Monday Night.....
"Toni, kinakabahan ako", maktol niya sa bakla habang inaayusan siya nito."Bakit kasi kailangan pang dumalo nang amo mong impakto"
Ayon dito, sinadya nang kakompetensya nitong publisher ang pagpadala ng imbitasyon dito.Lalo pa at alam nang CEO ng 'The Daily Edge' na sa SRS siya nakakontrata dati.Ang huling manuscript niya sanang ipapasa sa naturang publisher ay pinasa niya sa 'The Daily Edge' na lalong nagpagalit dito.Sabagay sino ba namang matutuwa sa ginawa niya? Pagtatraydor ang tawag don.
Lalo pa at naging best seller ang nobela niyang 'More than a decade'.
Hindi lingid dito ang hindi nila pagkakasundo nang amo nitong lalaki.Lahat nang naging engkwentro nila ng lalaki ay kinuwento na niya rito.
"Bakla ka,as if makikilala ka pa sa ayos mo ngayon?Nasaan ang bakas nang Roqeya na manang diyan,diba wala?"
"Maka-manang ka naman,sobra", nakasimangot na sagot niya."Pasalamat ka nga at manang lang,kung tutuusin mukha ka nang lola nang mga pamangkin mo sa paraan nang pananamit mo.Ewan ko ba sayo at tinatago mo yang gandang hinahangad nang karamihan", lintaya nito habang inaayos ang kanyang buhok.
"Toni,alam mo naman ang dahilan diba",
"Oo na po,alam ko na po.Ayaw mong matulad kay Gwyneth.Bakla ka talaga nang taon,paulit-ulit ko na lang tong sinasabi sayo.Ang--"
"Kapalaran ni Mara ay hindi kapalaran ni Clara",pagtatapos niya sa sasabihin nito.Saka mahinang napabuga nang hangin."Pano pag lalapitan ako nang lalaking iyon at komprontahin dahil sa ginawa ko?"
"Wag kang umalis sa maraming tao, iwasan mo ang mapag-isa. Iba pa naman magalit yun,bumubuga nang apoy. Naku bakla ka talaga kasi,bakit ka nagpadalos-dalos.Pag nalaman ni Sir Dunhill na magkakilala tayo mawawalan ako nang trabaho"
"Ang sama naman kasi talaga nang ugali ng amo mo",sabat niya."Fvck her daw.Gago siya! Hindi ko makalimutan ang pagmumurang iyon bakla",
"For sure naman kung sakaling alam niyang ikaw yun,hindi ka non mumurahin.Saka kasalanan mo naman kasi,masyado kang pabebe",sermon nito.
"Kahit na,hindi dapat siya nagmumura nang kung sino-sino lang lalo pa't babae",giit niya.
Hindi talaga makatwiran para sa kanya ang pagmumura nito sa kanya. Mabuti na sana kung hindi siya mismo ang nakarinig.
Napabuga na lang siya nang hangin.At kinalma ang sarili.Hindi naman siguro siya nito mapapansin mamaya.----
Nanginginig ang kanyang mga kamay at pinagpapawisan nang ianunsyo nang host ang kanyang pag akyat sa entablado at pagpapakilala bilang may-akda nang 'More Than A decade' .Kahit may suot pa siyang maskara hindi niya maiwasang iikot ang tingin sa paligid at lihim na hinahanap si Dunhill sa karamihan nang bisita.
BINABASA MO ANG
Awakened Desire(COMPLETED)
General FictionDunhill Nicholas & Roqeya Sebastian GENERAL FICTION