TUMUNOG ang telepono sa front desk ng hotel-resort. Akmang dadamputin ng front clerk ang telepono nang lumapit si Zandro.
"Ako na...," wika nito at muling bumalik sa kausap na guest ang empleyado. "Kristine hotel and
resort, good evening..."
"hello... this is Jewel Fortalejo, sino ito?"
"Jewel, si Zandro ito," nakangiting sagot ng lalaki.
"Where are you?"
"Nasa ere. hey, may bago na bang telephone
operator ngayon ang K-hotel?" natatawang sagot ng
dalaga.
Natawa si Zandro. "May palagay akong hanggang
dito na lang ang papel ko. Iyong hindi ba naman ako
pamanahan ng Papa, eh, di, operator na lang..." ganting
biro nito pero seryoso ang ibinabadya ng mga mata.
"Nasaan nga pala si Bernard?"
"Nasa bagong bahay nina Nathaniel at Jasmin.
Ngayong araw kasi na ito lumipat ang mag-asawa. They started moving things this afternoon. how's Emerald?" "Oh, Zandro, she delivered her baby this morning!
At tulad ng nasa ultrasound, it's a twin. A boy and a girl..."
"And I am happy for her...."
"And don't tell anyone yet, my dearest handsome
uncle," mabilis na pahabol ng dalaga. "Kanina ko pa
inaawat ang Tiya Julia at si Marco na tumawag riyan. I
wanted to be the one to bring the good news..."
"Of course. Saan ka tutuloy?"
"Sa villa muna. I'll have to change at sosorpresahin
ko na lang ang mga iyon..." Pagkatapos ng pag-uusap ay
ini-off na ng dalaga ang CP. Tiningnan ang relo sa braso,
malapit na ang alas-otso ng gabi. Marahil ay matatagalan
pa si Bernard sa bagong bahay nina Nathaniel. Tiyak na
doon na rin ito naghapunan. In fifteen minutes ay nasa
villa na siya. Makakahabol pa siya roon.
SA BAhAy ng mga Cervantes ay kasalukuyang nasa malaking sala ang mag-anak.
"This is a big house, Nathaniel." Si Josef. "At mahusay ang arkitekto mo. Neo-classic. Pinaghalo mo ang Spanish at modern architecture..."
"hindi ako ang may ideya nito, Papa, kundi ang kaibigan kong si Gabriel," sagot ni Nat na tinanggap ang ibinigay na kopita ng alak mula kay Jasmin pero
ang mga mata ay nakatuon kay Bernard na palakad- lakad sa may di-kalayuan. "Sa Villa Kristine ako lumaki at ipinanganak at hindi ko gustong alisin sa paningin ko ang mga bagay na nakasanayan ko and at the same time to enjoy the comfort na dala ng mga modernong kaayusan. Gabriel suggested neo-classic."
Si Jasmin ay nagtuloy kay Bernard at inabot din dito ang isa pang kopita. Wala sa loob na tinanggap iyon ng binata.
"What's the matter with you, Bernard?" tanong ni Nathaniel na dinala sa bibig ang kristal at bahagyang sumimsim. "Kanina ka pa hindi mapalagay..."
Nanukso si Jasmin. "Para dalawang araw pa lang kayong hindi nagkikita ni Jewel ganyan ka na. Bukas nasa Maynila ka na rin naman para asikasuhin ang kompanya..."
Nagkibit ng mga balikat ang binata. "Gusto ko nang umuwi muna, Nat, Jas..." wika nito na inilapag sa ibabaw ng piano ang kopita. "Para akong wala sa sarili. hindi ko maintindihan..."
"Why not play chess with me, hijo..." suhestiyon ni Josef.
"Naku hindi na, Josef. Nakahain na ang hapunan. Pagod at gutom lang marahil si Bernard," ani Margarita na lumabas mula sa dining room. "Vamos a comer..." "I'm sorry. I don't want to spoil this dinner sa unang pagkakataon dito sa bahay mo, Nat, pero gusto kong
umuwi." Pagkasabi niyon ay lumakad ito patungo sa pinto sa pagtataka ng apat.
Si Nathaniel ay nagsasalubong ang mga kilay na sinundan ng tanaw ang binata.
"I'm bothered. Gusto ko siyang sundan..."
"C'mon, darling. Baka may problema iyong tao at
gustong mapag-isa muna. Talk to him tomorrow about
it..."
BINABASA MO ANG
Kristine Series 5, Villa Kristine COMPLETED(UNEDITED)
RomanceMula sa mga holdaper ay iniligtas ni Bernard Fortalejo si Diana sa pamamagitan ng paghagis ng maraming pera sa mga ito. Pero hindi iyon pinahalagahan ni Diana na nagpupumilit tumakas at tumakbo. May humahabol sa kanya. Hindi niya alam kung kasama an...