Chapter 4: Shields

36 4 1
                                    

Third person's POV

Naghihintay lang sila na para bang hinihintay na lang nila ang kanilang kamatayan.

Dahil nahati sa tatlo ang malaking spaceship nila kanina ganito ang setup nila ngayon...

Sa Point A ship, ang commander nila ay si Gabriel at kasama niya dito ang anak niyang si Ivion at ang kasintahan nitong si Elise. Kasama rin nila sina Anaria, Tronium at Alzan. At dahil nga laman ng Point A ship ang mga visory o martian fighter ships, nandito rin sa kanila ang Martian visory pilots at ang ibang piloto naman ay nasa bridge o control room.

Sa Point B ship, ang commander nila dito ay si Thumpyr, kasama niya sina Solomon, Weldron, Sandro at ang kasintahan ni Arc na si Wendy. Nasa kanila naman ang Martian soldiers at ang iba ay siyang pumipiloto sa kinalalagyan nila ngayon.

At sa Point C ship naman, si Valker ang kanilang commander dito. Kasama niya ang Genesix, si Zack, Dargath, Vianus, Fortchtwig at ang mga mandirigma ng Legendaria. Nandito rin ang butler ni Zhanaia na si Seymore, si Coralia, Hardshell, Tsunami, Crabclaw at ang mga kawal na Aquasians. Gaya ng iba, pinipiloto din ang ship nila ng mga Martians.

Nasa Quadship naman sina Arc, Zhanaia at Theodore bilang mga responders.

Lahat sila ay pinagbuklod ng kani-kanilang suot na communication device o earpiece at dito sila nag-uusap-usap.

Ang tatlong ships na ito ay kasalukuyan pa ring nakabalot ng force field o energy shield habang pinapanatili ang patatsulok nitog posisyon.

Naghihintay na lang silang magbuga ng enerhiya ang kanyon ni Galaxtar.

"May magagawa pa ba tayo?" nagbabasakaling tanong ni Arc.

"Sana nga..." tanging nasabi ni Ivion.

"Susubukan ko..." sabi ni Zack at napatingin kay Greenwizard na para bang may sinabi ito. Agad niyang ipinukpok sa sahig ang hawak niyang kulay gintong mahabang tungkod gayundin si Greenwizard.

At dahil nga dito nagkaroon sila ng panibagong harang o shield. Ang unang pumalibot sa kanila ay ang isang enerhiyang kulay ginto at ang pangalawa naman ay berde.

Ngayon, may tatlo nang energy shield ang nakaharang sa kanila. Ang force field na galing sa tatlong ship, ang galing kay Zack at galing kay Greenwizard.

Ngunit hindi natinag si Galaxtar dito at parang mas nasabik pa siya.

"Mapaghihigantihan ko na ngayon ang aking kapatid!" sigaw niya at pinatay nito ang holographic image na nagmumula sa ship niya. "Put the power to full force. Maintain it, huwag niyong gamitan ng tig-iisang tira. Tingnan lang natin kung hanggang saan ang lakas ng mga harang nila..." dugtong niya at napaupo sa trono niya at napangiti.

"Canon recharging..." sabi ng piloto niya at itinaas ng dahan-dahan ang isang lever at may narinig siyang tunog. "Charged!  Waiting for command..." dugtong nito.

"Fire!" utos ni Galaxtar at nagpalabas na nga ng kulay puti at ubeng enerhiya ang kanyon niyang matatagpuan sa taas ng kanyang ship.

Maririnig ang malakas nitong tunog na para bang kulog.

Una itong tumama sa kulay berdeng enerhiya na nagmumula kay Greenwizard.

Mahigpit na napahawak sa tungkod niya si Greenwizard na para bang nilalabanan niya ang enerhiyang nagmumula sa ship ni Galaxtar.

Pinapawisan na siya at nanginginig ang kanyang pagkakakapit sa kanyang kahoy na tungkod.

"Ugh..." pagpipigil niya.

"Kaya mo 'yan Greenwizard..." sabi ni Petalfury.

Ngunit kahit ano pang gawin niya malakas talaga ang kapangyarihan ng kabila.

"Nnnnnaaaaaaahhhhh!" sigaw niya na para bang ibinuhos na niya ang lahat ng kanyang lakas at sa hindi inaasahang pangyayri, ay biglang nabali ang kanyang tungkod na lumikha ng pagsabog. "Hindi!" sigaw niya at napaluhod at tuluyang hinimatay.

"Atarius!" sigaw ni Valker. "Genesix kayo na ang bahala sa kanya..." dugtong niya at napatingin kay Zack na nahihirapan din.

Dahil nabasag na ang pabilog na enerhiyang ginawa ni Greenwizard sa kanila, sa enerhiyang ginawa ni Zack naman ngayon ibinubuhos ng kanyon ni Galaxtar ang malakas nitong enerhiya.

"Zack..." pag-aalala ni Valker sa kanya.

"Kaya ko ito..." tugon ni Zack habang mahigpit na nakahawak sa kanyang gintong tungkod.

"Kaya mo 'yan kaibigan..." sabi ni Theodore na para bang pinalalakas niya ang loob nito.

Sumigaw si Zack at tinusok niya ang kanyang tungkod sa bakal na tinatapakan niyang sahig na lumikha ng nagkukulay gintong kuryente at malakas na hangin.

Maririnig naman ang isang alarm system na nagbibigay babala.

"Warning unstable energy detected..." --

"Yaahhh!" sigaw niya habang nililipad ng malakas na hangin ang suot niyang pulang robe.

Dahil dito mabilis na nawala si Zack at nakapunta ng mabilis gamit ang teleportation sa ship ni Galaxtar.

Nakarating siya mismo sa bridge/throne room ni Galaxtar.

Agad na naalerto ang mga sundalong alien ni Galaxtar at mabilis na itinutok ang kani-kanilang blaster.

Ngunit sinenyasan sila ni Galaxtar para tumigil.

"Aha, the sorcerer..." bungad niya at napatayo.

"Itigil mo na ang lahat ng ito Galaxtar..." sabi ni Zack at itinutok niya ang kanyang tungkod.

"Why would I? Malapit na akong magtagumpay..." sabi ni Galaxtar at napaatras.

"Nyaahh!!" sigaw ni Zack at bigla niyang hinataw ang kanyang hawak na tungkod dito.

"Ha!!" sigaw naman ni Galaxtar at mabilis na pinulot ang kanyang dalawang mahahabang espada na nagbabaga ng kulay violet at agad niyang sinangga ang tungkod ni Zack.

"Espada, sigurado ka ba?"

"Hindi mo alam kung sino ang kinakalaban mo sorsero..." sabi ni Galaxtar at mabilis na inatake si Zack gamit ang dalawa niyang espada.

"Tingnan lang natin..." sabi ni Zack at mabilis niyang naihiwalay kay Galaxtar ang mga espada nito. Agad niya ring naitutok dito ang kanyang tungkod. "Huwag... Ka... Nang... Gumalaw..." pagbabanta niya.

Natigilan si Galaxtar dito at mapapansin sa kanyang mukha ang pagkabahala.

Napansin ni Zack na parang hindi natatakot si Galaxtar sa kanya.

"Bakit, bakit parang kampante ka pa rin?" seryoso niyang tanong.

"Dahil... Hindi ko pa nailalabas ang aking tunay na kapangyarihan..." sagot ni Galaxtar at walang takot na hinawakan ang nakatutok na tungkod ni Zack.

Nagkaroon ng kulay violet na enerhiya ang kamay ni Galaxtar at mahigpit niyang hinawakan ang tungkod ni Zack.

"Ugh..." mahinang sambit ni Zack habang pilit na hinihila ang tungkod niya mula sa pagkakahawak ni Galaxtar.

"Sa tingin mo ba matatakot ako sa jewelsphere na ito? Ni hindi mo nga ito nagagamit ng maayos..." sabi ni Galaxtar at bigla na lang binitiwan ang tungkod ni Zack sa kadahilanang napaatras ito. "May panlaban din ako sa'yo..."

Bigla namang gumawa ng mga galaw sa kamay at daliri si Galaxtar na para bang kumakaway siya ng dahan-dahan. Habang ginagawa niya ito ay nababalutan naman ng kulay violet o purple na enerhiya ang kanyang kamay maging ang kanyang mga mata na nagliliwanag.

"A-Ano ang ginagawa mo?" pagtataka ni Zack at napatingin sa paligid na unti-unting nagbabago.

"Ito ang aking kapangyarihan, ang Shape Jewelsphere..." biting sabi ni Galaxtar at napangiti.

***************

CONVERGENCE NEMESIS (CSU SERIES #11)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon