14

14.1K 374 4
                                    


ALAS kuwatro na ng hapon nang inihatid ni King si Diana sa silid nito. Isang oras makaalis si Bernard.


"You've got a nice suite here," wika ng binata na sumilip.


"Kay Bernard ang suite na ito, King. Ipinagamit sa akin. Halika, pumasok ka," anyaya ng dalaga. Panatag ang loob dahil mga kamag-anak ito ni Bernard sa pagkakaalam niya.Naupo sa lounge si King sa may sitting room.


"Make yourself comfortable. Magbibihis lang ako." tumuloy na ang dalaga sa adjoining room at isinara ang pinto pagkatapos. Hindi niya napuna ang biglang pagdilim ng paningin ni King na sumunod ang tingin sa kanya.


Makalipas ang ilang minuto ay muling lumabas ang dalaga. Nagsalubong ang mga kilay nito sa nalanghap sa loob ng sitting room."A-ano iyang sinisigarilyo mo?"


"C'mon, Diana. This is just a little fun..."Tumango ang dalaga. Naiintindihan niya iyon. Ilang kaibigan ba niya ang gumagamit ng bawal na gamot? Kahit si Kenneth ay alam niyang gumagamit niyon. Isa iyon sa hindi niya gusto sa kasintahang inireto sa kanya ni Charlie.


"Pero, King, ayokong dito mo gawin iyan. Baka malaman ni Bernard. Nakakahiya naman sa kanya. Ipinagamit lang niya sa akin ang suite niyang ito."Tumiim ang mukha ng lalaki. "Huwag mong intindihin si Bernard, Diana. Sandali na lang ang pagmamay-ari niya sa Villa Kristine...""Ano ang ibig mong sabihin?"


"Si Zandro ang may karapatan sa villa at hindi si Bernard dahil mas panganay ito kaysa kay Bernard." nagsalubong lalo ang mga kilay ng dalaga. Wala siyang naiintindihan sa mga sinasabi ng lalaki. Nagbuga ng usok si King. "Well, hindi mo nga pala alam iyon. Anyway, gusto mo bang ipasyal kita sa Villa Kristine?"


Hindi agad nakasagot ang dalaga. Ang alam niya'y tinanggihan na siya ni Bernard na magtungo sila roon."Baka magalit si Bernard, King...""Ano ka ba at takot ka doon sa tao," banayad nitong angil. "Isa pa, sa legal na paraan ay si Zandro ang may-ari ng villa kaya may karapatan ako o ang Mama na magtungo roon anumang oras. Maganda roon, Diana. Para kang nasa panahon ng mga kastila. Marangya sa antigong paraan..."


Napukaw ang kuryosidad ni Diana. She really have wanted to see the villa kahapon pa habang nagkukuwento si Jasmin."At isa pa'y natitiyak kong wala rito sa Paso de Blas si Bernard. Hindi iyon tatagal dito dahil hanggang ngayon ay iniinda pa nito ang pagkamatay ng syota." umismid ito. "Dangan kasi naman iyong syota niyang iyon..."


"Ano'ng ibig mong sabihing dangan kasi?' nagtatakang tanong ni Diana.Nagkibit ng mga balikat si King. "Nagpakamatay, di ba? May problema sigurong malaki kay Bernard..."Isang buntong-hininga ang pinakawalan ni Diana. Medyo high na si King at hindi na niya naiintindihan ang sinasabi."Paano tayo pupunta roon gayong wala ka sa kondisyon?"Natawa si King. "Balewala itong nakikita mong ito. Magpapahinga lang ako at mamayang gabi ay pumunta tayo roon...""Bakit mamayang gabi?""Gustong sumama ng Mama pero gusto nitong sa gabi na lumakad," katwiran ni King. "Maaga pa naman ang alas-siyete, hindi ba?""Kung sabagay. Sige. Pagkahapunan. Magkita na lang tayo sa lobby..."Lumabas ng silid ang lalaki. Si Diana ay muling nagbalik sa loob ng silid. Sa mga mumunting kuwento ni King ay nakakabuo siya sa kung ano ang mga nangyayari sa Paso de Blas. At habang lumalaon ay lumalalim ang kuryosidad niya. Hindi sinabi ni Jasmin kung paano namatay si Jewel. Si King ay nadulas sabihin sa kanyang nagpakamatay ito. Ano na ba ang totoo? At kung totoong nagpakamatay ito, ano ang dahilan? Ang akala ba niya'y isang perfect relationship mayroon ito at si Bernard. Well, anyway, she's looking forward to visiting the villa.Nahiga ang dalaga sa kama at sinikap umidlip dahil pagod naman siya sa pamamasyal at pagsu-swimming nila ni King. Subalit nasa balintataw niya ang anyo ni Bernard. Ang nangyari sa kanila kahapon. May kung anong init na gumuhit sa katawan ng dalaga sa isiping iyon. At hindi siya makapaniwalang ganoon ang dulot ni Bernard sa kanya gayong imahinasyon lang niya ang gumagana.


Kailan ito babalik sa Paso de Blas? Hanggang kailan ang accommodation niya sa hotel?Sa mga kaisipang iyon ay umidlip ang dalaga. Nagising siya sa tunog ng interphone. Dinampot niya ito. "Hello..."


"Hey, alas-siyete y media na..." si King. "Ano ang nangyari at kanina pa ako naghihintay sa iyo dito sa lobby?" May iritasyon sa tinig nito."Oh!" Nakatulog siya. Sinulyapan ang relo sa nightlamp. Gusto niyang sabihin ditong huwag na lang tumuloy dahil mas nanaisin pa niyang ipagpatuloy na lang ang tulog. Pero nakapagbitiw na siya ng salita. Isa pa'y nakakahiya sa mama nito."I'll be down in five minutes, King," aniya at ibinaba ang interphone. Madaliang nag-ayos. Hindi na pinalitan ang maong at blouse. Nabili niya iyon kanina sa shopping store ng hotel.Kasalukuyan niyang inila-lock ang pinto nang masalubong sa hallway si Rolly, ang hotel supervisor. Nakilala niya ito kahapon ng hapon. At isang waiter na may dalang tray ng pagkain."Nagpapanhik na ako ng hapunan mo dahil hindi ka bumaba," wika ng binata. Ibinilin sa kanya ni Bernard kahapon ang tungkol dito.


"Naku, Rolly, nakakahiya naman sa iyo pero wala akong oras para kumain ngayon. Sasamahan ako ni King sa villa..." wala sa loob niyang sinabi."Ganoon ba? O, sige ibalik mo na lang iyan," utos nito sa waiter. "Itawag mo na lang ang gusto mong ipahatid mamaya pagdating mo.""Thank you, Rolly..." mabilis siyang bumaba patungo sa lobby. Naroon na si King na inip na inip ang anyo."Let's go," wika nito na hinawakan siya sa braso."Ano ang sasakyan natin?"


"Ang isa sa mga service pickup ng hotel. Nagagamit naman naming mag-anak ito." tuloy-tuloy sila sa parking area.Nakasakay na si Diana nang maalalang hindi nila kasama si Clarita. "Nasaan ang mama mo? Akala ko ba'y kasama natin?""Nauna na. Nainip sa iyo," ang sagot nito. Nakadama ng guilt si Diana. "I'm sorry, King. Naidlip kasi ako."Ngumiti ang lalaki. "Okay lang."Nalanghap ng dalaga ang amoy ng marijuana sa hininga nito at bahagya siyang napapikit. Tama bang sumama siya sa lalaking ito nang nag-iisa at gabi pa? Pero may mga katulong naman sa villa sa pagkakaalam niya. Isa pa'y nauna na roon si Clarita. Pangalawa, hindi naman siguro ito gagawa ng hindi mabuti dahil kamag-anak ito ni Bernard.Sa mga katwirang iyon ay isinandal niya ang sarili sa upuan.

Kristine Series 5, Villa Kristine  COMPLETED(UNEDITED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon