Chapter 10
I'll pick you up tomorrow early in the morning," huling sabi ni Travis bago ibinaba ang phone. Gabi pa lang nagsabi na ito sa kanya. Dahil hindi pa siya gaano nakakalayo na mag-isa
Palagay niyang wala siyang dapat aksayahin na oras. Kailangan niyang libangin ang sarili. Dahil nagkakalabuan si Yanny at Chase gusto niyang sa kanya maituon ng dalaga ang kanyang atensyon. Imbitado si Travis sa kasal ng kanyang pinsan. Hindi maaring wala siya sa okasyon dahil siya ang best man.
"Bakit mo naman ako naisipang isama?"
"Kailangan pa bang may dahilan?" Sinagot lang din siya ni Travis ng tanong.
Hindi na sumagot pa si Yanny nasanay na siya sa mga punchline ni Travis. Nasa kahabaan na sila ng biyahe papuntang Norte. Medyo matagal ang biyahe aabutin ng mahigit apat na oras o baka abutin pa ng limang oras. Hindi akalain ni Travis na sasama sa kanya si Yanny. Kaya nagdiwang sa saya ang kanyang puso nang ito ay sumagot ng Oo sige sasama ako. Palihim na tiningnan ni Travis ang mukha ni Yanny sa salamin. Kitang-kita niya Gusto niyang hawakan ang kamay nito. Alam niyang kailangan magpigil sa sarili.
"Matulog ka muna malayo pa naman tayo." utos niya sa dalaga.
Nag-enjoy kasi siyang tingnan ang magandang mukha ni Yanny sa salamin. Kaya palagay niya malaya niya itong lingunin kahit sulyap lang kung nakapikit kaya pinayuhan niya itong matulog muna.
"Siguradong mag eenjoy ka sa beach wedding."
"Well sana nga," sagot ni Yanny kahit nakapikit.
Tuluyang nakatulog ang dalaga habang si Travis ay nakinig na lang ng music.
"Wow Zambales!" Napadilat ng malaki ang mata ni Yanny sa kagandahang nakikita sa paligid.
Inilibotuna ni Travis ang dalaga sa lugar ng pagdadausan ng kasal. Kinabukasan pa naman ang kasal kaya naisip niyang maglibot sila sa gilid ng isla bago kumagat ang dilim.
"Tara gusto ko doon," nagsasalitang itinuro ni Yanny ang nguso. Gusto niyang umakyak sa tuktok ng pampang.
"Baka naman hindi mo kayang umakyat ng matarik sa daan," natatawang sagot ni Travis.
"Sige na!" Makulit nitong yaya sa kanya.
"Okay sige, pero 'wag kang panay ang reklamo ha," bilin ni Travis
Dahil sa kagustuhan ni Yanny mabilis nilang narating ang tuktok. Nakapikit itong nilanghap ang hangin na galing sa dagat. Tamang pumikit si Haring Araw kaya hindi masakit sa mata ang tumingin sa baba.
Malayo ang tingin ni Yanny. Pansin ito ni Travis na nakatitig lang sa kanya mula ng sila ay umahon paitaas.
"Hindi kayang sakupin ng iyong tanaw ang hangganan ng dagat. At hindi rin maarok ng iyong isip ang lalim ng dagat," seryosong turan ni Travis.
Nalulungkot niyang tingnan si Yanny na may malalim na iniisip. Hindi niya alam kung paano niya umpisahan tanong. Nais niya itong tulungan kung ano ang bumabagabag sa puso't isipan ng dalaga.
"Masakit kasing isipin na pinagplanuhan niya lang ang mapalapit sa akin. Ang maging chief at magtrabaho sa aking restaurant ay sa isang mabigat lang n dahilan para magkita kami sa araw araw upang sadyang makuha ang loob ko. Bakit hindi ko ba naramdaman iyon?" Nagsimulang umagos ang mga luha ng dalaga.
"Si Chase ba ang iyong tinutukoy?"
Nais pa itong linawin ni Travis kahit may ideya kung sino man ang taong ibig pag-usapan ni Yanny.
"Masama siya! Bakit ako ang kanyang siningil sa mga kasalanang hindi naman ako ang gumawa."
"Pwede ko bang malaman man lang, dahil wala akong nauunawaan," kunot-noong sabi ni Travis.
"Naging isa sa mga babae ni daddy ang kanyang ate Sonia noong kabataan. Nabuntis rin ito ng daddy. Naobliga na ng magulang ni mommy si daddy kaya nanahimik na lang ang kanyang ate Sonia. Nagka depression dahil nakunan ito at nagkaroon pinsala sa isip. Hindi na nakakalimutan ng kanyang ate Sonia ang mapait niyang lumipas. Dahil sa nangyari habang buhay ng alagain ang kanyang ate dulot ng pagkawala sa tamang isip." mahabang salaysay ng dalaga.
Ipinikit ni Yanny ang kanyang mga mata. At malinaw pa sa kanyang alaala ang mga sinabi ni Chase.
"Inaamin ko noong una isang motibo ang dahilan upang magustuhan mo ako. Ginagawa ko ang lahat mapansin mo lang at makapaghiganti sa nangyari ng aking ate Sonia. Pero hindi na sa bandang huli, minahal na kita Yanny. Patawarin mo ako."
Nagmakaawa si Chase na maging maayos pa silang dalawa. Ngunit hindinna ito matanggap ng dalaga. Paano nga ba niya mapatawad ang taong gustong wasakin ang kanyang puso.
"Gusto kong sumigaw. Gusto kong itanong sa buong mundo kung dapat ko bang pagbayaran ang mga nangyari.
"Isigaw mo kung gusto mong makalaya sa kanya," taos sa pusong payo ni Travis.
"Chaseeeee.....hinding hindi mo na ako masasaktang muli dahil ayoko na. Hindi na kita hayaan makapasok pang muli sa puso ko." Parang batang sumunod sa payo si Yanny. Paulit-ulit niya itong ginawa hangga't sa lumawag ang kanyang pakiramdam.
Nag-alala si Travis habang tinitingnan si Yanny. Nakikita niyang sobra itong nasaktan. Lihim din nagdiwang ang kanyang puso dahil pursigidong ang dalaga na malagpasan ang sakit na binigay ni Chase sa kanya. Hindi niya masabi sa dalaga na sobra siyang nahirapan na nakikita niya. At sanay siya na lang ang mahal ni Yanny katulad ng kung gaano nito kamahal si Chase.
"Halika ka na. Baka kasi abutin tayo ng pagkagat ng dilim
Mahirap ng bumaba rito," nagyayang wika ni Travis.Mabilis namang sumunod sa kanya ang dalaga. At magkahawak sila ng kamay na bumaba mula sa tuktok.
"Nakakahiya bang masyado sa iyo ang ginawa ko?" tanong ni Yanny.
Napalingon ang binata sa hindi inaasahang tanong. Nais niyang magpakatotoo ng sagot pero hindi niya alam kung paano ito sagutin ng tapat.
"Marami pang iba dyan. Hindi mo lang sila napansin. Pabiro pero may laman ang mga sinabi ni Travis.
"Na katulad mo. Paano mo ba ako mamahalin Travis kung bibigyan kita ng pagkakataon? Siyempre biro lang 'yong tanong ko," palihis na hirit ni Yanny.
Ayaw kasi niyang magbigay ng konting pag-asa sa binata. Alam niya sa sarili na dating gusto niya si Travis. Pero hindi pa sa pagkataong nililimot niya pa si Chase.
BINABASA MO ANG
Yanny, I Love You (COMPLETED)
RomanceKung ano man ang kasalanan ng ama ay pagbabayaran ng anak. Napakalapitin ni Rigo noong kanyang kakisigan kung kaya madalas nilang pinag-aawayan noon ni Cleffy na humantong pa sa hiwalayan. Bayad utang nga ba ang isang anak na babae sa mga kalokohan...