Chapter 18: Regained

20 3 1
                                    

Dalistro's POV

Nandito pa nga ako sa aking laboratory at nakaharap pa rin ako sa hologram display na nasa aking working table. May kape na nga ako rito para hindi ako antukin. Pilit ko kasing tinitingnan ang isang kuha ng satellite.

"Hindi ko maintindihan. Bakit ganito?" tuluyan kong pagtataka at napakamot sa aking ulo.

"May problena po ba sir?" tanong ni Ann.

"Hindi ko alam kung problema ito Ann. Hindi ko talaga alam kung ano ito sa totoo lang..." sabi ko. Tumingin ako sa notebook na nasa mesa at nilagyan ng ekis ang mga maling posibilidad na aking isinulat. "Pero naniniwala akong may kakaibang nangyari sa pagsabog na iyan. Kita mo 'yang shock wave? Hindi 'yan normal o basta lang na shock wave. Para siyang kapangyarihan o kung ano man." nanghihinala na talaga ako. May hindi tama rito.

"Sa tingin ko rin po. Kakaiba rin ang readings ng shock wave na iyan..." sabi ni Ann at biglang ipinakita sa display ang energy readings na binubuo ng line at bar graphs. "At ang duration nito sir, kakaiba rin."

Napatingin naman ako sa aking suit na kasalukuyan pa ring inaayos ng mga robotic arm na kontrolado ni Ann. "Update sa suit ko Ann?"

"Malapit na po sir. Inaayos ko na lang ang chest chamber..." --

"Good. Ah, pakitawagan na rin ang responders. Sabihin mong pumunta sila rito. ASAP."

Siguro kung tatanungin ko ang mga opinyon nila, may maisasagot sila sa napakalaking misteryong ito. Nakasisiguro akong makatutulong ito sa amin. Ngunit hindi ko alam kung paano. Sana'y tama akong pagkatiwalaan ang aking hinala.

Sana nga.

****************

Demon's POV

Nandito ako ngayon sa Deadly Room. Bumili ako ng alak at umupo sa counter. Gusto kong malasing at kalimutan ang lahat pero natatandaan kong hindi ko pala kayang malasing.

"May problema ka yata bata?" tanong ni tandang Deathcold na nasa mismong counter at siya ang nagseserbisyo ngayong gabi

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

"May problema ka yata bata?" tanong ni tandang Deathcold na nasa mismong counter at siya ang nagseserbisyo ngayong gabi.

"May problema ka yata bata?" tanong ni tandang Deathcold na nasa mismong counter at siya ang nagseserbisyo ngayong gabi

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.
CONVERGENCE NEMESIS (CSU SERIES #11)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon