Sobrang kakaiba ang nararamdaman ko. Sobrang bigat ng aking katawan na para bang pagod na pagod ako, na para bang naglakbay ako ng sobrang layo.

Mabigat ang aking mga paa ng bumangon ako. Bigla akong nalungkot ng maaalala ko ang mga masasayang nangyare sa aming dalawa sa loob ng tahanan na ito. Mga masasayang pinagsaluhan naming dalawa. Dali dali kong kinuha ang bag ko sa aparador at iniligay sa aking bag. Desidido na akong umalis at iwanan siya. Gusto kong hindi na niya ako abutan pag-uwi niya. Ayuko na ring makita ang kanyang mukha kahit masakit ang gagawin ko. Kailangan kong gawin ito para sa ikakatahimik ko.

Matapos kong mag-impake ay napaupo ako sa kama. Para bang nakita ko ang imahe niya na naliligo sa shower habang pinapanuod ko siya mula rito. Ang mga ngiti niyang nakaukit na sa aking isipan. Ang kanyang mga mata na labis kong nagustuhan. Ang sitwasyon sa tuwing nagtatalo kami na nauuwi lang sa magandang tagpo ng pagtatalik. Lahat ng magaganda at hindi magandang nangyare sa amin ay para bang nag flashback sa aking harapan ngayon.

Naramdaman ko ang pangingilid ng aking luha pero hindi ko iyon hinayaang bumagsak. Mabigat ang aking mga paa ng lumabas ako ng kwarto habang bitbit ang maleta. Napatingin ako sa kabilang kwarto kung saan ko unang nakita ang mga lihim niya sa pagpinta. Isa sa pangarap ko ay maipinta niya ako gaya ng mga likha niya. Gusto kong hindi niya ako makalimutan sakaling maipinta niya ako.

Napatigil ako sa malaking salamin na nasa malapit sa hagdan. Pinagmasdan ko ng maigi ang aking sarili. Tinanong ko pa nga ang aking sarili sa harap ng salamin kung masaya ba ako? Kung desidido na ba ako? Kung hindi na ba ako papapigil?

Bumaba ako ng hagdan at mas lalo akong nalungkot ng maalala ko ang tagpong pinagluluto niya ako, ang tagpong tinuturuan niya akong magluto, ang tagpong naging masaya ako kasama siya, ang tagpong ramdam ko ang sobrang pagmamahal ko para sa kanya at ang unang tagpong pinagsaluhan naming dalawa. Ang carpet na naging higaan namin habang naglalakbay sa gitna ng aming kapusukan. Ang tagpong nagdala sa akin sa ganitong buhay.

Huminga ako ng malalim bago pihitin ang doorknob kaya lang napatigil ako ng hindi ko ito mabuksan kahit pa paulit-ulit ko itong pinipihit. Nakaluck sa labas at hindi ko mabuksan.

Really? Talagang niluck niya ang pinto just to make sure na hindi ako makakalabas. Ginawa ko ang lahat ng aking makakaya para makalabas kaya lang napagod lang ako sa kakaisip at kakahanap ng paraan. Walang silbi kung may susi ako, hindi ko rin magagawang buksan.

The STRANGER Series I : CALVIEN MONTENEGROTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon