Dunhill
It's been a long time he haven't seen her.Sa ilang araw na pabalik balik siya sa bahay ng kaibigan ay hindi niya nabalitaang umuwi na ito. Palihim siyang nagtatanong kay Aegus ngunit malungkot na mukha lang ang sagot nito sa kanya. Nangungulila ang mga ito sa tiyahin. Palibhasa nakalakhan na nang mga ito ang dalaga kaya nanibago ito nang umalis ang babae.
Anong ginagawa nito sa Tarlac? Kating-kati na siyang magtanong sa kapatid nito kung saan banda sa Tarlac ngunit naduduwag siya.
At bakit nga ba niya tatanungin?Diba nga ininsulto niya ito nung huling pagkikita nila? Bakit ngayon hinahanap-hanap niya ang presensya nito? Bumaliktad yata sa kanya ang sinabi niya rito noon na hahanap-hanapin nito ang pang-aasar niya. Dahil siya itong parang tangang laging tinatanong ang batang walang alam kung umuwi na ba ang tiyahin nang mga ito.
Bilang na bilang niya ang araw simula nang hindi niya ito makita. Mahigit isang buwan na.
Damn! He's doomed! Even at night he always think about her lips before he sleep. Lagi lang siyang in denial noon pero ngayon sigurado na siya.He misses her....so much.
Nabuhayan siya nang pag asa nang makita si Cyra.Baka sakaling may kontak ang dalagita sa babae.Tinawag niya ito habang nagbabasa ito nang makapal na pocketbook.
"Bakit po,kuya?",tanong nito nang makalapit sa kanya.
"May cellphone number ka ba ng Ate Roqeya mo?"
"Hmm wala po, messenger lang.Bakit po?"
Messenger?Wala siya non.Pero madali lang naman gumawa. "Anong pangalan niya sa messenger. May itatanong lang ako importante"
"Roqeya Sebastian po",
Nagpasalamat siya rito.Ngunit nang akma na itong aalis napatingin siya sa librong hawak nito.
"Saglit nga Cyra,patingin nang librong hawak mo."
Inabot naman agad nito sa kanya.Hindi nga siya nagkakamali, si shashing ang may akda. Pamilyar kasi ang tatak ng publisher sa libro. At ang pamagat na 'More Than A Decade'.
Binuklat pa niya bawat pahina para lang matigilan.May hand written signature ng author sa pinaka huling pahina.Ibig sabihin original ang pirma nito at hindi printed."Where did you bought this?"
"Uhm,nakita ko lang po yan sa ilalim nang higaan ni Ate Roqe.Hindi po siguro---- kuya sandali yung libro!"
Hindi na niya pinatapos pa ang sasabihin nito at agad na umalis bitbit ang libro. Pagpasok niya sa sasakyan ay agad niyang tinawagan ang PI.
"Find Roqeya Sebastian as soon as possible."
Agad din niyang pinutol ang tawag at malakas na nahampas ang manibela. Dapat naniwala na siya noon pa sa pakiramdam niya. Ang pamilyar na lambot nang balat nito nang gabing iyon.Isang beses lang niya nahawakan ang braso nang babae bago ang masquerade party pero memoryado na yun nang kanyang isip. Ang boses at amoy pa lang nito dapat ay pinaniwalaan na niyang iisa. Nabulag kasi siya sa paniniwalang hindi ito kailanman magiging ganoon kaganda at kaakit-akit kahit nakamaskara. Dahil pilit niyang pinapaniwala ang sarili na hindi siya kailanman magkakagusto rito. Pero sa ilang araw niya itong hindi nakikita ay doon niya napatunayang niloloko lang niya ang sarili niya.------
RoqeyaTuwang-tuwa sila ni Willow habang ibinaon nila si Denver sa buhangin. Ang sarap pakinggan ang bawat hagikhik nitong sinasabayan nang ihip nang hangin at tunog ng alon mula sa dagat.
"Papa Denver,lagyan kita nang korona ha",sabik na sabi nito.Ilang linggo nang nasa kanila si Willow dahil umalis ang dalawang matanda papuntang siyudad para puntahan umano ang isang anak nang mga ito na nanganak na. Sila naman ni Denver nagsuhestiyon na sa kanila muna ang bata. Hindi na tumanggi ang mga ito dahil mismong ang bata ay tuwang-tuwa na mananatili ito sa kanila nang pansamantala.
BINABASA MO ANG
Awakened Desire(COMPLETED)
General FictionDunhill Nicholas & Roqeya Sebastian GENERAL FICTION