Chapter 17 : Unhappiness

692 22 0
                                    

BEVERLY'S POV

Happiness.

Happiness means, contentment, pleasure, satisfaction, cheerfulness, joy, well-being, paradise, heaven pero hindi iyon ang nararamdaman ko. Kabaliktaran lahat.

Inisip ko noon, kapag naikasal ako life is going to be easy pero hindi pala. Nakakasakal, nakakamatay at nakakatakot.

Excitement. Pleasure. Adventurous. I don't know what's going on. Habang tumatagal kasi ay parang mas lalong sumasama ang kutob ko. Feeling ko I'm not safe. Everyday and every night lagi akong hindi pinapatulog ng aking isipan. Para akong may sakit dahil sa mga thoughts na unti unting kumakain sa aking sistema. I don't know. It's not healthy for me baka kung ano pa ang mangyare sa akin. Hanggat maaari ay kinokontrol ko ang takbo ng aking isipan pero the fact na kapag ako na lang mag-isa sa loob ng bahay ay inaatake na naman ako ng aking sarili. Walang tigil na kakaisip to the point na napapaiyak na lang ako.

Akala ko magiging madali ang lahat. Marrying a man in just a week mo lang nakilala at hindi alam ang pagkatao it's like killing yourself everyday. Para akong tanga na palaging nagdududa at palaging naghihinala.

What if nagsasabi talaga siya ng totoo? Kailangan ko na sigurong magpacheck-up.

Gaya ng usapan namin ni Cal ay nag-ayos ako, nagpaganda. Wearing an expensive dress and a bag. Sinundo ako ni Daniel sa bahay gaya ng usapan. Magaan ang loob ko sa kanya na para bang pwede ko itong pagkatiwalaan. Habang binabaybay namin ang gitna ng Edsa ay wala siyang tigil sa pagkukwento. Napaka jolly niya unlike Cal, malayong malayo ang attitude niya. Namangha ako dahil sa husay niyang magsalita, napaka professional na halos lahat ng salitang lumalabas sa bibig niya ay malinaw mong maririnig at maiintindihan.

Pagdating namin sa labas ng mall ay nakita ko si Diego kasama ang isang lalaking matangkad na may mapuputing balat. Mukha silang mga model.

God! Pinagtitinginan ako dahil sa tatlong nilalang na kasama ko.

"Anong ginagawa niyo dito?" Naiinis na sabi ni Daniel kila Diego at kasama nito.

"Pinapunta kami ni Calvien. Para maging bodyguard ni Beverly. Hi Beverly." Saad ni Diego at kinuha ang aking kamay sabay halik nito. Agad naman siyang sinaway ni Daniel na parang isang bata.

"This is my date with Beverly tapos panira pa kayo. Hays." Naiiritang saad ni Daniel. Napangiti naman ako sa side na ito ni Daniel. It's cute.

"Spoiler alert!"

"Ano sabi mo! Hays. Bat pa kasi pinadala pa kayo rito. I can manage naman eh." Reak ni Daniel sa kasama ni Diego.

Pinagmasdan ko ito at iniisip kung saan ko ito nakita. Para kasing nakita ko na ito.

"Tumigil ka na. Spoiled bratt man!" Inis nitong tugon. Mukha itong suplado dahil sa boses nito. Hindi ko maaninag ang mga mata nito dahil sa suot nitong salamin. Kung gaano kagwapo sila Daniel at Diego ay ganon din ang nilalang na kasama niya.

"Beverly, hindi mo pa siguro namimeet si Felix." Saad ni Diego sabay akbay nito sa kanya na siyang ikinairita naman nito.

"Felix Hedalgo." Ang deretsong saad nito sa akin sabay lahad ng kanyang kamay sa akin. Inilahad ko din ang aking kamay sa kanya.

"Ikaw pala si Felix." Ang sabi ko.

"Kilala mo ako?" Saad nito.

"Nakwento lang sa akin. Nice to meet you." Ang nakangiti kung sabi.

"Oh. Tama na 'yan! Bitaw na! Mayare ka pa kay Calvien." Singit ni Daniel ng mapansing hindi pa kami nagbibitaw.

"Kakauwi niya lang from States." Sabat naman ni Diego.

The STRANGER Series I : CALVIEN MONTENEGROTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon