"Two days extended"
"Two days extended"
"Two days extended"
Araw-araw na lang niyang naririnig ang salitang iyon. Hindi niya kayang magpakabait dito lalo pa at naghahanap nang dahilan ang lalaki para siya asarin. Nahataw na rin niya ito,nakurot at nasipa kaya ayun, ang madaling panahon lang sana na maaari niyang ipanatili roon ay umabot nang isang linggo.
Kumusta na kaya si Willow? Siguradong hinahanap na niya ako.
Hindi naman siguro niya ikakasakit kung hihingi siya nang pabor dito. Gusto niya lang makusap si Denver baka sakaling nakauwi na ito. Gusto lang niyang makausap si Willow.
Lumabas siya nang silid na naka short lang. Napapansin niya isang beses na panay titig nito sa kanyang binti kahit hindi naman kaiklian ang kanyang suot.
Naabutan niya itong nanonood nang Netflix sa sala. Umupo siya sa kabilang bahagi nang sofang kinauupuan nito."Dunhill...", nakangiwing tawag niya dito. Hindi kasi siya sigurado kung pagbibigyan siya nito.
"Hmmm?",hindi tumitinging sagot nito. Nainis siya tuloy. Balewala lang dito ang presensiya niya pag mabait siya. Kapag salubong ang kilay niya parang tuwang-tuwa pa ito at lalo siyang iinisin.
Huminga siya ng malalim.
"Baka pwedeng makitawag?",kagat-labing sabi niya. Hindi yata siya pagbibigyan nito.
"Why don't you use your phone?", hindi pa rin tumitinging sambit nito.
Kaasar!
"Eh wala akong load e", alanganing wika niya. "Pero kung hindi pwede,okay lang."
Tiis pa Roqe! Wag mong singhalan!
"Sino bang tatawagan mo?"
"Ahm,si Denver sana", kunwari'y malungkot niyang saad.
Napalingon ito sa kanya at agad na pinatay ang telebisyon saka siya hinarap."Didn't I told you to break-up with him?",salubong ang kilay na sabi nito.
"Huh?", nakangangang sambit niya. Anong ibig sabihin nito? Ito ba ang tinutukoy nito na boyfriend niya? Gusto niyang humagalpak nang tawa ngunit sa dilim nang anyo nito siguradong mag-aaway lang sila.
"Ano sa tingin mo ang sasabihin ni Gwyneth kapag nalaman niyang nakipagbahay-bahayan ka sa lalaking iyon,may extra pang anak."
Hindi na siya magtataka kung pati iyon alam nito. May nagmamatyag pala sa kanila nang hindi nila namamalayan.
"It's not what I thought about you,Roqe. But that was before."
Judgemental talaga ito kahit kailan. Picture lang ang nakita nito may nabuo na agad itong konklusyon sa isip nito? Sabagay hindi naman niya ito masisi, sa pangangatawan at kagwapuhan kasi hindi mapapagkamalang bakla ang lalaki. Pero mas lamang pa rin ang damuhong ito sa harap niya.
"Ang dami mo namang sinabi,makikitawag lang naman ako", seryosong saad niya saka tumayo at walang paalam na umalis sa harap nito.
Lumabas siya nang bahay bitbit ang surfboard. Bakit ba masama ang loob niya? Dahil sa panghuhusga agad nito sa kanya o sadyang nasasaktan lang talaga siya dahil mababa ang tingin nito sa kanya? Bakit ba siya may pakialam kung anuman ang iisipin nito sa kanya? Diba noon wala naman siyang pakialam?
Noon yun,nung hindi mo pa siya gusto!
Dahil ba sa paghalik nito sa kanya kaya niya ito nagustuhan o sadyang noon pa man ay attracted na siya dito. Natakpan lang nang inis dahil sa pang iinsulto nito sa kanya noong una? Kailangan niyang dumistansya sa lalaki. Habang tumatagal na magkasama sila nahihirapan siyang pagtakpan ang nararamdaman. Hindi ang katulad niya ang papatusin nito.
Diba ba nga sabi pa nito na 'she's not an exception'
BINABASA MO ANG
Awakened Desire(COMPLETED)
General FictionDunhill Nicholas & Roqeya Sebastian GENERAL FICTION