7

17K 446 13
                                    


"DAMN you, hindi ako bayarang babae!" nagpupuyos na sigaw ni Diana.


"Saan ka nakatira?"


"Sa mote..." huli na para bawiin ang sinabi. At sinabi pa niyang hindi siya masamang babae. Muli ang nang-uuyam na ngiti ni Bernard.


"Sa motel, ha? Sino ang dalawang iyon? Customer mo na walang mga pera kaya tinakbuhan mo?"


"You beast!"


"At kaya takot kang makita ng mga pulis dahil kilala kang tiyak bilang pros..."


"Oh, stop it!" hiyaw niya. "Ibaba mo na ako kahit saan diyan kung hindi ka naniniwalang hindi ako masamang babae..."


"Ang sabi ko'y sa akin ka sa gabing ito..."


Not in this life! bulong ni Diana na nagtatagis ang mga bagang at nag-aapoy ang mga mata sa galit. Sino ang lalaking ito? Natitiyak niyang hindi ito tauhan ni Charlie. The man smells money. His car. His wallet. Ang suot nito at pati kumilos.


"At hindi mo ako kailangang takbuhan dahil may pera ako, hindi tulad ng dalawang iyon..."Napasinghap ang dalaga. "Ang sabi ko'y hindi...""...ka bayarang babae. Okay naniniwala ako pero kailangan mo ng pera?" banayad na sinabi ni Bernard. Ang maitim na mga mata'y humahagod sa kanya. "Bibigyan kita. Higit kaysa sa inaasahan mo," patuloy ng binata.


Ito man sa sarili'y nagtataka sa inaasal. What made him pick this woman? Nakita nito ang babaeng ito kaninang pumasok sa restaurant na kinainan nila ni Sandra. At hindi lang ito ang nakapuna sa babae. Ang ilang mga kalalakihan doon ay natuon din dito ang mga mata pagpasok pa lang.


Lovely and graceful kahit tila mailap ang mga matang umiikot sa buong restaurant na parang may kinatatakutan. Maputi. Pino ang kutis. Nakasabog ang alon-along buhok sa magandang mukha na ang dulo ay naroon pa rin ang tali na hindi tuluyang humulagpos. Nakahapit na faded denims at midriff na kulay dilaw. Gadangkal lang yata ang baywang.


Natitiyak nitong isang high-class prostitute ang babae at hindi dapat pagkaabalahan gaano man kaganda. Subalit sa nakalipas na anim na buwan, his life had been hell. And he wanted to get back to life.


"Hindi ko kailangan ang pera mo!" hiyaw niya uli rito."Ang laking kalokohan naman iyan. Hindi nga ba at dahil sa pera ko kaya ka nakatakas sa mga gusto mong takasan. Pero hindi libre ang perang iyon. I need it back," ani Bernard na nilingon si Diana.


"Ano ang ibig mong sabihin?" kinakabahang tanong ni Diana.Naroon ang kuryosidad sa mga ngiti ni Bernard na ibinigay sa kanya. "Halos sampung libo ang inihagis ko sa mga lalaking iyon and that's a lot of money..."


Napapikit si Diana at napasandal sa sandalan ng kotse. "S-saan mo ako dadalhin?""Sa pad ko...""Saan iyon?""Malapit lang dito. Valle Verde."Tatakas siya. Hindi ba at mahusay naman siya roon? Kapag nakasilip siya ng pagkakataon ay tatakbuhan niya ang lalaking ito. Gaano man kaguwapo ang estrangherong ito'y natitiyak niyang hindi niya gustong makapiling ito buong magdamag sa halagang sampung libong piso o kahit na magkano pa.

Kristine Series 5, Villa Kristine  COMPLETED(UNEDITED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon