Chapter 16
Kinakabahan si Cleffy sa tuwing tumunog ang kanyang phone. Pakiramdam niya masamang balita na kaagad ang marinig. Hindi pa kasi nakauwi si Yanny ayon sa sabi ni Travis. Kaya ganun ang kanyang pag-iyak sa tawag galing sa mga pulisya. Binalitang kailangan nilang puntahan ang anak sa ospital dahil sa aksidente.
"Wala na bang ibibilis pa itong takbo ng sasakyan natin," nag-aapurang sabi ni Cleffy.
"Baka naman aksidente rin ang abutin natin."
Umaangal na si Rigo sa kakulitan ng asawa. Pilit niyang kinakalma ang sarili. Ayaw niyang kabahan at nanalangin siya ng tahimik na sanay walang malaking pinsala sa anak ang nangyaring aksidente.
"Yes, Travis doon na kami diretsong pupunta. Hindi ka na namin dinaanan. Sumunod ka na rin doon," tarantang bilin nito sa manugang.
"Sino siya? Sino ba silang lahat mom?" mga tanong na ibinungad ni Yanny pagkadilat ng kanyang mga mata. Mula sa apa't napu't walong oras sa comma nagising din ito.
Naguguluhan si Cleffy sa nangyayari sa anak. Hindi niya maintidihan bakit hindi kilala ang kanyang asawang si Travis at ang kanilang anak. Kaagad nitong tinawag ang doktor.
"Ano nga ang nangyari dok?"
"She forgot some part of her life. Maybe the latest, but not all." mabilis na sagot ng Neuro Surgeon.
"Pero maari niya pa bang maalala uli ang iyon? O tuluyan ba niyang makalimutan?"
"She could recover but it will depend on how she will help herself."
Nanghihina siya sa paliwanag na narinig mula sa doktor. Dahil maaeing hindi na rin pala maibalik ni Yanny sa sarili ang ibang alaala na nawala. Sobrang pag-alala at awa ang naramdaman ni Cleffy. Habang inaayos sa pagkakahiga ang anak. Nangingilid ang kanyang luha na lumingon kay Rigo.
"It's okay hon. Stop crying. Ligtas na ang anak natin. May awa ang nasa Kahitaasan." May bahid lungkot sa boses ni Rigo.
Hindi niya pinapakita sa asawang si Cleffy ang sobra ding paghihina. Siya ang ama kaya siya dapat ang maiiwang matatag sa sitwasyon. Dahil sa isang car accident ay nakaratay si Yanny sa ospital. Nagkamalay na ito pero bakas pa ang mga pasa at galos sa katawan. Masuwerte itong nakaligtas pa. Isang himala lang ang nangyari na buhay siya sa kabilang ng pagkawasak ng sobra sa kanyang harapang bahagi ng kotse.
"Mom, ako na po ang bahala magpahinga na rin kayo," pakiusap ni Travis sa biyenan.
"No, Travis I should always be here. Hindi ka na nakikilala ni Yanny at pati nga ang anak niyo ay hindi na rin. Paano mo siya mapapaniwla na asawa mo na siya at may isa na kayong anak.
"Dad, what happened to mom. Will she be okay?" tanong ng walang kamuwang na dalawang taong na si Troy.
Sa kanyang edad matatas na itong magsalita at mapagmasid na sa mga nangyayari sa paligid. Naiintindihan niyang nasa ospital ang ina na nagpapagaling. Pero itinanong din kung bakit.
"She will be fine Troy, don't worry baby," sagot ni Travis habang inilabas sa kuwarto ang anak.
Akay niya itong palabas dahil matatag na rin ito sa paglalakad. Alam ni Travis na mahihirapan siyang ipaliwanag kay Troy ang mga nangyayari. Hindi pwede nasa tabi ni Yanny si Troy dahil nagwawala ang bata. Yumakap na kasi ito sa kanyang ina ngunit tinitigan lang ni Yanny at nagtanong pa kung kaninong anak ang bata. Kaya umiyak si Troy at nagpumilit lalong lumapit sa ina.
Hanggang kay Chase lang ang mga alaalang naiwan sa isip ni Yanny. Ibig sabihin wala si Travis at ang kanilang pagiging mag-asawa.
"Nasaan na ang bata?" tanong ni Cleffy kay Travis.
"Mom umuwi muna sila sa bahay kasama ng kanyang yaya. Ipihatid ko na po sa driver," sagot niya aa biyenan.
Napaiyak si Travis sa masakit na nangyayari. Alam niyang kayang kaya nilamg lagpasan. Manalig lang siya sa pag-iibigan nila ng asawa. Ito na ang magpapaalaala ka Yanny.
"Hindi ka dapat mag-alala. Narito kami ng daddy niyo para gabayan kayo sa pagkakataong tulad nito. Magpasalamat pa rin tayo at buhay siya ligtas na," paalalang sabi ni Cleff sa manugang.
"Yes mom salamat po."
Naroon na si Chase ayon sa hiling ni Yanny. Napakasakit ito para kay Travis. Paano nga ba niya sabihing ayaw niya itong lumapit sa asawa.
"Good morning tita!" bati ni Chase.
"Good morning iho!" malamig na bati ni Cleffy.
Si Rigo lang naman ang nakaisip sa ganoong ideya. Ang papuntahin si Chase. Dahil kung siya ang masusunod ayaw niya ng ganoon. Pero mapilit si Rigo dahil na rin sa gusto ni Yanny.
"Tama bang pinapunta mo pa yan dito?" nanggigil at pabulong na nagsasalita si Cleffy.
"Baka nga makatulong upang madugtungan kahit padahan-dahan ang mga alaala ng anak natin," sagot ni Rigo.
Naroon na sila sa labas dahil hindi makatagal si Cleffy sa loob. Naawa siya sa kalagayan ng manugang. Nauna siyang lumabas habang hinila pa sa kamay si Rigo. Tinawag na rin si Travis. Naiwan si Yanny na kausap si Chase.
![](https://img.wattpad.com/cover/203328082-288-k494915.jpg)
BINABASA MO ANG
Yanny, I Love You (COMPLETED)
Любовные романыKung ano man ang kasalanan ng ama ay pagbabayaran ng anak. Napakalapitin ni Rigo noong kanyang kakisigan kung kaya madalas nilang pinag-aawayan noon ni Cleffy na humantong pa sa hiwalayan. Bayad utang nga ba ang isang anak na babae sa mga kalokohan...