3

18.2K 454 6
                                    

"ANO KA ba naman, Zandro?" Si Clarita sa anak. "hanggang kailan tayo mananatili dito sa apartel? Gusto kong bumalik uli tayo sa Paso de Blas. hindi ko maintindihan kung bakit pagkalibing ng Jewel na iyon ay nagyaya ka nang bumalik tayo dito sa Maynila..."

"Oo nga naman, Zandro," sang-ayon ni King, sabay buga ng sigarilyo. dalawampu at limang taong gulang. "Gusto ko ang isang buwan na ipinagbakasyon natin doon. Kaya lang sa susunod na babalik tayo ng Paso de Blas ay dapat na sa Villa Kristine na tayo tutuloy at hindi sa hotel. Wow, Zandro, kahit ba mukhang museum ang bahay na iyon ay kayamanang lahat ang mga antique na naroon, ah."

"At sa iyo dapat ang Villa Kristine, Zandro..." sulsol ni Clarita. "hindi mo kailangang magpatumpik-tumpik."

"Ipinamana ni leon ang Villa Kristine kay Bernard,

Mama, King," napipikang sagot ni Zandro. "At bakit ba naman ang isang lumang Villa ay gusto ninyong maangkin? hindi ba at buhay milyonaryo naman kayo ngayon?"

"dahil ina ako ng dapat ay milyonaryo ngayon kung hindi lang sa katigasan ng ulo mo!" hiyaw ni Clarita. "Alalahanin mong ginamit ako ni leon, Zandro. Pinagsamantalahan."

Mapait na ngumiti ang lalaki. "Sinabi sa akin ng Papa ang totoong nangyari, Mama, noong una ko itong makausap." Napabuntong-hininga si Zandro.

Si Clarita ay anak ng isa sa mga katiwala ni leon Fortalejo sa bukid. Ambisyoso ang katiwalang ito at maganda si Clarita. Ipinain ang anak sa pag-aakalang iibigin at pakakasalan ni leon. Subalit tulad ng ibang mga babaeng nagdaan sa buhay ni leon Fortalejo ay nanatiling isang lihim na babae si Clarita bagaman sa pinansiyal na paraan ay nagtagumpay ang mga ito dahil galante si leon sa mga babaeng nakakapiling nito.

Subalit hindi pinahintulutan ni leon na manatili sila sa Paso de Blas. hindi birong pera ang ipinagkaloob ni leon sa mag-amang Clarita at Pacio upang mangibang bayan. Pinagkalooban ng salaping maibibili ng malawak na bukirin sa ibang lugar patawid ng dagat.

Subalit hindi natapos doon ang kasakiman. dahil naging maluho sa pamumuhay ang mag-ama. Si Mang Pacio sa sabong na bisyo at si Clarita ay sa pagliliwaliw.


Nang magdalang-tao si Clarita ay ninais ni Mang Pacio na muling kausapin si leon upang muling hingan ng pera. Sa ikalawang pagkakataon ay nagbigay si leon alang-alang sa dinadala ni Clarita subalit may pasubali. Si leon mismo ang naglaan ng salapi sa bangko para sa anak. Ang salapi ay makukuha lamang ni Zandro pagdating sa tamang edad na beinte-singko.

Ipinagpuyos ng loob ni Mang Pacio ang bagay na iyon at muling pinuntahan si leon at nagbantang ipagkakalat sa buong Paso de Blas ang ginawa nito kay Clarita. Iyon ang huling pagkakataong nakitang buhay si Mang Pacio. Kung anuman ang nangyari dito ay walang makapagsabi.

Natakot si Clarita roon. Makalipas ang dalawang taon matapos maipanganak si Zandro ay nag-asawang muli ang babae. Inalok ni leon si Clarita na ibigay dito ang anak subalit tumanggi ang babae. Taglay sa isip ang salaping kumikita sa bangko sa sandaling dumating sa edad ang anak.

At gaano man karami ang salapi ay nauubos din kung walang ibang pinagkukunan kundi iyon. Isang taon nang biyuda si Clarita nang dumating sa takdang edad si Zandro. Ang salaping naipon sa bangko ay sapat sana upang mabuhay ang tatlo sa marangyang paraan kung hindi waldas si Clarita at ang bunsong anak nitong si King.

Kristine Series 5, Villa Kristine  COMPLETED(UNEDITED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon