Chapter 17

3.2K 171 18
                                    

"Anong ginagawa niyo dito?" Gulat na sambit ni Denver nang pagbuksan sila nito ng pinto. Ngayon ang araw ng alis ng mga ito at dadaanan na lang nito si Toni at Willow sa hospital. Sa tulong na rin ni Dunhill private plane ang ang maghahatid sa kanila sa Canada.

"Ano na naman ba to' Roqe?" Inis na dabog nito. Sumunod silang dalawa ni Dunhill sa loob. Handa na pala ito sa pag alis dahil nakahilera na sa sala ang tatlong malalaking maleta na dadalhin nito. "At ikaw Mr Nicholas,ano ba yung usapan natin?"

Nakapameywang pa itong nakaharap sa kanila at kulang na lang ay pag uumpugin ang ulo nilang dalawa.

"What should I do?" Depensa ng lalaking katabi. "She cried for the whole night"

Napataas ang kanyang kilay. Exaggerated naman nito. Sa pagka-alala niya ilang minuto lang yon.

"Uto-uto ka naman",pakli nang kanilang kaharap. "Nasaan na yung sinabi mo sa akin na 'I can handle her?"

Sumenyas pa ito ng quotation mark habang sakrastikong nakatingin sa kanila partikular sa kanyang katabi.

"I'll be on her side",sabi ni Dunhill. "Kasama naman niya ako kaya okay lang siguro."

"Hindi",giit ng bakla. "Hindi kayo sasamang dalawa. Mabuti sana kung hindi ka buntis babaita ka. Oo naiintindihan ko mahal mo si Willow, pero yung mga anak mo pahalagahan mo rin! Hindi ka pwedeng ma stress doon dahil hindi tayo sigurado kung ano ang magiging resulta ng kanyang bone marrow transplant"

Napayuko na lang siya. Bakit kasi ang hirap? Umismid lang siya ng marinig niyang bumuga ng hangin ang katabi.

"Hindi mo ba pinapahalagan ang pagbubuntis mo ha, Roqeya?" Tila nauubusan ng pasensya na sabi nito.
Nagtatanong ang mga matang tiningnan niya ito. Sino ito para kwestyunin iyon? Nagawa nga niyang pahalagahan si Willow na hindi niya naging kadugo ito pa kayang mga bata ba nasa kanyang sinapupunan?

"Higit kanino man,ikaw at si Jestoni ang higit na nakakaalam na mahal na mahal ko ang mga batang ito sa sinapupunan ko. Hindi mo kailangang kwestyunin iyon. Fine, kung ikakagaan ng loob mo na hindi ako kasama sa inyo, hindi ko na ipipilit. Alam ko naman na matagal niyo na akong pinagtatabuyan. Masyado na akong pabigat sa inyo. Pasensya na."

"Roqe...."
Pinigilan niya ito sa sasabihin pa sana nito.

"Okay lang Denver... Naiintindihan ko. Ihalik mo na lang ako kay Willow."

Hindi na niya napigilan pa ang sarili at tuluyan na siyang napaiyak. Hindi nakahuma ang bakla sa naging outburst niya. Walang salitang tumayo na lang siya at tinungo ang pinto. Naninikip ang kanyang dibdib.

Gusto niyang umuwi sa mansyon nila Cleef ngunit nakahiyaan na niya. Lalo pa at buntis din pala ang kanyang kapatid at kambal din. Mauuna lang siya dito ng buwan.

Nang magkausap sila kahapon ay hindi niya mapigilang mapahiya. Ang mga sinabi kasi niya noon ay ibinato rin nito pabalik sa kanya. Laking gulat pa nito nang makita silang magkasama ni Dunhill dahil hindi lingid sa kaalaman ng mga ito na para silang aso't pusa kung mag-away ng lalaki.

"Gusto kong umuwi sa bahay nila Gwyneth",bigla niya lang nasabi nang maramdamang nasa likod niya ang lalaki.

"No",matigas na saad nito. "You're not going anywhere without me Roqeya. And please, stop arguing with me because I will not let you do what you want."

"Kinokontrol mo ba ako?" Gigil niyang wika. Sino ba ito para pakialaman siya sa mga desisyon niya?

"Yes", tiim bagang na sagot nito. "As long as you're carrying my children. At wag ka nang magmatigas pa. Denver was right, you should prioritize yourself than anything else because you are pregnant. Kung gusto mong umalis, gawin mo yun kapag nailabas mo na ang mga anak ko. Kahit saan ka magpunta hindi kita pakekealaman."

Awakened Desire(COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon