Chapter 19

3.1K 174 11
                                    

1year old Thyler & Thylane

"Happy birthday to you! Happy birthday to you! Happy birthday, happy birthday, happy birthday to you!"

Sabay-sabay nilang kanta. Apat lang sila dahil hindi pa dumadating si Silas,ang sabi on the way pa lang ito.
Ang nandon lang ay si Reigan at ang girlfriend nitong si Lily na kasabay din nitong nagbakasyon galing states para bisitahin ang inang si Tita Guada.

Habang kinukuhanan niya nga video ang dalawa habang nakaupo sa baby's chair ay siya namang pagdating ni Silas. Lahat sila napatanga sa bitbit nitong malalaking carton. Isang remote control na laruang eroplano at snow white doll.

"Jusmiyo Silas! Hindi pa kayang laruin ng mga anak ko yan!" Agad niyang sabi ng mailapag na nito ang bitbit.

Natatawa lang ito at agad na nilapitan ang dalawa saka pinugpog ng halik isa-isa. Minsan lang itong makadalaw doon dahil busy rin ito sa negosyo nito sa Maynila. May ari ito ng bar at sa pagkakadinig niya dinadayo ng mga parokyano ang bar na iyon.

"Mabuti naman Silas at nakahabol ka, hindi pa namin nauumpisahan ang pagkain",ani Tita Guada habang nilalapag ang malamig na inumin.

"Aba't tuwang-tuwa ang dalawa dahil dumating ang paboritong ninong", dagdag pa nito.

Natawa na lang silang lahat nang itaas ni Thyler ang kamay at sabay sambit ng 'nono'.

Hindi niya maipaliwanag ang saya ng dumating ang dalawa sa buhay niya. Sa loob mahigit isang taon ay nagawa niyang itaguyod ang mga ito. Sumapat din ang binabayad sa kanya tuwing nagpapasa siya nang manuscript sa kanyang publisher.

Natigil silang lahat sa ingay nang umalingawngaw sa loob ang tunog ng kanyang cellphone. Si Toni ang tumatawag. Bago siya noon nanganak sa kambal ay nagkabati na silang tatlo lalo pa at naging matagumpay ang treatment ni Willow.

"Itapat mo nga ang camera sa kambal, hindi yung puru mukha mo na lang palagi. Nakakaumay!"

"Sandali!" Singhal niya. Maya't-maya ang screenshot nito.

"Oo nga pala,hanggang kailan mo balak magtago? Ikaw na talaga Roqe, ikaw na ang tatanghaling reyna ng mga layas!" Panenermon na naman nito. Kasalukuyan itong nasa trabaho. Gusto niyang tumawag kay Denver ngunit alam niyang tulog pa ang mga ito dahil magkaiba ang kanilang oras. Si Toni kasi ay matagal nang nakauwi dahil natapos na ang leave nito.

"Babaita ka, kaya hindi ako makapunta diyan sayo dahil pinapasundan pa rin ako ni Sir Dunhill"

Isa pa iyon sa pinoproblema niya. Okay na sila ni Gwyneth,pero si Dunhill alam niyang hindi pa rin ito natigil sa paghahanap sa kanila.

"Ang galing mo talagang magtago---

"Sino yang kausap mo Jestoni?"

Bigla siyang nanlamig nang marinig ang boses na iyon. Walang pagdadalawang isip na pinatay niya agad ang tawag.

_______
DUNHILL

"Sino yang kausap mo Jestoni? Si Roqeya ba? Ha?"

Namutla ito habang walang salitang nakatitig lang sa kanya. Agad niyang hinablot ang cellphone nito at tiningnan ang screen. Ngunit call ended na ang nakaregister.

"All this time, nagsisinungaling ka lang sa akin?" Nangangalit ang bagang na wika niya. Baka hindi siya makapagtimpi at masaktan niya ito.

"Ahm,sir... Ano po. Hindi ko naman po talaga alam kung nasaan siya. Nagkakausap lang kami. Nawalan na kasi siya ng tiwala sa amin ni Denver kaya ayun, hindi na siya nagsasabi sa amin", kinakabahang paliwanag nito.

Awakened Desire(COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon