SAMANTALA sa bahay ng mga Cervantes.
"Hindi mo pa ba nako-contact?" Si Andre kay Bernard na nasa tainga ang CP.Umiling ang binata. "Off pa rin ang linya niya. Damn him! Bakit pa nagtetelepono kung naka-off naman ang linya!" pagalit nitong sinabi. Kanina pang alas-tres ng hapon nila tinatawagan si Zandro pero hindi nila ma-contact. Nagbilin na rin siya sa reception desk na kung tumawag sa hotel ay sabihing tawagan siya.
"Relax, Bernard. Ngayon ka pa ba magkakaganyang may lead na tayo sa kaso..."paalala ni Nathaniel.
"Kung si King ang pumatay kay Jewel ay mapanganib siya, naintindihan ninyo?" naniningkit ang mga matang wika nito sa dalawa. Kung siya ang nasunod ay kanina pa niya ipinadampot sa mga tao niya ang lalaki. "At ayokong may mabangis na hayup na gumagala sa Paso de Blas! Kung paanong hindi natin gusto, Nat, na may mabangis na toro na nakakawala. At alam mo ang ginagawa natin sa mga torong mamatay-tao!"Isang matalim na buntong-hininga ang pinakawalan ni Nathaniel. Dinampot nito ang CP na binitiwan ni Bernard sa mesa. They've been calling Zandro every now and then.
"It's ringing!" Tumingala si Nat sa pinsan."Muchas gracias!" Mabilis na inagaw ni Bernard ang telepono sa kamay ni Nathaniel. Dalawa pa uling ring nang may sumagot. "Hello... Zandro! You, son of a bitch, where have you been all this time?"
Nagsalubong ang mga kilay ng nasa kabilang linya. Gustong magpanting ang tainga. Pero nanatiling mahinahon nang sumagot."I was out of town, Bernard. Kararating ko lang twenty minutes ago...""Bakit kailangang naka-off ang linya mo?" galit pa ring tanong nito."Walang CP line sa pinupuntahan ko. Useless na nakabukas ang linya. I'm here now, ano'ng gusto mo?""Maliban sa iyo, sino ang nakakaalam na tumawag si Jewel noong gabing iyon?" Tila patalim ang tinig nito na humihiwa."Of course ang desk personnel... no... no. Hindi nga pala nila nalaman iyon...""Alalahanin mo, Zandro. Alalahanin mo!""Huwag kang sumigaw. Nag-iisip ako..."Papanhik na ito sa hagdan pabalik sa silid nang masalubong ang kapatid."Sino ang kausap mo sa telepono? Imbitado ba tayo sa gatherings ng mga kamag-anak mo," tudyo ni King.Isang matalim na tingin ang ibinigay ni Zandro kay King. Nalalanghap nito ang marijuana sa hininga. "Bernard's girlfriend."Sandaling hindi kumibo si King. May matinding crush siya sa dalaga. "At dito ba magla-landing ang chopper?''Nasa itaas na ng hagdan si Zandro nang kaswal na sumagot. "Sa Villa..." at tuloy-tuloy nang pumanhik.
"Nasabi ko yata kay King," sagot nito. Narinig niya ang malakas na paghugot ng hininga sa kabilang linya. "What is this all about, Bernard?" Ni hindi nito natapos ang tanong. Wala na sa linya ang binata."Tama ang hinala ko! Alam ni King na darating si Jewel noong gabing iyon!""Madre de dios!" bulalas ni Nathaniel. Pagkatapos ay tumayo. "Hindi ko kailangan ang sumunod na araw, Andre. Sa gabing ito mismo ay mananagot ang lalaking iyon!"Nagkibit ng mga balikat si Andre at inilahad ang mga kamay. Sumunod kay Nathaniel pabalik sa kabahayan. Nagulat pa si Jasmin nang sabay-sabay na lumabas ng bahay ang tatlo."Nakahain na," tawag niya sa tatlong lalaki."Later, darling. May aasikasuhin lang kaming mahalagang bagay," tingala ni Nathaniel sa asawa.Nagsalubong ang mga kilay ni Jasmin sa anyo nito. Gayundin si Bernard na nasa pickup na at binubuksan iyon."I'll drive, Nat," wika nito sa pinsan na pumasok sa passenger seat. Si Andre ay sa likod.Ini-start ni Bernard ang ignition at hindi nagtagal ay nasa daan na sila. Si Andre ay nagsisikap na pagtagni-tagniin ang mga pangyayari tulad ng isang imbestigador. Ang dalawang lalaki sa unahan ay hindi kumikibo at parehong naka-tiim ang mga bagang."Isipin mong nang dahil lang sa pabango, Bernard, ay mukhang malulutas ang kaso ng pagkamatay ni Jewel..." si Andre pa rin.Naningkit lalo ang mga mata ng binata roon. Galit, pait at matinding sakit ang humihiwa sa dibdib. Nang oras na iyon na ikulong niya sa mga bisig niya ang kasintahan ay nalanghap niya ang kakaibang pabangong iyon. Pero hindi roon nakatuon ang mga pangyayari kaya hindi man lang pumasok sa isip niya iyon kahit minsan sa panahon ng imbestigasyon. Kung paanong bumagsak din sa mga kamay niya ang kuwintas nang hindi niya namamalayan.At kahapong kausap niya ang mga ito sa reception ay hindi sinasadyang malanghap niya kay King iyon. In fact, he didn't really realize it subalit tila nanatili sa ilong niya ang bango, kung ano man iyon, at may alaalang bumangon. Iyon ang dahilan kaya bumalik siya sa loob upang makatiyak. Nang sabihin niya kay Nathaniel at Andre ay hindi gaanong binigyan ng timbang ng dalawa. It was over six months, ayon sa mga ito, para maalala ang amoy. But his instincts told him otherwise. Matapang ang cologne na nadikit sa katawan ni Jewel. At ngayon niya natiyak na pinagtangkaan nito ang kasintahan.Halos bumaon sa lupa ang gulong ng pickup sa puntong iyon na inililiko niya sa sangang-daan patungo sa hotel. Tumaas-bumaba ang dibdib niya sa galit.Sa Villa, hijo... sa villa..."Did you say something?" sabay na nasabi ni Bernard at Nathaniel sa isa't isa. Pareho ring nagkatinginan."Damnit, Nathaniel Call the hotel and ask for Diana!""What's wrong with you two." si Andre na naguguluhan. Si Nathaniel ay mabilis na idinayal ang telepono. Si Bernard ay nagmenor."Lumabas? Yes... kausapin ko si Rolly...." sinulyapan nito si Bernard na halos hindi humihinga at tuluyan nang inihinto sa gitna ng daan ang pickup. "Rolly, alam mo ba kung saan nagpunta si Diana?" Pinakinggan nito ang sinasabi ng nasa linya at sa anyo ng mukha nito ay muling pinaandar ni Bernard ang pickup.Umiingit ang gulong nang magmaniobra pabalik. Bumaon ang mga unahang gulong sa halos basa pang lupa subalit itinodo ang kambiyo at apak sa selinyador at muling umahon.And drove like hell!"Ano ba ang nangyayari?" hiyaw ni Andre mula sa likod. Tila papatay ng tao ang mukha ng dalawang lalaking nasa harap.Si Nathaniel ay hindi binibitiwan ang telepono at idinayal ang numero sa villa. May dalawang katulong doon. Paulit-ulit. Halos lumubog ang mga buton ng CP sa mariing pagda-dial. Walang ring.Don't let it be, please! ang laman ng isip ni Bernard. He never thought that he would be this terrified.
Mula pa kahapon ay sinikap na niyang kontrolin ang sarili. He didn't want to see her... to be near her. Kung gagawin niya iyon ay hindi niya maipapangakong hindi niya ikukulong sa mga bisig ang dalaga. He wanted to make love to her in every possible moment.And how he really would want to hate her. Dahil sa kabila ng abala na ang isip at emosyon niya sa kasong inaakalang malapit nang malutas ay sadyang gumagawa ng daan si Diana na pasukin ang isip niya.
At nahahati ang damdamin niya sa maraming emosyon. He wanted to kill King with his bare hands dahil sa ginawa nito kay Jewel. And he's hurting, really hurting dahil bakit kailangang mamatay ang babaeng iniibig niya sa kamay ng buhong na ito? And Jewel chose her own death kaysa mapasakamay ni King. Or she didn't think she would die nang tumalon sa veranda.At ang kabilang bahagi ng isip niya'y okupado ni Diana. Halos sasabog ang dibdib niya sa matinding pag-aalala rito.
And he will give anything wala lang sanang mangyari kay Diana. Kahit ang villa ay ipagkakaloob niya kay Zandro kung kinakailangan. Walang kinalaman si Diana sa mga nangyayari. Tumakas ito mula sa kung anumang tinatakasan sa Maynila hindi upang mapagsamantalahan o mamatay lang sa kamay ng isang buhong dito sa Paso de Blas. Sa mismong bayang pag-aari ng mga Fortalejo.
"Slow down, Bernard!" hiyaw uli ni Andre. "Ano ba ang nangyayari sa iyo? Akala ko ba ay sa hotel tayo pupunta?"Nagtagis ang mga ngipin ng binata. Tatlong kilometro pang mahigit hanggang sa villa and who knows kung gaano na katagal dumating doon ang dalawa. Isa itong replay ng nangyari mahigit nang anim na buwan ang nakararaan. Hindi siya mapalagay, may tila bumubulong sa kanyang bumalik sa villa. Lamang ay hindi niya gaanong pinag-ukulan ng pansin. And when he did, it was too late.And he wished to hell that he won't be late this time! Fate can't be this cruel.Bahagyang nilingon si Andre. "Isinusumpa ko, Andre, na papatayin ko mismo sa harap mo si King sa sandaling may mangyaring masama kay Diana!"Napahugot ng matalim na paghinga si Andre at unti-unting napasandal.
BINABASA MO ANG
Kristine Series 5, Villa Kristine COMPLETED(UNEDITED)
RomanceMula sa mga holdaper ay iniligtas ni Bernard Fortalejo si Diana sa pamamagitan ng paghagis ng maraming pera sa mga ito. Pero hindi iyon pinahalagahan ni Diana na nagpupumilit tumakas at tumakbo. May humahabol sa kanya. Hindi niya alam kung kasama an...