Chapter 16

3.2K 113 6
                                    

Few months later.....

"Roqeya hindi ka nga pwedeng sumama don",naiiritang sabi sa kanya ni Denver. "Mahahati ang atensyon ko at baka hindi kita maasikaso doon."

Nagpipilit siyang sumama dito papuntang Canada dahil dadalhin nito roon si Willow para ipagamot. Ayon sa resulta nang laboratory test nito ay mayroon itong hybrid/mixed lineage leukemia. Halos madurog ang puso niya nang marinig ang balitang iyon. Ke- bata bata pa nito para mag chemotherapy. Kaya nagpipilit siyang sumama kay Denver dahil gusto niyang nasa tabi lang siya nito.

"Hindi naman ako magiging pabigat doon promise",pamimilit niya. Kanina pa sila nagtatalo pero hindi pa rin ito pumapayag.

"Ang kulit mo! Tingnan mo nga ang itsura mo ngayon",sabay turo sa kanya.

"Eto buntis",nakairap na sagot niya.

"Alam mo naman palang buntis ka,sasama ka pa sa abroad. Bakit kaya di ka nalang magpakita kay Dunhill para matigil na yang pakikipaglaro mo nang hide and seek sa kanya? At hello okay ka lang, sa laki nang tiyan mo baka sa airplane pa lang manganganak ka na!",naiimbyernang sabi nito.

"Grabe ka! Six months lang tong tiyan ko. Kambal ang nasa loob kaya malamang malaki tingnan!",singhal niya pabalik.

"Ay basta! Hindi ka sasama. HINDI. KA. SASAMA! Period!", madiing sabi nito. "Buntis ka at bawal ang ma stress. Utang na loob Roque,makinig ka naman. Para rin naman to sa ikabubuti mo!"

"Sige hindi ako sasama sayo,pero magsosolo-flight na lang ako. Hindi ako sasabay sa inyo", naiiritang sabi niya.

"Bakla ka talaga! Diba may appointment ka ngayon sa Ob-gyne mo? Bakit nandito ka pa?"

"Magpapasama sana ako sayo e,ngayon malalaman ang gender nila",sabay haplos sa kanyang malaking tiyan. Kung titingnan iyon parang nasa kabuwanan na niya dahil malaki. Hindi niya malaman ang magiging reaksyon noon nang malaman niyang buntis siya ngunit nangibabaw sa kanya ang tuwa,lalo pa at kambal ang kanyang dinadala. Magiging mommy na siya. Naisip niya ang tatay nang mga ito.

Siguro nagpapakasarap na yun sa kandungan nang mga babae niya!

Umasim agad ang kanyang pakiramdam dahil sa naisip.

"Pasensiya kana Roqe ha,hindi kita masasamahan ngayon. Kailangan kasi ni Jestoni nang kapalitan sa pagbantay kay Willow sa hospital. Kaya ikaw na lang muna ngayon okay? Tawagan mo na lang ako mamaya", paliwanag nito.

Nanghihinayang man,lubos niyang naunawaan ang sitwasyon nito. Nilang apat. Kahit na pinagtatabuyan siya nang dalawa ay hindi talaga siya umalis sa condo unit ni Denver. Kahit anong pangumbinse ang ginagwa ng mga ito na magpakita na siya kay Dunhill ay hindi siya sumunod.

"Sige",aniya. "Ihalik mo na lang ako sa kanya. Sino ba yang ka text mo? Kanina kapa tingin ng tingin sa cellphone mo na para bang hindi ka mapakali?",hindi niya mapigilang sita. Kanina pa itong parang aligaga.

"Ahh, wala. Si Toni lang. Nakikisuyo nang pantalon", anito. "Halika,ihanap na kita nang taxi."

Weird. Kanina pa siya nito pinagtatabuyan ah.

-------

Nakangiting mukha ni Doc Samara ang agad na bumungad sa kanya nang dumating siya sa clinic nito.

"Here she is...", nakangiting sabi nito. Napakunot siya nang noo dahil hindi ito nakatingin sa kanya kundi nasa loob. Tuloy-tuloy siyang pumasok para lamang mapaatras ang isang paa. Nakaramdam agad siya nang kaba at pakiramdam niya namutla siya nang todo nang maabutan si Dunhill sa loob at matiim na nakatitig sa kanya hawak nito ang copy nang kanyang prenatal record. Nakangiti namang binawi nang assistant nang doctora ang naturang hawak nito saka siya nilapitan.
"Excited na po ako sa magiging gender nang babies ninyo maam",saad nito at iginiya siya upuan. "Upo lang ho muna kayo saglit. Aayusin ko lang po ang records niya. Tsaka akin na po ung mother and child book ninyo maam."

Awakened Desire(COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon