Chapter 14
"Rise and Shine."
Mabigat ang katawan ni Yanny na bumangon. Nakatulog nga siya pero ilang oras lang din. Napalingon siya sa nobyong kay lambing ng bati sa kanya. Matamis ang mga ngiti nitong nakatingin sa kanya.
"Luluwas na ba tayong Manila?" tanong niya sa nobyo.
"Sana luluwas na tayo. Ano sa palagay mo?"
Tinanong pa siya ni Travis gayong alam naman niyang gustong-gusto na nitong umalis. Dapat nakaalis na kasi sana sila kung hindi siya nalango sa alak.
"Oo na siyempre luluwas na tayo. Ang dami ko ding dapat na asikasuhin pa noo!" mabilis na sagot ng dalaga.
Tumayo na si Yanny at inayos ang sarili. Maliligo lang siya sandali para sila ay ba biyahe na.
"Sa daan na lang tayo hahanap ng makakainan," nagsasalitang palabas ng kuwarto si Travis.
"O-- kay!"
Nasa loob na si Yanny ng shower. Binilisan na rin ang maligo. Nagmamadali ang nobyo pakiramdam ni Yanny kaya inunawa niya ito. Nagsuklay na lang siya ng buhok. Hindi niya na inintiding maglagay ng kahit ano sa mukha.
"Baka nga may mga importanteng kailangan gagawin din ito," bulong niya sa sarili.
"Sino ang kausap mo sa phone," tanong niya kay Travis.
Tanaw niya kasi ito mula sa malayo na may kausap. Ngunit hindi niya na inabutan. Pero hindi na rin siya interesadong sagutin pa ng nobyo. Alam niya kasing madami talagang itong kausap lagi sa phone dahil sa mga kontratang tinatanggap. Isang magaling na inhinyero na si Travis.
Hindi namalayan ni Yanny ang nakatulog siya sa biyahe. Hinayaan lang siya ni Travis na makatulog para sa kanyang sorpresa naghihintay sa kanila.
"Parang ang bilis naman nating nakarating."
Kinusot pa ni Yanny ang kanyang mga mata habang tinanaw ang kanilang kinaroroonan. Nauna na kasing bumaba si Travis. Napagtanto niyang nasa restaurant sila ng pagmamay-ari din niya. Sumalubong pa sa kanya ang kanyang mommy Cleffy. Napakunot ang kanyang noo. Ang alam niya kasi diretso siyang sa bahay niya siya ihahatid.
"Mom, si Travis?" nagtataka niyang tanong sa ina.
"Nasa loob anak."
"May okasyon ba mom?"
Wala siyang matandaan okasyon. Hindi kaarawan ng ina, hindi rin kaarawan ng kanyang daddy Rigo at lalong hindi rin kaarawan ng kanyang bunsong kapatid. Pero bakit may kakaiba sa paligid.
"Mom anong meron sa loob?"
Inulit niya pa ang tanong sa pag-aakalang hindi siya naririnig.
Kinabahan at nagtataka si Yanny. May mga dekorasyon na tila may ganap sa loob ng restaurant. Sinilip niya kung sinu- sino ang mga naroon mga tauhan lang naman nila at mga customer na kumakain. Naglalagan ang red petals mga roses. Tumingala pa siya dahil tiningnan ang pinanggagalingan ng mga pulang rosas. Mula sa kusina naglabasan ang ibang staff na may dalang Will You Marry Me? I love you so much, Yanny ang nakasulat sa dala ni Travis."Huuh?
Napalingon siya sa paligid. Ang lahat ay excited na marinig ang kanyang isasagot. Ibinaling ang tingin sa ina nakangiti ito na halatang pagtutol. Ganun din nang tumingin siya sa kanyang daddy Rigo.
"Bakit ba tila silang lahat ay handang handa na? Parang ako na lang 'yong hindi," bulong niya sa sarili.
Nais pa sanang suriin niya ang sarili kung handa na nga ba siya. Pero ang sagot sa Will You Marry Me ni Travis ay kailangan niya ng sabihin.
🎶🎶
I found a love for me
Darling just dive right in
And follow my lead
Well I found a girl beautiful and sweet
I never knew you were the someone waiting for me.Lalo pang tumindi ang senaryo nila nang tumugtog ang Perfect awiting kinanta ni Ed Sheeran lumuhod ang nobyo at ibinuka ang kahon na naglalaman ng singsing.
"Aah, Ye--s, Yes."
Nakita niya ang sobrang saya sa mukha ng nobyo. Iba ang hatid nito sa kanyang pakiramdam. May kakaibang dulot din itong dulot sa kanya. Mahal na nga niya ng lubusan si Travis. Ang lalaking nagtiis at naghintay sa kanyang pag-ibig. Kilig din ang kanyang naramdaman nang kinuha ni Travis ang kanyang kamay at isinuot ang singsing. Tumayo na ito pagkatapos at mahigpit na yakap ang kasunod na ginawa sa kanya. Palakpakan at hiyawan ang bumalot sa buong paligid. Pati mga customer na naroon ay nakisaya na rin.
"Yanny, I love you."
Parang isang musika itong kanyang narinig na ibinulong sa kanya. Si Travis pala ang lalaking para sa kanya. Parang gusto niyang sisihin si kupido. Bakit ba kay Chase siya unang ipinares gayong hindi naman pala ito ang nauukol sa kanya.
"I love you too."
Napalingon uli si Yanny sa ina na
nagpahid pa ang luha. Alam niyang luha iyon ng kasiyahan. Lumapit sa kanila ang amang si Rigo at kinamayan si Travis."Congrats and please take care of my baby." saad ni Rigo.
"Yes Tito, Thank you--"
May sasabihin pa sana ang binata ngunit sumenyas na kaagad si Rigo. Bakas sa mukha ng ama ni Yanny ang kaligayahan. Daddy's girl si Yanny dahil ganun din siya kamahal ng kanyang ama.
"Buong buhay mo pang mamahalin ang anak ko. Don't say thank you for now."
Makahulugan ang tinuran ni Rigo. Naalala niya kasi ang madalas na sinasabi ng mga matatanda. Pambayad utang nga raw ang anak sa mga kalokohan ng ama. Pero alam nakikita niya kung gaano kamahal ni Travis si Yanny kaya tama lang na maginh kampante siya.
"Yes Tito."
"Dad na ang itawag mo sa akin."
Tumango si Travis na halatang sobra ding nasiyahan sa mainit pagtanggap sa kanya. Lumapit na rin si Cleffy na nakangiti.
"Mom, wala man lang kayong binanggit sa akin," pahabol pang sumbat ni Yanny.
"Aba'y kanina lang din tumawag sa akin itong si Travis," mabilis na sagot sa anak.
"Kaya pala seyoso kang may kausap kanina. Iniwasan mo pala talagang marinig ko. At itlng singsing ha mukhang hindi ito madalian."
Itanaas pa ni Yanny ang kanyang kamay. Halata kasing pinaghahandaan ang halaga ng singsing. Tinitigan ito ni Yanny at tila gusto pang itanong kung kailan ito binili ng nobyo.
"Matagal na ba 'to sa'yo?"
"Noon ko pa binili 'yan."
Napangiti na rin ang mga magulang ni Yanny sa narinig. Sigurado talaga silang mamahalin ni Travis ng tapat ang kanilang anak.
![](https://img.wattpad.com/cover/203328082-288-k494915.jpg)
BINABASA MO ANG
Yanny, I Love You (COMPLETED)
Storie d'amoreKung ano man ang kasalanan ng ama ay pagbabayaran ng anak. Napakalapitin ni Rigo noong kanyang kakisigan kung kaya madalas nilang pinag-aawayan noon ni Cleffy na humantong pa sa hiwalayan. Bayad utang nga ba ang isang anak na babae sa mga kalokohan...