"ANO ANG nangyari?" Si Charlie na hinihiyawan ang mga tauhan. "Akala ko ba ay nakita ninyo siya kanina?"
"Eh, boss, nakita namin siyang sumakay ng taxi tulad ng nairadyo sa inyo. Sinundan namin iyong taxi pero may hinintuang dalawang lalaki. Ano ba naman ang malay namin na ang taxing iyon ay holdaper. Ang sunod naming namalayan ay patakbo siyang nakalabas ng taxi," patuloy nito na ibinigay ang buong detalye kay Charlie ang mga pangyayari.Nagsalubong ang mga kilay ni Charlie. "Sinong lalaki?"
"Hindi namin kilala, boss. Pero sa hitsura ay mukhang hindi ordinaryo. Mukhang may sinasabi. Pero talagang susugurin na rin namin nang biglang dumating ang mga police mobile...""Anak ng...!" Ipinukpok nito ang kamao sa ibabaw ng mesa. "You're a bunch of idiots! Saan natin hahanapin ngayon ang babaeng iyon? Tiyak na matatagalan na naman unless she will run out of money," galit nitong sinabi. Kailangang makita nito si Diana bago bumalik sa bansa si Ramon dela Paz. Kailangang maalis niya sa landas ang babaeng iyon. At hindi niya maaaring panghawakan ang isang tauhan niyang nasa police force dahil pera ang kailangan doon. At sa totoo lang, he is the one who's running out of money!At kailangan niya si Diana!
Hindi nito binalak patayin si Don Luis. Pagnanakawan lang ang kaha. Pero matigas ang matanda at akmang kukunin ang baril sa drawer kaya inunahan ng mga tauhan niya.And damned his dear niece for getting there on time and saw the murder! Isang kaibigang reporter ang naglabas sa peryodiko na pinaghihinalaan nito si Diana bilang siyang pumatay pero agad ding namatay ang balita dahil wala naman siyang sapat na pera para sustinehan ang balita. Bukod sa hindi naniniwala ang mga alagad ng batas na si Diana ang pumatay sa matanda dahil na rin sa mga katulong. Sinabi ng mga itong dalawang nakamaskarang lalaki ang pumasok at nagtali sa kanila sa isang silid. At hindi papatayin ni Diana si Don Luis dahil mahal ni Diana ang matanda.And how stupid of him na hindi binalaan ang mga katulong! Well, he wasn't a murderer. Drug dealer, yes. Pero hindi mamamatay-tao. At desperado na ito dahil malaking pera na ang nawawaldas nito mula sa sindikato. Mawawalan siya ng leeg kung hindi nito maibabalik ang halagang lihim nitong naipatalo sa casino.At tanging si Diana lamang ang pases nito sa nakabadyang kapahamakan. At pagkatapos ay saka nito ipapapatay ang dalaga. Hindi siya. Hindi siya mamamatay-tao. At ngumisi.
BINABASA MO ANG
Kristine Series 5, Villa Kristine COMPLETED(UNEDITED)
RomanceMula sa mga holdaper ay iniligtas ni Bernard Fortalejo si Diana sa pamamagitan ng paghagis ng maraming pera sa mga ito. Pero hindi iyon pinahalagahan ni Diana na nagpupumilit tumakas at tumakbo. May humahabol sa kanya. Hindi niya alam kung kasama an...