Chapter 18 : Paranoia

652 17 0
                                    

BEVERLY'S POV

Paranoid.

Suffering from the mental condition of Paranoia.

Hindi ko maintindihan kung bakit ako nagiging ganito pakiramdam ko hindi ako dapat magtiwala, hindi ako dapat makapante. Everyday is getting worst and worst. Hindi ko na alam kung sino dapat ang aking pagkakatiwalaan? Everyone is playing me. Iyon ang nararamdaman ko.

Nakaupo ako sa bench habang nakatanaw kay Cal na nakatalikod sa akin. His looking at the ferris wheel, pinagmamasdan niya ito habang pinagmamasdan ko naman siya mula sa kinauupuan ko. His action is different. Pinapakita niya sa akin na everything is okay, na wala akong nakita. Pero ang sistema ko unti unting kinakain.

"Kanina ko pa napapansin na ang tahimik mo. Is there any bothering you? Makikinig ako." Saad niya sabay tingin sa akin.

"I don't know Cal. Something wrong." Saad ko dahilan para tumabi siya sa akin.

Solo namin ang amusement kaya kami lang ang tao sa loob ng park.

"You look tired honey. You should be happy."

"Cal, ako lang ba ang nakakapansin sa pagbabago mo? Why your acting like that? Bakit pinapakita mo sa akin how nice you are. Hindi ka naman ganon."

"Is that an issue? Beverly what's wrong? Masama bang bumawi sayo sa lahat ng pagkukulang ko as your husband. Alam ko, this last four days, hindi tayo naging okay. Kaya gusto ko bumawi kasi I love you." Saad niya sa akin.

"Hindi lang ako sanay. Thank you for this night." Ang sabi ko. Pansin ko ang pag-iba ng awra niya into a serious looks.

"This is why I hate girls. Ang daming conclusion sa isipan niyo. Why did you asks first before creating story to your mind!" Inis na niyang sabi dahilan para matahimik ako. Ito ang isang bagay na ayaw ko kapag nagtatalo kami.

"Sorry."

Tiningnan niya ako ng mapansin ang pangingilid ng luha ko. Pakiramdam ko ang hina hina ko na to the point na hindi ko maipagtanggol ang sarili ko, ni hindi ko mabigyan ng boses ang mga hinaing ko.

"Let's go." Napatingin ako sa kanya. Pinigilan ko talaga na huwag bumagsak ang aking mga luha. "You want to see lights diba? Come on! I'll show you." Sabay hakbang niya patalikod habang nakaupo pa ako. Napatigil pa siya at muling lumingon sa akin kaya tumayo na ako dahil kung ano pa ang mangyare kapag hindi ako sumunod.

Naisip ko lang, na maaaring tama si Nads sa mga sinabi niya noon. Tama siya na mali ang naging desisyon ko. Ayukong mangyare iyon pero parang magkakatotoo.

Sumakay kami sa ferris wheel, inalalayan niya ako dahil takot ako sa heights. Nakapikit pa ako habang nakayakap kay Cal. Sobrang napapatili ako habang umaandar ang ferris wheel. Sobrang lakas ng kaba ko na para bang sasabog sa takot.

"Takot ka pala sa heights." Ang saad niya ng maramdaman ang paghigpit ng hawak ko sa kanya.

"Oo. Bata pa lang ako natatakot na ako sa matataas pakiramdam ko kasi mahuhulog ako." Sabi ko habang nakapikit ang aking mga mata.

"Come on." Inalalayan niya akong humarap. Nanginginig pa ako ng dahan dahan niya akong pinapaharap. "Open your eyes."

"Ayuko. Natatakot ako."

The STRANGER Series I : CALVIEN MONTENEGROTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon