11

16.8K 404 5
                                    


HAPON na nang magising si Diana. At bagaman iyon ang pinakamahabang tulog na naranasan niya sa nakalipas na anim na buwang mahigit ay hindi maginhawa ang pakiramdam niya. Sa halip ay pagod ang nadarama niya. And sore... and stiff. Inikot niya ang mga mata sa silid at sinikap alalahanin kung nasaan siya. Bigla ang pagbangon ng panic sa dibdib sa naalala. She was with a strange man in a strange place and... nagtayuan ang mga mumunting balahibo niya sa katawan sa huling naalala.


Bakit naman naging ganoon kabilis ang mga pangyayari? Paano na ngayon? She thought desperately at mabilis na bumangon. Agad ding dinampot ang kumot at ipinulupot sa katawan nang matantong hubad siya. Humakbang patungo sa bintana at binuksan ang makapal na kurtina. Mula sa bintanang salamin ay natanaw niya ang asul na dagat at puting buhangin. May mga tao pa rin sa beach sa kabila ng pasado ala-una na at kainitan ng araw. Some were aqua cycling, some were swimming and playing. Mostly ay mga foreigners ang nakikita niya.Isang buntong-hininga ang pinakawalan ng dalaga. Things were different in the light of day. Kagabi ay nagpadalos-dalos siya. Paano na ngayon?


Napalingon siya sa biglang pagbukas ng pinto. Si Bernard. In mint green sports shirt at faded denims. Hindi niya mapigilan ang paglukso ng puso pagkakita rito. He was handsome, pero ngayong umaga, sa liwanag ng araw, he was incredibly attractive."Hindi ka kumatok," akusa niya. Nakasabog pa sa mukha at balikat niya ang buhok. At hindi pa niya nakikita ang sarili sa salamin.


"Para ano? This is my suite and everything in it is mine," sagot ng binata na hinagod siya ng tingin. Pagkatapos ay ngumiti. "Bagay sa iyo ang pagkakatapis mo ng kumot na puti. Hindi ba at ganyan ang hitsura ng namesake mo sa Roman mythology?""Hindi mo ako pag-aari," mariing sagot niya na binalewala ang huling sinabi ni Bernard."Oh, yeah? Hindi ko pa sinasabi sa iyo kung ano ang magiging kabayaran mo sa pagdadala ko dito sa iyo sa Paso de Blas."


"Bakit hindi mo sabihin ngayon nang matapos na!""Wala akong maisip, Diana..."Apoy ang lumalabas sa mga mata ni Diana nang tumitig sa binata. "At ano ang gagawin ko habang wala ka pang naiisip, Bernard? Shall I be at your calling every night?""Paano kung ganoon nga dahil iyon ang hihingin kong kabayaran?"


Nanlaki ang mga mata niya. "Y-you can't mean that...!"I do. I really do, bulong ng isip ng binata. Nagtagis ang mga bagang sa pagkakatitig sa kanya. The damned woman is beautiful even when angry. At kahit bagong gising. Nakasabog ang soft brown na buhok sa mukha cascading down to her perfect shoulders. Nakatapis lang ng puting kumot sa katawan and yet she's the epitome of perfection.


And in one fleeting moment he hated her. Hated her for her beauty. Hated her for making him want her still sa kabila ng pinagsawa na nito ang sarili sa buong magdamag sa piling niya. Hated her for making him forget the face of a woman he loved for many years.And worst, wala itong alam tungkol sa babaeng ito. Kaninang umaga'y pinangahasan nitong pakialaman ang clutch bag ni Diana. Ang bag mismo ay designer's label. May pera doon at malaki-laki rin. Isang pares ng hikaw at deepsea pearl choker. Both jewelries are very expensive. Maliban sa wallet na wala namang identification kundi mga ATM cards ay wala na itong nakuha pang anumang impormasyon.


Although, hindi magiging mahirap para ditong alamin kung sino ang babaeng ito sa pamamagitan ng mga accounts nito sa bangko. Magagawa nitong pakilusin ang pera malaman lang kung sino ang babaeng ito. Dalawa sa ATM ni Diana ay ang bangko ng Kristine Cement. Hindi gugustuhin ng mga bangkong ito na i-pull out nito ang accounts ng kompanya. Ang Kristine Corporation ang isa sa mga major depositors nila.

Kristine Series 5, Villa Kristine  COMPLETED(UNEDITED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon