2

22.1K 566 52
                                    


SA PRIBAdONG silid ni Bernard sa Kristine Cement ay naroon ito at nakatayo sa may tapat ng bintana. Nakatanaw sa kawalan. Ni hindi nito namalayan ang pagpasok ng mag-asawang Marco

at Emerald.

"Gusto ka naming makausap..." Si Marco.

" Tungkol saan?" sagot niya na hindi

lumilingon. Walang buhay ang tinig.

Isang buntong-hininga ang pinakawalan ni Marco

na sinulyapan ang asawa. Si Emerald ay naupo sa sofa.

"Totoong nanatili ka sa kompanya, Bernard. Pero

para kang buhay na patay..." Si Marco uli.

Nagtagis ang mga bagang na humarap ang binata.

"At ano ang gusto mong gawin ko, Marco? Magsaya?"

buong kapaitang sinabi nito.

Si Emerald ang sumagot. May namumuong luha

sa mga mata. "Naiintindihan ka namin, Bernard. We're


hurting, too. Terribly. Gusto kong ipaalala sa iyong kapatid ko si Jewel. We grew up together. Magkasama kami sa lahat ng sandali. In laughter and in tears. But we have to let go, Bernard. Wala na siya at hindi na babalik kailanman..." Tuluyan nang bumagsak ang mga luhang pinipigil ni Emerald.

hindi sumagot ang binata. Muling itinuon ang mga mata sa labas ng bintana. Sa malaking compound ng Kristine Cement na kinakikitaan ng mga delivery trucks. Ng mga wooden pallets at mga forklifts.

Nasasaktan siya. hindi pa siya maka-recover sa pagkamatay ni Jewel. Anim na buwan pa lang ang lumipas mula noong datnan niya itong nakahandusay sa baldosa. duguan ang ulong bumagsak sa malalaking adobe.

She was still alive when he found her. Iniabot nito sa kanya ang nasa kamay. Whispered 'I love you,' and breathed her last, sa mga bisig niya. Kasabay ng pagtulo ng mga luha ay muling pumunit sa karimlan ang malakas niyang sigaw.

he was shocked. hindi niya alam kung ano ang nangyari. Kung bakit naroon si Jewel gayong ang alam niya'y nasa Maynila ito. And he would have wanted to die with her sa mga sandaling iyon.

hanggang ngayon ay patuloy ang imbestigasyon. Wala kahit na kaunting lead sa mga pangyayari. Ang mga


katulong ay inabutang pare-parehong tulog sa kanilang quarters noong gabing iyon. Walang masabi.

Kristine Series 5, Villa Kristine  COMPLETED(UNEDITED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon