Kapwa sila walang imik sa loob ng sasakyan habang binabaybay nila ang daan papunta kina Cleef.Naka tiim bagang ang lalaki at pinipigil lang nito ang sarili na singhalan siya.
Hindi yata matanggap ng lalaki ang pagpapakumbabang ginawa nito kanina.Hmmmp!Ganyan nga alipin,magbigay galang sa reyna!
Mas lalo pa yata itong nainis ng maupo siya sa likod at pinagmukha itong driver niya.Kilala niya ang uri nito,tingin sa sarili mataas at lahat ng sinasabi ay tama.In short,di marunong tumanggap ng pagkakamali.May pagkakatulad silang dalawa,kahit siya inaamin niya minsan na mataas din ang kanyang pride.Pero hindi siya katulad ng lalaking ito,mapanghusga at walang modo.Hindi pa niya nagawa ni minsan ang ginawa nitong pagpapahiya sa kanya noong una nilang engkwentro.
But he said please to you bakla!Plastic yun,hindi totoo.
Kung nagkatawang lupa lang siguro ang isang bahagi kanyang isip ay baka kanina pa niya natiris.Kahit gigil na gigil kasi siya sa lalaki ay di niya maiwasang purihin ang physical na anyo nito sa likod ng kanyang isip.Mahigit sampung minuto na silang tahimik at wala yatang balak ang kasama niya na kausapin siya.At ganon din siya!
"The woman like you is so controlling",he hissed.
"Akala ko wala ka ng boses",singhal niya."Tsaka anong controlling controlling yang sinasabi mo.Inaano kita?"
Huminto ang sasakyan nila dahil sa traffic.Pagkuway nilingon siya nito.
"Don't play dumb",matabang na sabi nito.
"Why, you want it the other way around?",she sacrastically said."Gusto mo ikaw ang masusunod at gusto mong respetohin kita?Hindi mo deserve yun Mister Dugong!"Her bitchy mode just switched on.
"Dugong?"
Inirapan lang niya ito dahil sa inis.Bigla lang kasi lumabas sa bibig niya ang mga salitang iyon.Nagiging isip bata talaga siya pag naasar.Totoo nga ang kasabihan na ang taong malakas ang asar ay asar talo din.Katulad niya.
"Hindi mo kilala si Dugong?Yung shokoy sa Marina",ismid niya.Natawa ito ng nakakainsulto."You are so childish,it doesn't fit on your looks".Abat ang damuho.Malaki talaga ang problema nito sa kanyang anyo.
"And Dugong? That's supposed to be you because dugong is definitely a woman.""Yaks!Nanonood ka rin ng Marina dati?"
"Of course not! That was my mother's favourite drama before".
Pinaikot lang niya ang mga mata sa inis.Hindi talaga to nawawalan ng sagot sa lahat ng mga sasabihin niya.Ah,dapat pala dito cold treatment.Hinding-hindi na siya magsasalita.Natutunan niya ang ganong tactic noong nasa kolehiyo siya.Pag binubully siya noon,tatahimik siya at kunwari walang naririnig.Kaya kusa ring tumigil ang mga nambubully sa kanya noon dahil sa pagiging bingi bingihan niya.Natuto lang siyang ganito ka tapang nga mamatay ang kanilang mga magulang ni Gwyn.
Wala siyang choice noon kundi magpakatatag dahil nasa highschool pa lang ang kanyang kapatid.Natigil lang siya sa pag aaral ng mabuntis ito sa murang edad nito.Matagal na siyang nagsusulat at yun na ang naging source of income niya.Mabuti na lang patok lahat ng kanyang mga gawa at nagiging best seller sa lahat ng bookstore.Pero itinago niya ang katotohanang iyon kasabwat ang kaibigang binabae.
Laging hinihiling ng publishing company ang kanyang pagpapakilala kahit man lang daw sana sa book signing ay mapagbigyan niya.Pero maigi niyang tinanggihan ang lahat ng iyon."Why you seems so quiet?",basag ng lalaki sa kanyang pananahimik.Hindi niya ito pinansin.Ayaw niyang makapagbitiw na naman ng maanghang na salita laban dito.Kilala niya ang sarili sa pagpigil minsan ng emosyon pero nasisira pagdating sa lalaking ito.
"You know what, you're so unpredictable.Hindi ko alam kung alin ba sa dalawa ang totoong ikaw."Paki mo!!huwag mo akong kausapin.
"Malayo pa ba tayo?",she coldly said.
"Almost"maikling sagot nito.Bumuntunghininga na lang siya at sinadya niyang iparinig dito.Sana naman obvious dito na hindi niya ito gustong kasama.Nakakasuffocate.
Pagkuway tumunog ang cellphone nito.Itinabi nito saglit ang sasakyan na ikinainis niya.Ibig sabihin hindi sila agad makakarating sa pupuntahan dahil uunahin muna nito ang pagsagot ng tawag.Hindi ba pwdeng sagutin na lang nito habang nagmamaneho?Uso naman siguro ang loudspeaker sa cellphone nito.
Naiinis niyang tiningnan ito para sana iparating dito ang kanyang iritasyon.Pero ang kumag hindi tumingin sa gawi niya.Agad nitong sinagot ang tawag ng maigilid ng maayos ang sasakyan.Baka importante.
"Ria-"
Baka girlfriend.Wala siyang pakialam.
Pero nakikinig ka bakla!Kahit ayaw niyang makinig sa lakas ba naman ng boses ng lalaki,wala siyang choice kundi makinig.Ah,binabawi na niya ang sinabing girlfriend.Sa paraan ng pananalita nito mukhang empleyado nito ang kasalukuyang kausap sa kabilang linya.Nakasalubong ang kilay nito at seryoso.
Ang gwapo ng lalaking ito kahit galit.Sayang nga lang at matalas ang dila nito.Don't you dare admire this beast Roqe!
Pinigilan niya ang daloy ng kanyang isip.Galit dapat siya sa mga katulad nitong mapangmata ng kapwa.Malaki ang problema nito sa mga networkers.Kung nagkataon pala na totoong isa siya sa mga iyon e talagang ipo-post niya ito sa Facebook.
Paniguradong magkakaron ito ng maraming basher.
#matapobre
#mapanghusga
#yummygwapoHindi kasali ang huli.Hindi ito yummy.ahh, para na siyang timang sa dinadaloy ng kanyang isip.Nature na yata niya ang pagkakaron ng malawak na imahinasyon dahil sa pagiging manunulat.
"F*ck it,Ria!Sino ba sa tingin ng Miss Shashing na yan sa sarili niya?Masyado na siyang pa VIP!And how about the management?They can find another writer.I'm sure she's not the best".
Bigla siyang napalunok ng kanyang laway.What a coincidence!"She's the best?Just fuckin' tell the management to find another.And why are we pursuing someone who's hiding in someone's identity? Mysterious?No way!F*ck her, she's not our lost!"
"Just terminate her immediately!"F*ck you din!
Gusto sana niyang isigaw din dito.Pero pinigil niya ang sarili.Sino ba ito para husgahan lahat ng nasa paligid nito? Hindi nito alam ang mga dahilan niya.At ito pala ang may ari ng publishing company na pinagtatrabahuhan ni Jestoni.Ang pagkakataon nga naman, oo.
At ang iterminate siya?Mas maganda.Hindi rin kawalan sa kanya.Marami siyang offer sa ibang pub company.Pero tuturuan niya muna ito ng leksyon dahil sa gaspang ng ugali nito.Tingnan natin!

BINABASA MO ANG
Awakened Desire(COMPLETED)
Художественная прозаDunhill Nicholas & Roqeya Sebastian GENERAL FICTION