Hindi siya makatulog. Kanina pa siya pabiling biling sa higaan ngunit hindi man lang siya dinadalaw nang antok. Paulit-ulit kasing nagre-replay sa utak niya ang nangyari kanina. Kung wala pa sigurong tumawag dito talagang tuluyan na sana niyang naipagkaloob ang sa sarili dito.
Sana? May balak nga talaga siyang ipagkaloob ang sarili dito. Marahan niyang kinatok ang ulo baka sakaling matauhan siya. Pero ganun pa rin, nandon pa rin ang panghihinayang na nararamdaman.
Bakit ka pa kasi nagwalk-out tanga!Damn,am i horny?
Ahh! Kailangan niya talagang makainom nang maaligamgam na gatas baka sakaling dalawin siya nang antok. Naulit ang nararanasan niya noong halikan siya nito sa loob nang sasakyan nito. Ganitong -ganito rin siya noon. Balisa at hindi makapag isip nang maayos. Bakit ba siya dumating sa puntong ganito? Dahil sa pagtatago niya nang kanyang totoong identity. Kung bakit naman kasi nagkataon na sa kompanya nito siya nakakontrata bilang manunulat. At ang masaklap nabuko pa siya nito sa paghahack nang database nito.
Bakit nga ba hindi na lang siya ipinakulong nang lalaki? Wala siguro siya sa sitwasyon niya ngayon. Hindi na niya alam kung paano ito harapin.
Naagaw nang pansin niya ang umiilaw na aparato sa kanyang mesa. Ilang araw na nga ba niyang hindi nabubuksan iyon dahil walang load? Wala ring signal nang internet.
Si Denver pala ang tumatawag. Hindi lang ito ang may registered miss calls sa kanyang cellphone. Meron din galing kay Justin at Gwyneth.
"Hello?",agad niyang bungad.
"Buhay ka pa palang babae ka!"
Napangiwi siya dahil sa lakas nang boses nito.
"Sorry, nakalimutan kong magpaload nang pumunta ako sa bayan", nakangiwing sagot niya. "Kaya hindi kita natawagan"
"Bruha ka! Nasa Pilipinas tayo uso free-data! Papatayin mo kami sa pag alala. Tumawag ako kay Toni hindi ka pa naman pala nakauwi! Saan ka at pupuntahan kita para makalbo! Nakakainis ka! Kakabalik ko lang galing Maynila binalita agad ni Tatay Pilo na wala ka sa resthouse. Hindi mo rin sinasagot ang mga tawag namin! Ano magsalita kang impakta ka!"
"Paano ako magsasalita, wala kang preno diyan. Hayaan mo kaya muna akong magpaliwanag bago mo dakdakan?",inis niyang sabi." At FYI walang signal ng internet dito kaya kahit sandamakmak pa na free data yan hindi ko afford gets mo? At saka alam mo namang laging naka silent ang----
"Hoy serpentina! Saka ka na magtaray pag narinig mo ang ibabalita ko sayo!"
"Ano?",kunot-noong tanong niya.
"Alam na daw yata ni Mr Nicholas kung sino ka!"
Napaikot na lang niya ang kanyang mata. Huli na ang mga ito sa balita. Eto nga at nagbabayad na siya nang kasalanan.
Kasali ba ang sex?
Agad niyang sinaway ang isip. Mamaya kung saan-saan na naman mapunta ang takbo ng iniisip niya."Huli na kayo sa balita! Eto nga at pinagbabayaran ko na!",nakasimangot niyang sabi.
"Nakakulong ka?"
"Parang ganon na nga! Kaya nga wala akong internet dahil nasa isla kami!''
"What?! Kami? Ibig sabihin may kasama ka? Hindi ka sa kulungan kinulong?",sunod-sunod na tanong nito.
BINABASA MO ANG
Awakened Desire(COMPLETED)
Aktuelle LiteraturDunhill Nicholas & Roqeya Sebastian GENERAL FICTION