Zhanaia's POV
Gamit ang aking kakayahang maglaho ay mabilis akong nakabalik sa Aquasia. Kaya kong mag-teleport pero may limitasyon, pabalik-balik lang ako sa lupa at tubig. Kung ipapaliwanag, nakapagte-teleport lang ako papunta sa dagat kung nanggaling ako sa lupa at nakakapunta lang ako sa lupa kung nanggaling ako sa dagat. Palitan lang. Hindi ko kayang maglaho papunta sa ibang parte ng lupa kung nandoon na ako at gayon din dito sa dagat. Ah basta gano'n 'yun.
Huminto muna ako sa isang malaking bintana na kita ang syudad. Dahil nabalot sa mahiwagang bula ang bintanang ito, malaya kaming nakapaglalakad dito sa loob gamit ang aming mga paa.
Sa nakikita ko mukhang masaya naman ang syudad, wala silang kamalay-malay na may nangyayari na palang kakaiba.
Hindi ko maisip ngayon kung ano ang aking gagawin. Ano kaya ang aking maipapaliwanag sa mga asawa ng mga kawal na nawala? Ano ang maidadahilan ko? Hindi ko alam!
Tumulo na lang bigla ang aking mga luha at ako na nga'y umiyak. Hindi ko mapigilan ang sakit sa aking puso na para bang tinutusok. Nangungulila na ako sa'yo Seymore. Miss na miss na kita. Sana man lang ay nakapagpaalam ako sa'yo. Tss.
Mabigat sa dibdib kung parati kong nakikita ang iyong masayang mukha sa aking isipan. Kahit pilit ko mang kalimutan, hindi ito matanggap ng aking puso. "Seymore, patawad kung hindi kita naprotektahan. Patawad kung naging mahina ako!" pasigaw kong sumbat sa aking sarili habang patuloy na umiiyak.
Tumakbo ako nang tumakbo hanggang sa nakarating ako sa Throne room. Walang katau-tao rito, ako lang mag-isang nakatayo rito sa loob. Nakabibingi ang katahimikang nandito. Agad akong napatingin sa malaking upuan na nasa gitna.
"Walang kwentang upuan!" sigaw ko. Mali, bakit ko naman pag-iinitan ang upuan samantalang ako ang nakaupo rito? "Walang kwentang Reyna!"
Patuloy lang ako sa pag-iyak hanggang sa napansin kong lumiliwanag ng kulay berde ang aking gitnang daliri sa kanang kamay. "Nakalimutan kong ibigay ito kay Demon..."
Ang singsing.
Nagliwanag nang nagliwanag ang singsing hanggang sa biglang may lumabas na kulay berdeng enerhiya rito. Nagulat ako na bigla na lang nagpakita ang espirito ng aking ina.
"Inaaaa!" umiyak pa ako lalo na para bang bata nung makita ko ang mukha ng aking Ina. Akma ko siyang yayakapin pero naalala ko na hindi iyon maari. "Paanong nandito ka, hindi kita tinawag?"
"Hindi ko na kailangan ng tawag mula sa'yong bibig 'pagka't, isinisigaw ito ng iyong puso..." sabi niya. Na-miss kong marinig ang kanyang malumanay na boses. "Inaaaa, kilalang-kilala mo talaga ako!" patuloy kong pag-iyak at napaluhod sa kanyang harapan. Naaalala kong ako pala ang dahilan kung bakit siya namatay. Tss! Ang dami ko nang kasalanan!
"Tumayo ka Zhanaia, hindi lumuluhod ang isang reyna!" may tapang niyang pagkakasabi.
"Ina, pasensya na po kayo. Hindi ko nagampanan ng maayos ang pagiging reyna. Wala talagang makapapalit sa inyo!" sigaw ko at suminghot. "Isa akong malaking kabiguan!"
BINABASA MO ANG
CONVERGENCE NEMESIS (CSU SERIES #11)
Aktuelle LiteraturFRIENDS ARE YOUR SECOND FAMILY. Magsasama ulit ang mga bayani sa pangalawang pagkakataon. Dahil sa nangyaring digmaan noon (CONVERGENCE GENESIS) namatay si Lord Hellius na siyang kapatid ni Lord Galaxtar. Dahil nga namatay ito, gusto niya ngayong ma...