Hindi alam ni Roqeya kung ano ang unang dapat gawin nang tumuntong siya ulit sa bahay ni Dunhill. Nang sapilitan nitong kunin ang mga bata kanina ay wala siyang nagawa kundi ang sumunod. Hindi maikukubli ang galit nito sa kanya na kahit hanggang dumating sa bahay nito ay hindi maganda ang pakikitungo nito sa kanya. Kung hindi pasinghal ay malamig naman ito sa kanya.
"Ate...."
Napatingin siya sa pintuan ng nursery room. Nandoon si Audrey at alanganing tumingin sa kanya. Kahit papaano natutuwa siyang tawagin siya nitong ate. Ibig sabihin hindi ito kontra sa kanya tulad ng ina nito.
Ibinaling niya ang tingin sa kambal na parehong nakatulog sa biyahe. Ang ibang mga gamit nila ay ipapasunod na lamang niya kay Silas. Wala siyang nagawa kanina nang pati ito ay iginiit din na kailangan na nilang sumama kay Dunhill."Ate,galit ka ba? Hindi ko naman talaga sinabi kay kuya na nagkita tayo", malungkot na saad nito ng makalapit sa kanya.
"Okay lang yun Audrey, tama lang din ang nangyari. Matagal ko na ring gustong humarap sa kuya mo pero naging duwag lang ako",pagpapaunawa niya rito.
Nakakaunawang ngumiti ito sa kanya saka ibinaling sa kambal ang tingin. "Hindi kamukha ni Kuya si Thyler. Mas kamukha siya ni Aerol."
"Aerol?" Takang tanong niya.
"Bunsong kapatid namin", sagot nito. Parang hinaplos ang puso niya nang halikan nito sa noo ang dalawa. "Bukas nandito yon,tinawagan ko kasi kanina."
"Ang unfair alam mo ba yun?" Bahaw siyang tumawa. "Wala man lang silang namana sa akin"
Napangiti lang ito. Hindi rin ito nagtagal at nagpaalam na uuwi na. Hindi na ito nag-abalang maghapunan doon at dahil may importante pa raw itong lalakarin. Saglit niyang iniwan ang mga anak at bumaba dahil kumakalam ang kanyang sikmura.
Gusto niya sanang umatras pabalik nang maabutan niya roon si Dunhill na kumakain. Ngunit agad siyang napansin ni Manang Danna kaya tinawag na siya nito para maghapunan. Lihim siyang napangiwi nang bitawan ng lalaki ang kubyertos at walang salita itong tumayo saka lumabas ng kusina.
"Kumain ka na Hija, wag mo siyang pansinin", anang kasambahay.
"Salamat po."
_______
Dahil tulog pa ang mga anak, lakas loob siyang kumatok sa silid ni Dunhill. Gusto niya itong kausapin nang maayos. Gusto niya ring humingi ng pasensya dahil sa ginawa niya.
"What do you want?" Malamig na tanong nito nang pagbuksan siya nito ng pinto.
"Ahm pwede ba tayong mag-usap?" Kagat labing tanong niya. Nanunuot kasi sa laman ang malamig na titig nito.
I'm frozen! Elsa ikaw ba yan?
"About what?"
"Ahm, tungkol sa...."
"I don't have time for nonsense talk right now."
Akmang isasara na nito ang pinto at ng may maalala. "And one more thing, I want you to transfer the twin's crib here in my room, if they're awake."
"Ahm, Dunhill galit ka ba?''
Gusto niyang tuktukan ang sarili sa kanyang tanong. Obvious naman na galit na galit ito,tinanong pa niya.
"Me? Mad? Of course not! In fact, I really wanted to throw a party the day that you left! See how happy I am? I am happy Roqeya! I am happy!"
Bawat katagang lumabas sa bibig nito ay may halong gigil. Kulang na lang ay sakalin siya nito.
"I.. I'm sorry....." Nakayukong wika niya. "Hindi ko kasi alam kung.... Kung saan ako lulugar that time. Hindi---"
Hindi na siya nito pinatapos magsalita at pinagsarhan siya ng pinto. Napasapo siya sa noo dahil nahagip iyon dahil sa pabagsak nitong pagsara ng pintuan.
Nanlulumong tumalikod na lamang siya at tinungo ang silid kung nasaan ang mga anak. Napatingin siya sa paligid. Isa lang ang tanging laman ng isip niya, bago pa man sila aksidenteng magkita ng kapatid nito ay alam na nito kung nasaan sila. Dahil lahat ng gamit sa loob ng silid na iyon ay talagang pinaghandaan.
Napabuntung-hininga na lang siya.
![](https://img.wattpad.com/cover/213597422-288-k550214.jpg)
BINABASA MO ANG
Awakened Desire(COMPLETED)
قصص عامةDunhill Nicholas & Roqeya Sebastian GENERAL FICTION