12

14.5K 384 17
                                    


"WE'RE pleased to meet you, Diana," nakangiting sinabi ni Jasmin matapos siyang ipakilala sa mag-asawa.


"Kanina ka pa ikinukuwento nitong pinsan ko. Mahigpit ang bilin na ibigay sa iyo ang pinakamagandang serbisyong maiaalok ng hotel," natatawang sabad ni Nathaniel. Tinapunan ng tingin si Bernard na nagtuloy sa bar at nagsalin ng alak.


Sa pagsulpot ng isang babae sa buhay ng pinsan ay bahagyang nakadama ng galak ang mag-asawa. Kahit paano ay umaasam na sana'y simula na ito ng pagbabago ni Bernard, bagaman kahit paano ay naroon pa rin ang paninibugho para sa alaala ni Jewel. Pero buhay si Bernard and must go on living.


"At ako naman si Andre," nakangiting singit ng binata mula sa likuran ni Nathaniel. "Magkaibigan kami ni Bernard..."


"I'm really glad to have met you all," ani Diana na tinanggap ang nakalahad na palad ni Andre."Maiwan muna namin kayong mga babae." si Nathaniel na inalis ang braso sa pagkakaakbay sa asawa at tinapik sa balikat si Andre. "Mukhang may pag-uusapan kami ni Bernard.""Akong bahala kay Diana, Nat. Halika sa dining, Diana, at tulungan mo akong ihanda ang tanghalian natin."


"Hindi ba late na?"


"We usually have lunch after one o'clock. Alam mo na, busy lagi sa farm at hotel si Nathaniel," nilingon ang asawa na sumunod kay Bernard sa terasa. Sa likod ay si Andre."I am really very frank, Jasmin. And I can't help to admire these men. Talaga bang guwapong lahat ang mga Fortalejo?"


Natawa si Jasmin sa pagiging candid ng dalaga. "Wait till you meet Zandro. Kapatid siya ni Bernard sa ama. Two years older. At ang isa pang pinsan nila, si Ismael. And well, there's Marco, ang tiyo ni Bernard, na sa aking palagay ay nagpauso ng salitang macho. But, darling, pinakaguwapo sa lahat ang asawa ko..."


Si Diana naman ang natawa. "Of course..." nakangiti niyang sinabi. Muli niyang tinapunan ng sulyap ang dalawang lalaki. Si Nathaniel ay parang si Marlboro Man ang tingin niya and although really attractive ay mas type niya si Bernard.


SA labas ay sumandal sa poste ng veranda si Nathaniel. "She's gorgeous...""Wow, pare. Where did you meet that woman? Bakit ba lagi ka na lang nakakaisa sa akin?" biro ni Andre na nilingon si Diana."Hindi si Diana ang dahilan kaya gusto ko kayong makausap nang sarilinan," seryosong sagot ng binata. Dinala sa bibig ang kopita ng alak at banayad na uminom.Nagsalubong ang mga kilay ni Nathaniel. "Ano'ng mahalagang bagay ang gusto mong sabihin?""Makinig kayo..."


Makalipas ang mahabang sandali ay sumagot si Andre. "Hindi tayo nakakasiguro, Bernard. Madaling tanggihan iyon. Isa pa, kahit ikaw ay hindi gaanong nakatitiyak sa sinasabi mo...""Perhaps. Pero bakit kailangang madama ko iyon, Andre, Nat? Actually, I really made sure na hindi ako nagkakamali. I even went back..."


"Ano ngayon ang plano mo?" Si Nathaniel.


"I have to do something, Nat. I will talk to the girl..."


"Well, why not. Ngayon lang dumating dito ang babaeng iyon," sang-ayon ni Nathaniel. "Use your charm, dear cousin..."


Isang makahulugang ngiti ang pinakawalan ng binata bago muling dinala sa bibig ang kopita."At sa sandaling mapatunayan mo, friend. Give him to me. Hindi ikaw..." paalala ni Andre.Nagkatinginan si Bernard at Nathaniel. Parehong makahulugang ngumiti. Mga ngiting hindi naman umabot sa mga mata.


"C'mon, you guys. Hindi ninyo dapat ilagay ang batas sa inyong mga kamay," babala ni Andre."Kami ang batas dito, Andre, should you have forgotten." Si Bernard.


"Hell! Bakit pinapunta mo pa ako rito? Nawawalan ako ng silbi," pagalit nitong sinabi.Nagbuntong-hininga si Nathaniel. "Huwag kang mag-alala, Andre, we firmly believe that no one is above the law."


"Tiyakin ninyong ganoon nga. Kilala mo ako, Bernard. Walang kai-kaibigan sa akin pagdating sa batas..."Natawa ang binata. "I know, my friend. Pero narito ka sa Paso de Blas at wala sa Maynila. Now, let's join the ladies..." anyaya nito. Naiwang nagkamot ng ulo si Andre.

Kristine Series 5, Villa Kristine  COMPLETED(UNEDITED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon