Monica POV
Nasa bar ako ngayon kasama ko ang mga abnormal kong kaibigan. Ang gara bat sila may jowa ako wala tss. Habang tinititigan ko ang mga kaibigan ko may lumapit saakin."Hi miss" sabi ni kuyang lumapit, tinignan ko naman sya at tinaasan ng kilay "What?" Maarteng tanong ko "Single ka?" Tanong nya "Oo" walang ganang sagot ko, bigla naman sya ngumiti ng malaki pota ano trip neto "Pwede kaba sumama saakin mamaya? Dyan lang sa may hotel" nakangising tanong nya, tinignan ko naman sya hindi sya masyadong matangkad, hindi sya moreno, mukha syang manyak or manyak talaga sya. "Hindi" sagot ko sakanya, hindi ko sya type at hindi isang katulad nya ang gagalaw saakin "Single ka naman miss anong problema doon?" Tanong nya ulit, tangina naman neto andaming tanong "Hindi porket single ako sasama na ako sa'yo, ipapaalam ko lang sa'yo mister may pinagaralan ako at di ako tanga para sino sino lang ang pinapatulan" saad ko, hinawakan nya naman ako sa braso. Pilit kong hinihila ang braso ko mula sakanya pero napakahigpit talaga ng paghawak nya "Tara miss dadalhin kita sa langit" nakangising sabi nya "Gago ayoko pa mamatay! At sa itsura mo mukhang hindi sa langit punta mo!" Sigaw ko sakanya, alam ko naman kung ano tinutukoy nya kingina nya mandiri nga sya "Ibang langit ang tinutukoy ko miss" nakangising sabi nya, nagulat ako ng may nagtanggal ng mahigpit nyang hawak sa braso ko "Ayaw nya nga daw sumama sa'yo diba? Kaya makaka-alis kana" seryosong saad nito, tinignan ko naman kung sino ang nag salita. Nagulat ako ng makita si Joaquin na seryosong nakatingin doon sa lalake "Sino ka ba?" Sigang tanong nung lalake "It's none of your business kung sino ako" seryosong saad ni Joaquin "Oy tama na yan!" Saway ni Frances "Umalis na kayo pls lang" pakiusap ni James, umalis naman na yung lalake dahil lumapit na rin yung iba naming kaibigan at kumalma na si Joaquin.
Rio Joaquin Villanueva crush na crush ko sya nung college kaso may nangyare noon kaya nawala na. Pero tangina pag nakikita ko sya bumibilis ang tibok ng puso ko. Sakanya lang nagkakaganito yung puso ko. Pero ayoko na syang gustuhin ulit kase sobrang sakit nya mahalin.
"Ayos ka lang?" Tanong ni Frances "Oo" sagot ko sakanya "Kasalanan mo yan ganda mo eh" nagbibirong saad ni Frances "Grabe ka ghorl eh ako lang toh" natatawang saad ko "Bat kaya nagalit yun si Rio? I mean pag sa iba naman di sya ganyan kagalit kalmado lang sya pag ipagtatanggol yung ibang babae. Bat pag dating sa'yo nagiging halimaw sya?" Nagtatakang tanong ni Frances, napaisip din ako sa sinabi ni Frances tangina neto ni Frances baka di nanaman ako makakatulog sa kakaisip sa sinabi nya "Kase kaibigan nya ako" sagot ko nalang sakanya "Ay sizt nakikita mo ba kung paano nya kami ipagtanggol? Kalmado lang sya pag kami pero pag sa'yo halimaw sya" saad ni Frances "Wag na natin pag usapan yun pls?" pakiusap ko sakanya "Osige inom nalang tayo" saad ni Frances
Ang saya saya pag umiinom ng alak pota bat po ganun? Ang gara netong mga kaibigan ko kahalikan mga jowa nila kadiri sakit sa mata di manlang nahiya saakin na single. Sila mag adjust dapat sila nahihiya saakin charot iniwas ko nalang yung tingin ko. Bigla naman umupo si Scarlett sa tabi ko.
"Hirap maging maganda noh?" Natatawang tanong nya "Oo ghorl sobrang hirap" nagbibirong sagot ko sakanya "Btw asaan jowa mo?" Nagtatakang tanong ko sakanya "Meron silang family dinner ngayon kaya di ko na sinama" sagot nya "Ang manhid mo noh?" Seryosong sabi nya "Hindi ako manhid" depensa ko "Sure ka ba dyan? Kasi tignan mo si Joaquin parang may gusto sa'yo galit na galit kanina eh tas ngayon ang tagal nyang pakalmahin sarili nya" saad nya "Magkaibigan nga kasi kami" seryosong sabi ko "Kaibigan lang ba talaga? Di mo sya gusto katulad dati?" Seryosong tanong nya.
Napatahimik ako sa tanong ni Scarlett. Gusto ko pa ba sya? Hayss.. ewan ko di ko rin maintindihan yung sarili ko eh. Ang gulo gulo ng nararamdaman ko.
"Hindi ko alam kung gusto ko sya katulad nung dati. Hindi ko alam kung ano nararamdaman ko ang gulo eh" seryosong saad ko "Paano pag niligawan ka nya ngayon ano gagawin mo?" Tanong nya "Hindi ko alam kasi ang sakit sakit nyang mahalin eh" seryosong saad ko
Ano ba toh ganito ba talaga pag umiinom? Kelangan merong drama. Hindi ko alam kung ano gagawin ko pag isang araw nagising ako gusto ko na ulit si Joaquin kasi sobra nya na akong nasaktan noon. Nakakasawang masaktan lalo na kung same person.
"Puntahan ko muna si Raine parang baliw na doon eh" paalam ni Scarlett, tumango naman ako sakanya at tuluyan nya ng pinuntahan si Raine. May bigla naman tumabi saakin pag lingon ko hindi ko maipaliwanag yung nararamdaman ko. Si Joaquin yung tumabi saakin. Mygosh self umayos ka nga please ayoko na maging marupok sakanya.
"Ayos ka lang?" Tanong nya "H-huh? U-uhmmm.. o-oo" natatarantang sagot ko, ano ba yan kinakabahan ako sakanya send help please "Gago yung lalake na yun buti nalang hinanap kita gusto kasi kita makausap tas nakita ko hawak hawak kana sa braso nung kupal na yun" galit na kwento nya "B-bat mo a-ako gusto m-makausap?" Kinakaban na tanong ko sakanya, pota ang bilis ng tibok ng puso ko "Mamaya nalang siguro o sa susunod ko nalang sasabihin sa'yo umiinit parin yung ulo ko sa nangyare sa'yo eh" seryosong saad nya "O-okay" kinakaban na sabi ko
Bakit mas mainit pa ulo nya kaysa saakin? Sya ba yung inano dyan kanina? Putangina gusto ko malaman kung ano sasabihin nya tapos biglang mamaya o sa susunod nalang kingina nya ba? Tumingin naman ako sa orasan ko malapit na palang mag sara tong bar na toh. Pag tingin ko kumpleto na kaming mag kakaibigan dito sa table.
"Baka may balak kayong umuwi?" Seryosong tanong ko sakanila, uwing uwi na ako eh gusto ko makapagpahinga andami kong nainom pero parang di ako nalasing. "Ghorl di ka namin mahahatid ni Clark ah doon ako sa apartment nya matutulog" saad ni Frances, sumabay lang ako sakanila kasi akala ko malalasing ako "Okay lang yun mag gragrab nalang ako or taxi" nakangiting saad ko "Sige ghorl ingat ka ah text mo ako pag nakauwi kana" saad ni Frances, yumakap naman saakin si Frances at yung iba ko pang kaibigan bago umalis. Lalabas na sana ako ng bar ng may humawak saakin.
"Hatid na kita" aya ni Joaquin "Hindi wag na mag book nalang ako ng grab or tatawag ng taxi" tanggi ko "Hatid na kita gabi na oh baka ano pa mangyare sa'yo" seryoson saad nya "Okay" yun nalang ang nasabi ko dahil gusto ko na talaga umuwi.
Nasa kotse kami ngayon ang tahimik namin pareho pota ang awkward.
"Monica" tawag nya saakin "Bakit?" Tanong ko "Gusto mo pa ba ako?" Seryosong tanong nya, napalunok naman ako sa tanong nya "Hindi" sagot ko "Ganun ba.." mahinang sabi nya "Monica" tawag nya ulit saakin, nilingon ko naman sya "Can you love me again?" Seryosong tanong nya nagulat naman ako doon. Mahalin sya ulit? Tapos ano sasaktan nya ulit ako? I chuckled.
"Can you love me again? Naalala mo pa ba kung ano yung mga sinabi mo saakin noon? Yung pakiusap mo naalala mo pa ba yun?" Seryosong tanong ko sakanya.
YOU ARE READING
First Love Never Dies
RandomKahit ilang beses mo akong saktan ikaw at ikaw parin ang mamahalin ko. At ng dahil sa'yo naniwala ako sa salitang "First Love Never Dies."