1

28.5K 561 18
                                    



******Pasensya na kayo guys, nag-iiba kasi ang format ng texts at fonts sa tuwing kina copy+paste ko dito sa wattpad. Kaya nag iiba yung spacing ng paragraphs. Pasensya na talaga kayo, aayusin ko na lang after ko maipost lahat ng chapters. Kunting tiis lng. Thanks ulit sa patuloy na pagsuporta. <3 *************




SA LANDING pad sa Villa ay niyaya ni Jewel si Mitch. "hindi mo ba gustong sumama sa bahay ni Nat at


Jas, Mitch?"


"Some other time, love. May appointment ako sa


Maynila ng alas-nueve y media," sinulyapan ang relo


sa braso. "Alam mo na, binata," natatawang wika nito


kasabay ng paglalagay muli ng headset. Nagkibit ng mga


balikat si Jewel at bumaba ng chopper at patakbong


lumayo. Pinanood muna niya ang unti-unting pagtaas


ng higanteng tutubi bago mabilis na lumakad patungo


sa villa.


Nasa portico na siya nang hindi sinasadyang madako


ang pansin niya sa kanang bahagi ng villa. Tila may


nahagip ang mga mata niya na parang kinawayan siya.


Nagsalubong ang mga kilay ng dalaga at nagkibit ng


balikat. Sino ba naman ang kakaway sa kanya roon, eh,


napakadilim sa bahaging iyon. Kung katulong ay hindi


gagawin iyon.





Kinuha niya ang sariling susi mula sa bag at ipinasok sa susian ng malaking pinto nang bumukas iyon. hindi naka-lock. Nalimutan ng mga katulong na i-lock ang pinto. hinugot niyang muli ang susi at akmang papasok nang tila may naulinigan siya.


No entres, Jewel, hija... huwag kang pumasok...


Napahinto sa paghakbang ang dalaga. "May tumatawag ba sa akin?" Nilingon niya ang pinanggalingan. Pulos kadiliman ang nakita niya. Ang tanging liwanag ay ang malamlam na ilaw sa portico. huminga siya nang malalim. "Something's wrong with my imagination today. Siguro ay excited lang talaga akong ibalita sa mga tao rito ang kambal ni Emerald," nangingiti niyang sinabi at tuloy-tuloy sa loob at muling isinara ang pinto.


Tuloy-tuloy ang dalaga sa malaking hagdan. Sinulyapan ang grandfather's clock bago pumanhik. Alas- otso y media ng gabi. Maaga pa naman pero bakit tila yata nasa kani-kanilang quarters na ang mga katulong? O, baka naman tumulong sa paglilipat ang mga ito?

Kristine Series 5, Villa Kristine  COMPLETED(UNEDITED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon