Chapter 18

3K 138 7
                                    

DUNHILL

Nagtataka siya nang pagkagising niya ay wala na si Roqeya sa kanyang tabi. Nasanay kasi siyang tinatanghali ito lagi ng gising.
Naalala niya hindi pa pala sila nag usap simula kagabi.

'Maybe she wakes up early'

Nang matapos siyang gumamit ng banyo ay agad siyang bumaba. Naabutan niya si Phylbee sa hapag nag aalmusal. Binalingan niya si Manang Danna.

"Nakapag-almusal na po ba si Roqeya, Manang?" Tanong niya sa kasambahay.

"Aba Hijo, hindi ko pa nakitang bumaba", anang babae. Agad na napakunot ang kanyang noo. Paanong hindi pa ito nakababa kung mas nauna itong gumising sa kanya? Agad siyang tumalikod at hindi na binigyan pa ng pansin ang pagtawag sa kanya ni Phylbee. Tinungo niya ang likod bahay at baka sakaling nandoon ang babae at nagpapaaraw lang. Ngunit wala siyang nakitang ni anino nito doon. Agad siyang pumasok sa loob at pumanhik sa kanilang silid at  tiningnan ang gamit nito. Nanghihinang napaupo na lang siya ng mapagtantong umalis nga ang babae. Wala doon ang maleta nito at ang tanging naiwan lang ay ang gamit na pinamili niya para sana sa magiging anak nila. Wala sa loob na sinambit niya ang dalawang pares ng maliliit na sapatos na kulay blue at pink.

Saan kaya pumunta ang babae?
Agad niyang tinawagan ang kapatid nito ngunit nanlumo lang siya nang marinig ang sagot nito. Wala itong alam. At sinabi rin nitong hindi basta-basta aalis ang kapatid nito sa ganoong sitwasyon kung wala itong malalim na dahilan. At sa huli, siya ang sinisi nito.
Dahil ba sa nangyari kagabi o marahil matagal na nitong gustong umalis at  naghahanap lang ng tyempo. Ngayong nakawala sa poder niya ang babae, hindi na niya alam kung paano ito hahanapin dahil kung taguan ang pag-uusapan,panalong panalo ito.

Sana lang nasa mabuti itong kalagayan. Ngayon pa lang ay gusto na niyang pagsisihan ang pagpayag na doon pansamantala si Phylbee. Malakas ang pakiramdam niyang may kinalaman ang nangyari kagabi kaya naisipan nitong umalis nang walang pasabi.

Wala siyang choice. Kailangang patirahin niya si Phylbee doon kapalit ang kondisyong titigilan na siya nito at hindi na nito igigiit ang kasal na pinagpipilitan ng kanilang mga magulang. Ang pagkakamali lang niya ang hindi iyon ipinaalam kay Roqeya.
Paano niya iyon gagawin kung kibuin dili nga siya nito simula nang naging pagtatalo nito at ni Denver?

Nahihirapan din siya. Nahihirapan siyang mag-adjust dito lalo pa at ito ang unang naka- encounter siya ng buntis at ang lakas pa ng sumpong.
Napahilamos na lang siya at napabuga ng hangin.

Naisip niya mahihirapan itong matulog kapag hindi nito naaamoy ang damit niya. Marahil parte din iyon ng pagbubuntis nito. Sa una naweweirdohan siya sa ginagawa nito ngunit sa tulong ng guidelines galing sa libro ay naiintindihan niya ang mga weirdong galaw ng babae. Ang hindi lang niya kayang i handle kapag sinumpong ito,hindi niya alam kung paano ito ia-approach.

Hindi siya pwedeng umupo lang doon at hintayin kung kailan na naman ito magpapakita sa kanya. Mabuti sana kung hindi ito buntis! Mas lalong nadagdagan ang pag alala niya dahil malapit na ang kabuwanan nito.

Oh God,keep her safe and our babies....

Napakunot ang kanyang noo nang mapansin ang nakatuping papel na nakaipit sa stand ng lampshade. Inabot niya iyon at walang pagdadalawang isip na binuklat. Napanganga na lang siya ng mabasa ang nakasaad sa papel.

Dunhill,
     Hangad ko ang iyong kaligayahan:-)

Wala sa loob na kinuyumos niya iyon at gigil na inihagis kung saan.

"Inuubos mo talaga ang pasensya ko Roqeya!"

_____________

"Tita,salamat po ha", ani Roqe sa ginang. Maswerte yata siya sa araw na iyon dahil nang bumalik siya sa dating tirahan nila sa Guadalupe ay siya namang paglabas ng ginang sa bahay nito at paalis na ito patungong Pangasinan. Ayon dito ay may nabili ang mga anak nitong bahay doon at kasalukuyang walang nakatira dahil kapwa nasa abroad ang mga ito.

Awakened Desire(COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon