Chapter 30 : The Acquaintance

1.2K 21 0
                                    

BEVERLY'S POV

•••

Sa loob ng tatlong araw ay marami akong nalaman tungkol sa kanya. Tinanong niya pa ako kung anong gusto ko pang malaman at sinagot naman niya ako sa mga tanong ko. Sa nakikita ko ngayon ay masasabi kung totoo at naniniwala ako sa kanya. Kailangan ko lang siguro mag-adjust na tanggapin siya ng buo.

Mahal ko ang asawa ko at ayukong maging failure bilang asawa niya. Marahil nahihirapan lang akong tanggapin kung sino siya. Kailangan ko ng mahabang panahon upang matanggap ko ang katotohanan. Natatakot ako sa ginagawa niya. Hindi ko alam baka isang araw mawala na lang siya sa akin dahil nabanggit niya sa akin na maraming gustong pumatay sa kanya at hindi ko kaya iyon.

Ngayon, naiintindihan ko na ang lahat kung bakit niya itinago sa akin ang kanyang pagkatao. Unang una ay ayaw niya akong mapahamak at matulad sa dati niyang asawa. Pangalawa, gusto niya akong protektahan sa kahit anong panganib at pangatlo ay dahil mahal niya ako.

Habang nakikipag-usap ako sa kanya ng seryuso ay ramdam ko ang determinasyon niyang maging buo kami, bumalik sa dati at magsimulang muli kung sino siya. Wala akong masabi dahil sa kabila ng mga nagawa ko ay pinapakita niya pa rin sa akin kung anong mga plano niya. Sasamahan niya kung tuparin ang mga pangarap ko.

He is good. Meron siyang puso kahit na sa kabila ng pagiging Mafia niya and he encourage me na maging bahagi din ng Mafia. Wala akong masagot dahil hindi pa ako handa. Kailangan ko ng tapang at tibay ng loob kung sakaling gustuhin kung pumasok sa Mafia.

"Are you ready?" Ang tanong ni Cal sa akin. Kanina niya pa ako tinitingnan habang nag-mmakeup ako. Ngayong gabi na kasi ang pagtitipon.

Nginitian ko siya bilang sagot. Ilang sandali pa ay tinawag na niya ang mga maids upang tulungan akong isuot ang white gown na pinagawa niya sa isang sikat na designer. Maganda ang desinyo na para bang aatend ako sa Oscar award. Kumikinang ang mga diamonds sa gown na suot ko. Alam kung sobrang mahal nito at never kung inexpect na makakasuot ako ng ganito kamahal na damit.

Napadako ang aking tingin kay Cal na sobrang gwapo sa kanyang suot. What I mean, always naman siyang gwapo.

"Thank you." Ang pabulong kong sabi sabay tingin ko sa kanya.

"You are beautiful honey." Saad niya.

Iniwan na kami ng mga maids at saka naman siya naglakad palapit sa akin. Hinawakan niya ako sa bewang at siniil ng kanyang halik.

Naguguluhan ako kung ano ba ang magiging pasya ko. Kung mananatili ba ako sa tabi niya o kailangan kung lumayo?

"I'm sure ikaw ang pinakamaganda sa naturang pagtitipon." Ang nakangiti niyang sabi.

Dati pangarap kung makita ang mga ngiti niya sa kanyang labi. Nakakagaan sa pakiramdam na makita ko iyon ngayon.

"Maganda ba?" Ang muli kung tanong sa kanya na siyang kinangiti niya. Tumango siya bilang sagot.

Nagpaalam siyang bababa at hihintayin niya ako. Malapad ang aking ngiti ng tumingin ako sa malaking salamin. Ang ganda ng awra ko, walang lungkot kundi tanging mga ngiti lang ang nakaguhit sa mukha ko. Napakaaliwalas kumbaga.

Bumuntong-hininga ako at muling tiningnan ang aking sarili sa harap ng salamin. Para akong isang beauty queen sa ayos ko. Kinakabahan din ako sa gabing ito. Ngayon ko kasi sasabihin kay Cal kung ano ang desisyon ko. Alam ko namang hindi siya papayag pero susubukan ko ulit.

Muling bumukas ang pinto at iniluwa nito ang dalawang maids. Sinabi nilang bumaba na raw ako bilin ni Cal sa kanila. Nginitian ko ang dalawang matanda at inalalayan nila ako. Hawak hawak ng isa ang laylayan ng suot ko.

The STRANGER Series I : CALVIEN MONTENEGROTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon