Third person's POV
It was dark. The silence of the deep space is very disturbing. It feels like the space is in sadness.
Shrapnels and debris are scattered, floating into space like garbage in the ocean.
Suddenly a flash of light appeared revealing the Quadship containing Arc, Theodore and Zhanaia. Maybe they teleported before the three motherships exploded. Sadly they're still unconscious at the moment.
An alarming sound could be heard like a miniature siren of an ambulance synchronizing with a red light or a warning indicating that the Quadship must be broken inside.
"Ahhh..." pagkagising ni Arc sabay hawak sa kanyang ulo.
"Ano ang nangyari?" ani Theodore sabay napatayo at tinulungan din si Zhanaia na makatayo.
Bigla namang pinindut-pindot ni Arc ang mga buton na nasa harap niya at biglang bumalik ang ilaw.
"System rebooted." sabi ng isang babaeng boses.
"Mabuti na lang at pinindot ko agad ang teleportation ng Quadship bago pa... Bago pa..." pagputol ni Arc at biglang nalungkot sabay napayuko.
"Ano ang nangyari? Ba-Bakit..." pagkagulat ni Zhanaia sabay napatingin sa paligid nila o sa labas o sa kalawakan na makikita ang mga naglakat na mga sirang parte ng Point A, Point B at Point C ship na kinalalagyan ng lahat ng kanilang mga kaibigan. Wala nang nagawa pa si Zhanaia kundi ang umiyak na lang sabay napayakap kay Theodore na umiyak na rin.
"Umalis na tayo dito bata, wala tayong mapapala kung mananatili lang tayo sa lugar na ito. Sige na..." ani Theodore kay Arc at hinahawakan na nga ni Arc ang manubela at mabilis nga silang umalis habang dinaanan ang nagkapira-pirasong parte ng mga spaceship na ani mo'y parang mga basura.
Kung iisipin, magkatulad lang sila. Nasira ang sinasakyan ng kanilang mga kaibigan na para bang salamin, pati na rin ang kanilang mga damdamin.
Ano kaya ang kanilang gagawin?
*******************
Dalistro's POV
"Sir, I have detected an explosion na malapit sa Earth..." sabi ni Ann.
"What do you mean? What is it?"
"I don't really know sir..." sagot niya.
"Then we must hurry, kinakabahan akong may kinalaman dito sina Sandro. Malapit na naman tayo, kaya ibuhos mo na ang lahat ng natitira mong tricks para mabilis tayong makarating..." sabi ko habang iniisip kung ano nga ba ang dahilan ng pagsabog na ito.
Sa totoo lang kinakabahan akong may kinalaman dito ang aking kapatid pati na rin sina Solomon at Weldron. Tsk.
"Ann, bilisan mo pa!" sigaw ko.
"Yes sir!" sagot ni Ann at mas bumilis pa nga ang aking paglipad.
********************
Demon's POV
"Aberto!" sigaw ko at mabilis akong nakapasok sa T.S.M.A Headquarters at dumiretso ako agad sa training field sakay sa cylinder-shaped glass elevator.
"I can smell different scents here. Martians, Legendarians and Aquasians were here, but why?" sabi ko habang inaamoy ang hangin gamit ang kakaiba kong pang-amoy.
Bigla naman akong napatingin sa gitna ng field na nararamdaman kong may kakaibang nangyayari.
At hindi nga ako nagkamali dahil bigla na lang dumating ang Quadship ng Reborners mula sa teleportation at agad akong tumakbo patungo rito.
BINABASA MO ANG
CONVERGENCE NEMESIS (CSU SERIES #11)
General FictionFRIENDS ARE YOUR SECOND FAMILY. Magsasama ulit ang mga bayani sa pangalawang pagkakataon. Dahil sa nangyaring digmaan noon (CONVERGENCE GENESIS) namatay si Lord Hellius na siyang kapatid ni Lord Galaxtar. Dahil nga namatay ito, gusto niya ngayong ma...