Theodore's POV
Kinabahan ako bigla nung nagtanong na si Dalistro. Napalunok ako bago bumitaw ng mga salita.
"Aahh... Alam mo kasi Dalistro, nung minsan kaming nagpulong ng mga councilmen, si Solomon ang pumalit sa iyo pansamantala dahil daw wala ka pa. Hindi namin alam kung ano ang dahilan pero iyon ang kanyang sinabi. Naisipan niya sigurong hindi ligtas ang kahon sa Mars, kaya dinala niya ito sa Headquarters. Pero nagdalawang-isip noon sina Thumpyr kaya nagpresinta ako na bakit hindi na lang sa Legendaria. Nanatiling nakatago sa isang lugar ang kahon hanggang sa dumating ang isang pagsubok sa aking buhay na akin namang napagtagumpayan. Isang araw bumisita si Thumpyr para kumustahin ang kahon kaya sinamahan ko siya... At laking gulat namin na wala na roon ang kahon at may kumuha na raw..." pagpapaliwanag ko.
"Totoo iyon. Kasama ako mismo sa pagpupulong..." sabi ni Zhanaia.
"Ano?!" pagkagulat ni Dalistro na inaasahan ko na. "Ang ibig mong sabibin nasa kay Galaxtar na ngayon ang Voidbox, paano?!" dugtong niya.
"Sa aking palagay, may koneksyon si Galaxtar sa aking nakalaban noon na si Caprithorn. Buong akala ko ay ang pagsakop lang sa kaharian ang kanyang pakay, nagkamali pala ako. Ngayon malinaw na sa akin ang lahat. Ipinakuha ni Galaxtar ang kahon sa pamamagitan ni Caprithorn. Sa katunayan, nung pagdating ni Galaxtar dala ang kanyang spaceship, alam ko nang nasa loob nito ang kahon na kanyang ginagamit para pangtransportasyon..." sabi ko.
Hindi na nakapagsalita si Dalistro na para bang nagulat sa kanyang mga narinig.
"Ngayon may paraan na sila para makapunta rito, they can use it to teleport themselves here..." sabi ni Demon.
"Ano ang dapat nating gawin?" ani Arc.
"Wala na tayong ibang magagawa kundi ang bantayan ang singsing na ito ano man ang mangyari..." sabi ni Dalistro habang itinuturo ito at tumango ako sa pagsang-ayon.
************
Third person's POV
Makikita namang nakatayo si Galaxtar sa loob ng kanyang throne room. Makikita sa kanyang tindig na may binabalak siyang malaki.
"Nasa akin na ang shape, wish at dimension. Malapit ko nang makompleto ang lahat. Nakasisiguro akong sila mismo ang maghahatid nito sa akin ngayong nalaman kong hindi sila nadamay sa pagsabog ng tatlong spaceship na iyon. Sa palagay ko'y may binabalak silang malaki..." ani Galaxtar.
"Ano na ang iyong plano ngayon panginoon?" sabi ng isang matandang babaeng nakasuot ng talukbong na para bang telang kapote.
"Kukunin ko ang isa at ikaw naman sa isa. Gamitin mo ang Voidbox para makapasok doon. Ayon sa dati kong alagad, matatagpuan ito sa Spirit World... Magkita na lang tayo sa Earth" sagot ni Galaxtar at umupo sa kanyang trono.
"Masusunod po..." sabi ng matanda at pumunta sa ilalim na parte ng ship at pumasok sa isang glass cylinder chamber na may nakakonektang kable na nagmumula sa kahon.
BINABASA MO ANG
CONVERGENCE NEMESIS (CSU SERIES #11)
Ficção GeralFRIENDS ARE YOUR SECOND FAMILY. Magsasama ulit ang mga bayani sa pangalawang pagkakataon. Dahil sa nangyaring digmaan noon (CONVERGENCE GENESIS) namatay si Lord Hellius na siyang kapatid ni Lord Galaxtar. Dahil nga namatay ito, gusto niya ngayong ma...