SA labas ay umingit ang preno sa kadiliman sa paghinto ng pickup na sinasakyan ng tatlong lalaki. Sabay-sabay na tinakbo ng tatlo ang villa nang marinig nila ang sigaw ni King.
"Diana, hindi ka makakalayo....!" Nagkatinginan nang sabay-sabay ang tatlo. Isang patalim ang tila nabunot sa dibdib ni Bernard. Hinahanap nito si Diana so she must be safe somewhere.
"Pumasok kayo sa loob and check the maids. Hahanapin ko si Diana. Hindi niya kabisado ang paligid ng villa. She might be safe from King pero baka hindi sa panganib na hindi nakikita sa dilim..." muling bumangon ang panic sa dibdib ni Bernard sa sinabi."I'll go with you..." si Nathaniel.
"Huwag, Nathaniel, nakikiusap ako. This is my fight..." at sinundan nito ang kinaringgan ng tinig. Nasa kanang bahagi iyon ng villa.
Si King ay patuloy sa paghahanap sa dalaga. Sinisipa nito ang bawat humarang sa daanan. Nagmumura. Hindi rin nito kabisado ang paligid na ang tanging tanglaw ay liwanag ng buwan."Hayup ka, King!" Si Bernard na lumitaw sa harap niya at inundayan siya ng suntok bago pa makakilos ang lalaki. Sumadsad ito sa lupa pero mabilis ding bumangon."Ah, the high and mighty, Bernard Fortalejo," pang-uuyam ng lalaki na sinapo ang duguang bibig. "Mabuti at narito ka dahil papatayin kita ngayon...!"
Hindi nagsalita si Bernard na muling sinugod ang kaharap at nagpambuno sila sa dilim. Mabalasik si King dahil sa epekto ng bawal na gamot. Subalit malakas si Bernard at nag-aapoy sa galit. Hindi si King ang tatalunin siya.
Bago ang Kristine Corporation, ilang baka ba ang itinumba niya sa buong buhay niya? Hindi nga ba at tinuruan siya ni Anton kung paano itumba ang isang baka mula pagkabata? That son of a bitch! Kahit paano ay pinakikinabangan niya ngayon ang mga itinuro ng matandang iyon.Lahat ng pagkasuklam at galit ay taglay ni Bernard sa mga sandaling iyon. Durog na ang mukha ni King ay ayaw pang tigilan.
"Bernard, tama na!" Si Nathaniel na hinawakan siya sa magkabilang balikat at pilit inaalis sa pagkakakubabaw kay King."Tama na, sinabi!"
Dalawa sila ni Andre na humila sa binata. Humihingal pa ito sa galit. Bagaman nanghihina at halos wala nang lakas ay sinamantala iyon ni King upang paatras na tumayo at tumakbo mula roon.
Hinawi ni Bernard ang mga brasong nakahawak sa kanya. Hindi dapat makalayo ang hayup na iyon! Patakbong sinundan nito ang tinungo ng lalaki kasunod si Nathaniel at Andre."Hindi siya makakalayo, Bernard," sigaw ni Nathaniel. "At lalong hindi siya makalalabas ng Paso de Blas...!"
Patuloy sa paghabol si Bernard. Aabutan niya si King dahil kabisado niya ang villa. Hindi ito makatatakbo nang matulin. At tama siya dahil naaaninag na niya ito.Napahinto siya sa pagtakbo sa nakikitang tinutungo ni King. Ganoon din si Nathaniel. Gustuhin man nila ni Bernard na habulin at ilayo mula roon ang lalaki ay huli na.Isang malakas na sigaw ang pumunit sa karimlang iyon. Bahagya lang nagpulasan ang mga panggabing ibon. Isang mabining hangin ang umihip at tuluyang humawi ang ulap at lumitaw ang kabuuan ng buwan."Ano iyon?" Si Andre.
"Isang halos pantay-lupa at malaking lumang balon, Andre. Hindi na ginagamit. Kabisado ng lahat ang balon na iyon maliban sa isang estranghero sa villa na ito." si Nathaniel ang sumagot."Hindi gusto ni Senior Leon na takpan iyon. Lahat ng mga bagay na ginawa sa paligid ng villa noong unang panahon ay gusto niyang manatili."
"Si—Diana?" Si Andre uli.Umiling si Bernard. "Nararamdaman kong hindi dumako sa lugar na ito si Diana." luminga sa dilim ang binata at sumigaw. "Diana!"
BINABASA MO ANG
Kristine Series 5, Villa Kristine COMPLETED(UNEDITED)
RomanceMula sa mga holdaper ay iniligtas ni Bernard Fortalejo si Diana sa pamamagitan ng paghagis ng maraming pera sa mga ito. Pero hindi iyon pinahalagahan ni Diana na nagpupumilit tumakas at tumakbo. May humahabol sa kanya. Hindi niya alam kung kasama an...