Chapter 6 : Did you still love me?

923 15 0
                                    

BEVERLY'S POV

Kahit gaano pa katibay ang isang relasyon kung may isang taong magpapadala ng kahinaan to ruin their relationship walang mangyayareng maganda. Panahon na susubukin kung gaano katibay ang pundasyon na ginawa mo sa loob ng mahabang panahon. Pundasyon na kayang gibain sa loob ng maikling panahon.

Ano pang laban mo sa maikling oras, maikling panahon kumpara sa mahabang panahon ng pinagsamahan kung hindi ka na masaya. Yes I'm happy pero hindi na katulad ng dati. I always searching a new things para mapunan ang kakulangan na hinahanap ko. I can't imagine na darating ito sa aming relasyon. I found a new one habang siya ay patuloy pa rin akong minamahal without knowing na niluluko ko na pala siya. Niluluko para sa sarili kong kaligayan.

I'm not contented of what I have. Winston and I, is such a good partners. Actually wala akong masabi on how he handle our relationship. He is a perfect man of every girls dream. Ako lang talaga ang nagkamali. Ako ang naging mahina dahil naghanap ako. Naghanap ng iba.

Huminga ako ng malalim bago bumaba ng taxi. Ramdam ko ang takot sa aking sarili ng makababa ako. Ayukong pagdudahan ako ni Winston. Ayukong mag-usisa siya kung saan ako galing. Ayukong mag-isip siya ng kung ano-ano tungkol sa akin.

Marahan kong binuksan ang pinto ng condo namin. Hindi siya uuwi ngayon dahil may tatapusin siyang project. Tuloy tuloy akong pumasok sa loob and to my surprise napatigil ako sa paghakbang ng makita ko siya. Sobrang lakas ng kabog ng aking dibdib.

Nakaupo siya sa may sofa habang may hawak hawak na baso. Umiinom siya.

"B-babe?" Ang nauutal kong sabi ng mag sink-in sa utak ko na nasa harap ko siya. Mabilis akong naglakad sa kanya at agad na hinalikan sa mga labi niya. "Akala ko hindi ka uuwi?" Ang tanong ko at naupo sa tabi niya.

"Where have you been? Masyado ng gabi." Ang seryusong saad niya. Ramdam ko sa boses niya ang paghihinala sa mga tanong niya.

"Ah. Ano... May tinapos ako sa company. " I lied.

"Really?" Isang deretsong saad niya sa akin dahilan para mapatitig ako sa kanya. Kakaiba ang mga titig niya. Napatango ako sa tanong niya. "Gusto ko magsabi ka sa akin Babe ng totoo. "

"Babe ano ba? Pinagdududahan mo ba ako? God! I'm tired! Pagod na pagod ako sa dami ng ginawa ko sa office tapos kung ano ano iisipin mo!?" Ang iritang sabi ko. Napansin ko ang paghigpit ng hawak niya baso na para bang gusto niya itong pigain hanggang sa mabasag.

"Sa lahat ng ayaw ko, ay ang mga taong sinungaling. "

Hindi ko na napigilan pa ang aking sarili at tiningnan ko siya ng masama. Yes I'd lied. Kung kaya kong takpan, pagtatakpan ko.

"Bahala ka nga! Ayukong makipag argue. I know we both are tired!" Ang iritang sabi ko sabay tayo at hakbang palayo sa kanya ngunit nakakailang hakbang pa lang ako ng bigla siyang magsalita dahilan para mapahinto ako.

"Did you still love me?"

"What!? Anong klaseng tanong 'yan!?"

"Answer me! " Ang pagtaas niya ng boses na siyang kinagulat ko. Sobrang lakas ng kabog sa aking dibdib dahil sa sobrang takot.

"O-of course! Ikaw lang ang mahal ko. Please Winston huwag mo naman akong pag-isipan ng hindi maganda. Pareho tayong pagod sa trabaho. Hindi na nga tayo nagkakasama ng madalas. Hindi na tayo nag-uusap. Iniintindi ko 'yon kaya sana maintindihan mo din ako." I started to cried. Pinakita ko sa kanya ang pagbagsak ng luha ko. "You know how much I love you. Ikaw ang naging mundo ko sa loob ng mahabang panahon. Ikaw ang buhay ko. Huwag mo naman akong pagdudahan." Ang pahayag ko at mabilis na pumasok sa loob ng kwarto namin.

The STRANGER Series I : CALVIEN MONTENEGROTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon