Chapter 23 : Behind the Mirror

664 19 0
                                    

BEVERLY'S POV

Mirror.

-something that gives a true representation.

It also a reflection of life about truth and lies. Pwede mong itago ang lahat ng meron ka behind the mirror. Lahat ng sakit, saya, pighati at matinding kalungkutan.

Kinakabahan ako dahil wala akong alam kung ano ba dapat ang tamang ginagawa sa taong mataas ang lagnat. Basta ang alam ko ay pinupunasan ito ng maligamgam na tubig sa buong katawan upang maging maayos ang pakiramdam ng may sakit.

I'm not a perfect wife. Wala akong alam pagdating sa ganito. Gusto ko nga sana siyang dalhin sa hospital kaya lang walang tigil ang pagbuhos ng ulan.

Tumungo ako sa baba at kumuha ng maligamgam na tubig sa saka towel. Nagsearch pa ako sa google kung ano ang mga dapat gawin sa taong may lagnat. Really?

Agad akong bumalik sa taas dahil hindi ko mapigilang mag-alala sa kanya. Kahit na ganito ang plano ko ay hindi ko pa rin magawang iwan siya. Kung tutuusin nga pwede na akong umalis at iwanan siya pero hindi ko magawa. Heto ako nag-aalala at inaalagaan siya.

Inilapag ako ang maliit na planggana sa gawing kanan niya. Pinagmasdan ko ng maigi ang mukha ni Cal. Pawis na pawis ang kanyang buong katawan. Kitang kita ko ang mga butil ng pawis sa kanyang noo.

"Ano ba kasing pinaggagawa mo?" Ang parang nanay kong saad. Bigla ko tuloy namiss si Mama sa ganitong sitwasyon.

Kahit nakapikit si Cal ay sobrang gwapo pa din nito kahit pa may sakit na nga at namumutla, napakagwapo pa rin niyang tingnan. Pero kailangan kong lakasan ang katawang babae ko at iwasang matukso sa kanya.

Dahan dahan kong tinanggal ang butones ng kanyang polo. Damn! Sa bawat tanggal ko ng butones ay napapalunok ako na para bang hindi ko pa nakita ang malapad niyang dibdib.

Sino ba namang nilalang ang hindi kakabahan sa ganitong mala-adonis na hulma nito. His perfect creature on earth na nakita ko sa buong buhay ko. Malaya kong napagmasdan ang buong katawan niya. Ang malulusog na dibdib, ang abs nito na parang pandesal ang dating. Damn! Nagiging makasalanan pa yata ako.

Marahan kong idinampi ang basang towel sa kanyang noo patungo sa kanyang dibdib. Easy. Ramdam ko ang panginginig ng buong katawan ko dahil sa ginagawa ko. Kung may makakita lang siguro sa kinikilos ko baka isiping hinahalay ko sa aking isipan ang asawa ko.

"Magpagaling ka." Ang bulong ko ng marinig kong dumaing ito. Sobrang hina niya na para bang may nangyareng hindi maganda sa kanyang katawan.

Iniligay ko ang towel sa kanyang noo at hinayaan ito roon.

Tumayo ako at tinawagan si Diego kung ano ang nangyare kay Cal. Sinabi ko sa kanya na mataas ang lagnat ni Cal at marahil raw na infect ang sugat nito kaya nilagnat. Hindi ko tuloy maiwasang sisihin ang sarili ko ng dahil sa akin kaya nagkaroon ng sugat sa kamao si Cal.

Hays.

Ilang sandali pa ay nakarinig ako ng malakas na pagkulog at kasunod naman ay ang pagkawala ng mga ilaw sa loob ng bahay. Brownout.

Wala akong ginawa kondi bantayan si Cal hanggang sa mag-umaga. Wala akong ayos na tulog dahil sa pag-aalala ko sa kanya. Magdamag akong nakamasid sa kanya habang nag-iisip ng mga bagay para sa ikabubuti naming dalawa. Mabuti naman at hindi na gaanong mataas ang kanyang lagnat. Kahit paano hindi na ako nababahala.

"Hon." Ang gising ko sa kanya. Supposedly ayuko sanang gawin ito, ang alagaan siya, bantayan siya hanggang sa gumaling kaya lang hindi ko kayang makita siyang nahihirapan. Ako lang ang nandito at ayukong may mangyareng hindi maganda sa kanya.

The STRANGER Series I : CALVIEN MONTENEGROTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon