Hindi malasahan ni Roqeya ang pagkain niya.Tinanong siya ng kapatid kung okay lang ba siya,tanging tipid na tango lang ang naging sagot niya.Parang nawalan na siya ng boses dahil sa nangyayari.Diyata't ite-terminate siya dahil lang sa hindi siya nagpapakilala sa personal? Hindi yun makatarungan.Nanghihinayang siya oo,kasi ang kinikita niya sa SRS ay hindi niya kikitain sa ibang publishing company.Last na option niya ang The Lincoln pero hindi tumatanggap ang mga ito ng anonymous lang.Kailangan personal siyang magpapakita.Pero magagawan naman niya ng paraan kung gugustuhin,babaguhin lang niya ang kanyang porma.
No one will recognise her if ever.Pwede naman daw kausapin ang management ng mga ito na isang beses lang siya magpapakita.Kailangan niya rin pumirma ng kontrata para maging ganap na writer for real .Yung hindi anonymous ang application niya.Maraming mga condition pero mapapanatili pa rin naman daw niya ang hidden identity gamit ang kanyang pen name.Pano pa maging hidden kung magpapakita rin naman pala!
"Hey, something's wrong?",tinig mula sa kanyang likuran.Si Cleef.Nasa pinakasulok na nga siya may nakakita pa sa kanya.
"Wala naman",kiming ngiti niya.Actually nahihiya siya dahil nahusgahan din niya ito sa umpisa.Kahit ng ipakilala siya nito sa mga malapit na kamag anak ay hiyang hiya siya.Hindi lang dahil sa judgement niya nuon kundi sa ayos niya ngayon.God!Pamilya yata ng mga diyosa at adonis ang pamilya nito.Walang maipipintas kahit sa ugali napaka hospitable.Siya naman masyadong outcast dahil sa suot niyang jeans na maluwag at poloshirt na malaki rin.Kaya nga ba ayaw na ayaw niyang makihalubilo sa ibang tao.Kasi ma-a-out of place lang siya.
"Why don't you join us there?",itunuro nito kung saan ang nagkakasayahan.Nakikita niya ang dalawang pamangkin na mukhang masaya din sa nangyayari.Kahit paano parang pamilya din ang tingin ng mga ito sa kanyang kapatid at sa kanyang pamangkin na si Serenity kahit iba ang ama nito.Nahiling niya na sana makatagpo na ng kapatid ang totoong kaligayahan nito.
"Okay lang ako dito,Cleef.Hindi lang talaga ako sanay sa ganito".
"Oh,c'mon.Ngayon lang naman to Roqe.You should use to this kind of socializing."
Nagtatanong ang tinging tiningnan niya ito.She's not dumb.She actually read between the line.Kailangan niyang makausap ang kapatid.Baka mamaya magugulat na naman siya buntis na naman ito.
Naiilang na tumikhim ang lalaki ng nag aakusang tiningnan niya ito.Pinuno nito ng hangin ang dibdib ng may tumikhim sa bandang kanan.Lihim na lang siyang umismid.Ayaw niyang mapansin ni Cleef na masama ang loob niya sa kaibigan nito.
"What's going on here?",masiglang sabi ni Dunhill.Hindi siya umimik.Hahayaan niya na lang ang dalawa mag usap.
"I'm just asking Roqeya if she don't mind joining us there.I mean,tayo tayo lang naman ang nandito'',sagot ni Cleef.
"Yeah,why not Roq?"
Bakit parang hindi sincere ang dating sa kanya.Lahat na yata ng lalabas sa bibig ng lalaking ito ay hindi niya papaniwalaan.Lahat na lang may lamang pang iinsulto.Naiinis siyang tingnan ang galaw nito habang pinaglalaruan ang kopita sa kamay na may lamang inumin."Okay na ako dito",matabang na sagot niya."Ahm,Cleef pwede ko bang makausap ang kapatid ko.Pakisuyo na rin papuntahin mo na lang siya dito."
"Sure".
Nang tumalikod c Cleef,hinihintay niyang sumunod dito si Dunhill.Ngunit hindi nangyari.Manhid yata ang lalaki at hindi nito napapansin na ayaw niya sa presensiya nito.Talaga bang katuwaan nito ang maliitin ang pagkatao niya?Kung hindi man siya nito sinasabihan ng masasakit na salita ay tinitingnan naman siya nito na para bagang may gagawin siyang hindi maganda.Nakakasakit ng damdamin sapagkat nakuha nga nitong pakisamahan ng maayos ang kapatid niya bakit siya hindi?Hindi na sana bilang kapatid ni Gwyneth kundi bilang tao lang sana.
![](https://img.wattpad.com/cover/213597422-288-k550214.jpg)
BINABASA MO ANG
Awakened Desire(COMPLETED)
Ficção GeralDunhill Nicholas & Roqeya Sebastian GENERAL FICTION