"Patay!",biglang nasambit nang kanyang kaharap.Kasalukuyan silang nasa isang restaurant at nagtatanghalian."Ngayon lang tayo nagkakilala Roqe ha."
"Anong pinagsasabi mo diyan Toni?",takang tanong niya sa kaibigan.
"Sumunod ka na lang at wag kang lumingon bakla ka", pabulong na sabi nito.
Ginawa naman niya ang gusto nitong mangyari.Napatingala siya nang tumayo ito at hilaw na ngumiti sa kung sino."Sir"."Mr. Heñes",boses mula sa kanyang likuran na ikinatuwid niya agad nang upo.Hindi niya naituloy ang pagsubo dahil nabosesan agad niya ang lalaki.Lihim siyang sinipat ng tingin ni Jestoni nang nasa gilid na nila nakatayo ang lalaki. "What are you doing here with him,Roqeya?"
"Kumakain,hindi mo ba nakikita?",pamimilosopo agad niya.
Sinipa naman ni Jestoni ang kanyang paa mula sa ilalim nang mesa saka siya pinanlakihan nang mata nang tingnan niya ito."Do you know each other?",salubong ang kilay na tanong pa nito.
"Hindi",siya rin ang agad sumagot.Hindi niya hinayaang si Toni ang kumausap dito dahil alam niyang magpapakumbaba lang ito dahil amo nito ang kausap."At wala kang pakialam.Hindi naman to oras nang trabaho ni Toni"
"Watch your behaviour lady,you can't just talk to me like that in front of my employee.Have some respect and have a shame also, this is not a proper place for your so petulant behaviour".
Wala sa loob na binitawan niya ang kubyertos. Nawalan na siya nang ganang kumain.Napahiya siya sa sinabi nito. May iilan pang malapit lang sa kanilang mesa ang nakarinig. Kung bakit naman kasi sa dinami-dami nang restaurant ay dito rin ito napadpad.Inabot niya ang baso ng tubig at madaling ininom iyon.Nakasunod lang ang tingin nang dalawa sa bawat galaw niya.
"Toni,mauuna na ako",aniya habang pinupunasan ang bibig nang tissue. "Salamat sa paglibre".
"Pero Roqe,kakaumpisa mo pa lang kumain",nag-aalalang sabi nito.Tumayo na rin ito nang tumayo siya.Hindi na niya tinapunan ng tingin si Dunhill baka hindi niya mapigilan ang sarili at masigawan pa niya ito.Mas lalo lang siyang mapapahiya.
"Okay lang ako Toni,ipabalot mo na lang.Hapunan natin mamaya. Excuse me",saka mabilis na tumalikod sa mga ito.Nagmamadali ang mga hakbang na lumabas siya sa naturang restaurant dahil umiinit na ang gilid nang kanyang mga mata.Mas gugustuhin pa niyang aasarin siya nito kesa sa pagsabihan siya nito nang ganoon na parang siyang bata.Naiinis din siya sa sarili, lately napapansin niya nagiging sensitibo na siya pag ito ang kausap.Hindi naman siya ganito noon na madaling masaktan kahit na ano pang panlalait at pang iinsulto nito sa kanya.
Napahawak siya sa kanyang pisngi.Basa na pala.Hindi niya namalayan na naluluha na pala siya. Nang sa labas na,sisinghot-singhot siyang nag abang ng taxi.
"Roqeya,wait..."
At sumunod pa ito.Ano na naman ang kailangan nito sa kanya?Bakit ba kailangang magkrus ang landas nila nang antipatikong lalaking ito?
Hinawakan siya nito sa braso na ikinalingon niya."I'm... I'm sorry",malamlam ang mga matang tiningnan siya nito.Hindi siguro nito inaasahan na mapapiyak siya nito ng ganoon lang.Kahit napunasan na niya ang luha naroon pa rin ang bakas nang kanyang pag-iyak.Hindi na niya napigilan ang pagnginig nang kanyang baba.Dahil ayaw niyang masaksihan siya nito sa ganoong sitwasyon mabilis niyang hinila ang braso at lakad-takbong lumayo dito.
Napatakip na lang siya sa tenga dahil sa sunod-sunod na busina at langitngit ng gulong ng sasakyan."Roqeya!", sigaw nang lalaki at isang iglap lang ay nahila na siya nito.
"Magpapakamatay ka ba Miss!" Sigaw nang lalaking may ari nang sasakyang muntik nang makabunggo sa kanya."Kung mag-aaway kayo nang boyfriend mo,wag' sa tabi nang daan.Makakaperwisyo pa kayo sa mga nagmamaneho!"
![](https://img.wattpad.com/cover/213597422-288-k550214.jpg)
BINABASA MO ANG
Awakened Desire(COMPLETED)
General FictionDunhill Nicholas & Roqeya Sebastian GENERAL FICTION