Third person's POV
Naglalaban na nga ang Responders at ang pinagsamang lakas nina Galaxtar at Hellius. Lima laban sa dalawa, ngunit hindi labanan ng bilang ang labanang ito, kundi ng lakas at katatagan.
"Tanggapin ninyo ang aking galit!" sigaw ni Hellius habang hawak ang pulang bato. Bigla itong naglabas ng napakalakas na enerhiya na kanyang ipinatama sa kanila na mabilis naman nilang naiwasan.
Mabilis na sumugod si Demon at inatake niya si Hellius. Sa laki ng kanyang katawan ngayon, alam niyang malalabanan niya sa lakas ng katawan si Hellius. Dahil dumoble ang laki ng kanyang katawan, dumoble rin ang kanyang lakas. "Hellius!" sigaw niya. Tumilapon silang dalawa at naglaban sa isang sulok. Tumakbo naman patungo sa kanilang kinalalagyan si Zhanaia para tumulong.
"Kahit na magsama pa kayo ay hindi niyo ako matatalo!" sigaw ni Galaxtar at bigla niyang iniangat ang sahig at itinulak ang hangin para patamaan sina Dalistro.
"Yah" sigaw ni Arc at mabilis na nagpalabas ng kulay asul na kuryente mula sa kanyang mga kamay na kanyang ipinatama kay Galaxtar. Natamaan nga nito si Galaxtar at napasigaw. "Aahh!" sigaw niya na para bang nasaktan hanggang sa napaluhod. Nagulat naman si Arc dito at napatingin sa kanyang mga kamay. Nagtataka siya ngayon kung bakit.
"Kuryente pala ang iyong kahinaan!" sigaw ni Arc kay Galaxtar. Ngayon naniniwala siyang kuryente ang kahinaan ni Galaxtar. Nagbigay ito pag-asa sa kanya dahil may panlaban na sila rito.
Dumura naman si Galaxtar at tumayo mula sa pagkakaluhod. "Tsk, hindi mo ako matatalo tao..." pagkagalit niya.
"Ituloy mo lang ito Arc!" utos ni Dalistro sa kanya at itinuloy nga ni Arc ang pag-atake kay Galaxtar. Mabilis siyang nagpapalit-palit ng pwesto habang inaatake ito.
Umaatake rin mula sa isang distansya si Theodore gamit ang kanyang pana. Siya ang kumakalaban sa mga alien soldier ni Galaxtar na gumaganti naman gamit ang mga hawak nitong blaster. "Mamatay na kayo!" sigaw niya. Sa galing niya, hindi pa siya nagmimintis. Pinapatama niya sa mga ulo nito ang kanyang mga nag-aapoy na palaso. Hila lang nang hila si Theodore dahil gumagawa na mismo ng palaso ang kanyang hawak na mahiwagang pana.
Isa-isa na ngayong bumabagsak ang kanyang mga kalaban. "Sige lang!" sigaw niya habang patuloy sa pagpana.
Samantala...
"Nyah!" sigaw ni Demon habang nagpapalabas ng malakas na apoy sa kanyang mga kamay na tinatapatan naman ni Hellius gamit ang Stone of Endless Energy. "Yah!" sigaw din nito.
"Mukhang hindi talaga siya magpapatalo..." sabi ni Zhanaia. Huminto muna siya sa pag-atake para pagbigyan si Demon. Gusto niya rin mismong makita kung ano ang kinalabasan ng paglalaban nila ni Hellius.
Bigla namang nagpakita si Garra na nagmula sa kung saan. Agad nitong inilabas ang gintong tungkod at balak niya na namang gawin ang ginawa niya noon. Balak niya silang paralisahin ulit.
"Opps!" sigaw ni Zhanaia sa kanya. "Hindi mo na 'yun mauulit Garra!" dugtong niya at mabilis siyang magpalabas ng tubig sa kanyang mga kamay. Ang tubig na ito ay kanyang kinontrol at ipinalibot kay Garra at ikinulong siya. Sinusubukan ngayong lunurin ni Zhanaia si Garra para hindi na ito makakilos pa. Nakapapanibago, sa ngayon mukhang hindi na nakikipaglaro si Zhanaia, mukhang sa panahong ito, nandito siya para pumatay.
"Hi-Hindi!" pagpupumiglas ni Garra. Unti-unti na siyang nawawalan ng hangin at nabibilaukan.
Sa mga maaasul na mata pa lang ni Zhanaia at sa mapungay nitong itsura, malalaman agad na galit na galit siya rito. Itinaas niya ang kanyang mga kamay at lumutang ang pabilog na tubig na laman ang naghihingalong bruha. "Ngayon, magbabayad ka sa lahat ng iyong ginawa!" sigaw niya.
BINABASA MO ANG
CONVERGENCE NEMESIS (CSU SERIES #11)
General FictionFRIENDS ARE YOUR SECOND FAMILY. Magsasama ulit ang mga bayani sa pangalawang pagkakataon. Dahil sa nangyaring digmaan noon (CONVERGENCE GENESIS) namatay si Lord Hellius na siyang kapatid ni Lord Galaxtar. Dahil nga namatay ito, gusto niya ngayong ma...