Chapter 28 : Syndicate

668 24 0
                                    

BEVERLY'S POV







Syndicate.

-a group of individuals or organizations combined to promote some common interest.





Masama ang loob ko dahil sa nangyare. Wala akong imik. Walang salita na lumalabas sa bibig ko. Sabi pa niya kailangan ko raw matuto at tanggapin na ito ang magiging buhay namin. Ayuko. Ayuko ng ganito. Ayukong mapahamak.

Ngayon naiintindihan ko na kung bakit mas pinili niyang itago sa akin ang totoo dahil ayaw niyang magbago ang tingin ko sa kanya, dahil ayaw niyang makita ng dalawang mata ko kung gaano siya kasama at kalupit sa mga ginagawa niya. Hindi ko ito masisikmura.

Nagsisisi ako kung bakit umabot sa ganito ang relasyon namin. Kung bakit naging magulo dahil sa pagpupursige kung malaman ang totoo.

Sobrang hirap at hindi ko alam kung kaya kung sikmurahin ang lahat at kung kaya ko pang manatili sa kanyang tabi. Hindi ko alam kung paano ko tatanggapin ang lahat. Naguguluhan ako at hindi makapag-isip ng maayos.

Nakatingin ako sa kawalan habang nakaupo sa mamahaling kama. Dinala niya ako sa mansyon niya. Isang magandang mansyon na napapaligiran ng iba't-ibang mamahaling kagamitan. Mas malaki ang mansyon na ito at hindi ko inexpect na may ganito pala siyang tirahan. Maraming katulong na nagsisilbi, malawak ang mga kwarto at halatang ginastusan ng malaki.

Nasabi niya sa akin na old house pala nila ang bahay kung saan kami tumira. Doon daw sila lumaki at doon din namatay ang kanilang mga magulang. Nalungkot ako sa parte na kinkuwento niya sa akin ang tungkol sa sinapit ng kanyang mga magulang. Kitang-kita raw nilang magkakapatid kung paano pinatay ang mga magulang nila at hanggang ngayon ay patuloy niya pa ring hinahanap ang mga ito upang gantihan.

Hindi ko masisisi si Cal kung puro poot at galit ang laman ng kanyang puso. Ngayon naiintindihan ko na ang lahat. Ang lahat ng ginagawa niya ay dahil sa galit at paghihiganti at kaya niya nagagawang kumitil ng buhay.

Mas pinili niyang manahimik at magpanggap sa harap ko dahil pinoprotektahan niya ako. Napaka-selfish ko dahil hindi ko iyon nakita ngunit hindi pa rin iyon sapat upang magbago ang tingin ko sa kanya. Galit pa rin ako.

"Kung iniisip mo na makakawala ka," Nagulat ako ng bigla siyang sumulpot sa loob. Agad akong napatingin sa kanya na seryuso ang mga tingin sa akin. "Huwag mo ng balakin dahil kahit saang sulok ka pumunta makikita at makikita pa rin kita."

"Cal hindi ko kaya."

"Huwag mo kung subukan Beverly.Marami ka pang dapat malaman tungkol sa akin." Segunda niya.

"Why Cal?"

"Because you deserve to know who am I. Hindi ka ba natutuwa na pinapakita ko sayo kung sino ako?" Ang saad niya na malalim ang mga tingin sa akin.

Hindi ako natutuwa dahil sa ginawa mo.

"Hindi ko kayang tanggapin at sikmurahin na ganoon ang ginagawa mo. Hindi ko matanggap na ang bawat butil na kinakain ko at kakainin ng magiging pamilya natin ay nagmula sa hindi magandang gawain. Hindi ko masisikmura iyon. Kung mahal mo ako magsimula tayo. Malayo sa ganito." Ang madamdaming sabi ko. Totoo naman eh. Ayuko ng ganitong buhay. Marangya nga kung maituturing pero nagmula naman sa hindi maganda.

"Masasanay ka rin honey. Naguguluhan ka lang ngayon. Kailangan mong tanggapin ang katotohanan."

"Hindi kita maintindihan Cal. Ano bang pinaglalaban niyo?! Huh! Sabihin mo sa akin!" Ang sabi ko na hindi ko napigilang magtaas ng boses dahil sa bugso ng aking damdamin.

The STRANGER Series I : CALVIEN MONTENEGROTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon